Chapter 10

3.1K 128 1
                                    

"CARE TO TELL ME WHO HE IS?" nakangiting tanong ani Mama Andie na naupo sa tabi niya. Katatapos lang ng photo shoot at kasalukuyan siyang nakaharap sa vanity mirror at nagtatanggal ng make-up sa mukha.

Hindi sumagot si Trixie, tiningnan lang ito sa salamin. Tumaas ang isang kilay nito, halatang inaantay ang kanyang sagot.

"What?" aniya na muling ibinalik ang focus sa ginagawa.

"Ang inaasahan ko ay malulungkot ka dahil hindi kayo nagkita. Pero kabaliktaran noon ang reaksyon mo."

"Hindi ba pwedeng wala na lang akong expectations kaya balewala sa akin ang nagyari ngayon?" ani Trixie, iniwasang salubungin ang mata ni Mama Andie.

Ilang segundo siya nitong pinagmasdan, inaarok kung totoo ang sinabi niya. "Okay. Pero hindi lang iyon ang nag-iba sa iyo, Darling. Dati, pagkatapos ng shoot ay tubig ang unang hinihingi mo sa akin, pero hindi mo inabot ang tubig na ibinigay ko sa'yo. Cellphone ang unang inatupag mo. And the smile on your lips can brighten up even the darkest room," anito na humalukipkip pa.

"You are very perceptive, Mama Ands," tumayo siya sa bangko at pumasok sa dressing area para magpalit ng damit.

"I know when a smile is caused by a man. So don't you dare deny it, Darling. Now tell me, who is he?" ani Mama Andie sa labas ng dressing room.

Nagpakawala ng hangin sa pagitan ng mga labi si Trixie. Kilala niya ang tonong iyon ni Mama Andie, alam niyang hindi ito titigil hanggang hindi siya naamin.

"Ma Ands, will you give it to me this time? Please. Pwede bang sikreto na lang natin ito at wag mo nang iparating kay Mama?" aniya pagbukas ng pinto. Kahit naman inaaway ito ng Mama niya ay matalik na magkaibigan pa rin ang dalawa, at alam niyang posibleng masabi nito sa ina ang tungkol sa obserbasyon nito ngayon sa kanya.

Ilang segundo siyang tinitigan ng PA, bago bumuntong-hininga, "Okay. But know the line, Darling. Alam mong hindi lang ikaw ang mananagot kapag may nangyari sa'yo," anito na bukod sa pangamba ay naroon din ang pag-aalala para sa kanya.

"I know, 'Ma Ands. You have my word. I will be very, very careful," aniya na niyapos itong bigla.

"So kailan ko siya makikilala?"

"Nakita mo na siya," ngumiti siya, dinampot ang bag at nagpauna nang lumakad palabas ng studio.

"Sino sa kanila? Marami kang manliligaw, Darling," anito, nakaagapay sa kanya.

Manliligaw.

Nanliligaw ba si Macoy sa kanya? Siguro. Kung hindi pa panliligaw ang ginagawa ngayon ni Macoy, hindi na niya alam ang tawag doon.

Imbes na sagutin ang tanong nito ay muli siyang nagfocus sa cellphone.
"Namimiss na kita. Can't wait for tomorrow," anang text message na galing sa binata.

Napangiti si Trixie. Kaninang bago makapangahali lang sila naghiwalay, pero heto siya at gano'n din mismo ng nararamdaman. Namimiss na rin niya ang binata. Kanina ay parehas na silang umiwas na mapag-isa. At para mas makaiwas sa tukso ay nagsama si Macoy ng katiwala ng mga ito sa pag-iikot nila sa Rancho Andrade. But even if they have a companion, the electrifying attraction between them was so high, they almost lost it when they were left alone for a short while inside the nipa house in the middle of their orchard.

"Macoy? Who is he?" ani Mama Andie na sinilip ang cellphone screen niya.

"Mama Ands!" aniya, kinipkip niya ang cellphone sa tapat ng dibdib at pinandilatan ang PA.

"Curious lang ako. Sino ba kasi s'ya? Wala naman akong kilalang manliligaw mo na Macoy ang pangalan."

"Hindi pa niya ako nililigawan noong makita mo siya. Sa bar na pinuntahan namin ni Venus, yung bokalista."

Perfectly Imperfect (PUBLISHED @EBookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon