Chapter 2

4.9K 177 3
                                    

"Come in. I'm gon'na give you a key na lang of my condo so you could come in and out of here without disturbing me," ani Trixie na basta na lang binuksan ang pinto at muling tumakbo pabalik sa kusina. May nakasalang siyang salmon, baka ma-overcook iyon.

Katatawag lang sa kanya ng lobby para ipaalam na dumating na ang kaibigan. Alam niyang hindi sila mauubusan ng topic dahil kagabi ay nag-umpisa na itong magkwento tungkol sa photographer na naging pasahero nito sa isang flight kamakailan, na nagpakita ng interes sa kaibigan.

"I am not ready for that. But if you insist," anang baritonong tinig na sumagot sa kanya bago nito isinarado ang pinto. Trixie's jaw dropped when she saw who her visitor is. Ngumiti ang lalaki at lumakad palapit sa kanya.

She was momentarily dazzled by his smile. Katulad kahapon, hindi pa rin nag-ahit ang lalaki. Pero kung sa iba ay kinaiinisan niya ang ganoong itsura, na pakiramdam niya ay sangganong sa kanto lang nakatambay, sa lalaking ito ay parang mas nakadagdag pa sa personalidad nito ang five o'clock shadow. Ang kaibahan lang ay maayos na nakasuklay ang buhok nito, hindi katulad kahapon na magulo.

"Sunog na yata 'yang nasa frying fan mo," anito, naipatong na ang dalang basket na may lamang mga prutas sa counter top pero hindi pa rin siya makakilos.

"Shit!" ani Trixie, agad niyang pinatay ang kalan at hinango ang nag-aalimpuyong frying fan. Sunog na nga ang salmon. "Anong ginagawa mo rito?"

"Papalitan ang mga nalamog na prutas kagabi," anito, mula sa kanyang mukha ay naglakbay ang mga mata nito pababa sa kanyang katawan.

Dahil sa ang inaasahan ni Trixie ay si Venus lang ang bisita, hindi na siya nag-abalang magbihis. Naka-sleepwear pa siya. Satin pajama shorts at spaghetti strap blouse lang ang suot niya. At ni wala siyang suot na bra!

Kasabay ng pag-init ng mukha ni Trixie ay ang pagdulay ng masarap na kilabot sa buong katawan niya. Huminga siya nang malalim para paglinawin ang isip, ngunit nang magtama ang mga mata nila ay nalimutan ni Trixie ang sasabihin. Ang mga mata nito ay puno ng paghanga at pagnanasa. At muli, imbes na maiskandalo sa paraan ng pagtitig sa kanya ng lalaki ay nagreact pa ang katawan ni Trixie.

Napalunok siya. Bahagyang umawang ang kanyang mga labi. Hindi niya magawang ihiwalay ang paningin sa lalaki.

Ang muling pagtunog ng doorbell ang nakapagpabalik ng huwisyo ni Trixie. Agad niyang inabot ang satin robe na kapartner ng pantulog. Mabuti na lang at hinubad niya iyon noong nasa kusina na siya. Pero ang naikubli lang noon ay ang kanyang dibdib, dahil ang haba noon ay lumampas lang halos sa maiksing short na pantulog. Kita pa rin ng lalaki ang kanyang mga hita. Lalong nag-init ang mukha ni Trixie.

"Excuse me," imbes na ang pinto ang takbuhin ay mas inuna niyang pumasok sa kwarto at kumuha ng ibang roba na mas mahaba kaysa sa suot niya.

Paglabas niya ay nasa sala na ang lalaki, hawak nito ang nakaframe na picture nila ng Daddy niya, na ang kuha ay yaong nakayapos siya sa ama mula sa likod at nakahalik sa pisngi nito. Imbes na punahin ang lalaki ay binuksan niya ang pinto. Sa paraan nang sunod-sunod na pagpindot sa doorbell ay nasisigurado niyang si Venus iyon.

"Hi!" habol-hiningang bati niya sa kaibigan.

"What took you so long, Trixie Ann Marie Caguicla?" nakataas ang kilay na tanong nito. "Matapos mo akong padaanin sa grocery at pabilhin ng kung ano-ano, hahayaan mo akong tumayo sa labas nang gano'n katagal?"

"Sorry," ani Trixie, niluwagan ang pagkakabukas sa pinto.

"You better be! Hindi ka na naawa sa ak....." mula sa pagtingin sa lalaking nakatayo sa gitna ng sala ay bumaling itong muli sa kanya, pinasadahan ng tingin ang suot niya. Hindi maayos ang pagkakatali niya sa sash ng roba kanina kaya muli niya iyong ibinubuhol. "Oh. I see...."

Pinandilatan niya ito, "Get your mind off the gutter!" ani Trixie bago ito tinalikuran.

Ang bisita naman niya ay nilapitan si Venus at kinuha ang mga dala nito. Ito na rin ang nagpatong noon sa counter top, katabi ng basket ng prutas na dala nito.

"Mind telling me your name? Ang best friend ko ay nagawang maglihim sa akin," ani Venus na tinapunan siya ng nanunumbat na tingin bago muling bumaling sa lalaki.

Tumalikod siya at humarap sa lababo, saka pumikit at huminga nang malalim. Her heart is still racing. Nakakatawang halos nakita na nito ang lahat sa kanya pero ni hindi pa man lang niya alam ang pangalan ng lalaki.

"Mackenzie Andrade. You can call me Macoy."

Nakagat ni Trixie ang ibabang labi. His husky voice sends electifiying vibrations on her nerve endings.

"So, hanggang kailan n'yo planong ilihim ang relasyon n'yo?"

Binitawan ni Trixie ang frying fan at muling humarap sa kaibigan, "Venus!"

"What?" anito na inismiran siya. "Hindi ka basta-basta nagpapapasok ng kung sino-sino lang sa condo mo, lalo na 'yong nakapantulog ka pa," muli nitong pinasadahan ng tingin ang suot niya. "So spill it. Hanggang kailan mo 'ko planong paglihiman tungkol sa boyfriend mo?"

Bigla siyang naconcious. Bakit nga ba hindi niya naisip na magpalit muna bago muling balikan ang pagluluto? The presence of this man is messing up her brain function!

"Hindi ko s'ya boyfriend, okay! May girlfriend na s'ya. Pinalitan lang n'ya yung mga prutas na nalaglag kagabi sa elevator dahil sa girlfriend n'ya. At nakapasok s'ya dito dahil akala ko'y ikaw na 'yong pinagbuksan ko ng pinto," ani Trixie, itinago niya ang pagkapahiya sa pamamagitan ng pagsasalita sa may katarayang tono.

"Oh..." ani Venus, nakataas ang kilay nito nang balingan ang bisita niya.

"Lilinawin ko lang, hindi ko siya girlfriend. Single ako."

Bigla siyang napabaling sa lalaki. Ayaw mang aminin ni Trixie ay may tuwa siyang naramdaman. Nang magtama ang mga mata nila ay biglang ngumiti ang lalaki, bakas ang panunudyo sa mga mata nito.

Tinaasan ni Trixie ng kilay si Macoy. "Talaga? Eh bakit halos magpalit na kayo ng mukha sa elevator pa lang?"

"You sounded like a jealous girlfriend, Trix," nanunudyong susog ni Venus. Ramdam ni Trixie ang muling pamumula ng mukha, at lalo iyong uminit nang tumawa si Macoy.

"I'm not jealous. Concerned lang ako dun sa babae. Kawawa naman. Hindi naman pala girlfriend pero..."

"Wait! Concerned ka? Talaga? Eh kagabi sabi mo..."

Tiningnan nang masama ni Trixie ang kaibigan.

"Okay, okay. Sabi mo, eh," natatawang salita nito bago tumayo. "Excuse me, pupunta lang ako sa bathroom."

"Hindi ako namimilit ng babae, kung iyon ang iniisip mo. I told her, and all the other girls before, that I don't do relationship and those cheesy, weird stuff people do because of love. Pero nagkusa pa rin siyang sumama sa condo ko. She insisted on coming actually, and I only aim to please," ani Macoy, bago siya muling nginitian.

Ang sensible na bahagi ng utak ni Trixie ay sinasabing paalisin na niya ang binata, ngunit nanalo pa rin ang irasyonal na bahagi ng utak niya. Alam niyang mali at dapat siyang mag-ingat, pero may kung anong panghalina ang binata na imbes na pakinggan ang warning bells, binaliwala lang niya iyon.

"Pinapalabas mo pa talaga na hindi ka nagtatake advantage sa mga babae?" ani Trixie, sumandal siya sa lababo at itinukod ang mga kamay sa magkabilang tagiliran.

"Dahil hindi naman talaga. Mga babae ang lumalapit sa akin. Sabi mo nga, hindi mo kasalanang maganda ka at maraming naaakit sa iyo. Gano'n din ako."

"Touche," nagkibit-balikat si Trixie. "Pero hindi pa rin tamang samantalahin ang kahinaan ng mga babae. You could have at least......," hindi na niya tinapos ang sasabihin. Alam naman niyang imposible iyon. Sinong lalaki ba ang aayaw kung babae na ang lumalapit? At isang tingin pa lang, nasisigurado ni Trixie na kabilang sa gano'ng uri ng lalaki si Macoy.

Ang sino mang babaeng magkakamaling makipaglapit at magpadala sa mapang-akit na ngiti nito ay siguradong makukulong sa kakaibang hipnotismong taglay ng lalaking ito. At tiyak na wala nang kawala ang sino mang babae kung tuluyang mapapatitig sa mga mata ng lalaki. Mga matang tingin pa lang ay waring dinadala ka na sa dako pa roon.

Shivers run down in Trixie's spine.

"Again, siya ang nagpilit," anito na sinabayan ng kibit-balikat. Muling naglakbay ang mga mata nito pababa sa kanyang katawan. Naipit ang hangin sa baga ni Trixie, disimulado niyang niyuko ang sarili. Ipinagpasalamat niya ang makapal na robang suot, naitago noon ang totoong epekto ng mga titig ni Macoy sa kanyang katawan.

Pinakawalan ni Trixie ang hangin sa pagitan ng mga labi bago pinaikot ang mga mata, "Yeah. Whatever," aniya bago nilinga ang kaibigan na palapit muli sa kanila. "I'll just take a quick shower. Ikaw na ang bahalang magpalabas sa kanya."

"Wow. Hindi naman masyadong direct na gusto mo na s'yang paalisin, ano?" natatawang sagot ni Venus bago nilingon ang lalaki. "That's my best friend for you. Hindi uso ang salitang subtlety sa kanya. Solong anak, kaya may pagkamaldita."

"I know. Narinig ko na kahapon kung gaano s'ya ka prangka," ani Macoy.


Hindi na pinansin ni Trixie ang dalawa, dumiretso na siya sa kwarto para maligo. She needed that. Gosh! This guy is making her aware of her sexuality in ways she never known before.


Perfectly Imperfect (PUBLISHED @EBookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon