Chapter 15

3K 124 2
                                    

Ang sunod-sunod na ring ng cellphone ang gumising kay Trixie. Automatic na umangat ang kamay niya papunta sa kabilang bahagi ng kama. Tuluyan siyang nagmulat ng mata ng maramdamang bakante iyon.

Katulad ng nakagawian ay bulaklak at sulat ang katabi niya. Napangiti si Trixie nang abutin ang bulaklak bago siya napatingin sa orasan sa dingding, alas-nuebe na nang umaga.

Ngayon yata nabawi ang katawan niya sa ilang gabing pagkapuyat. Pahinamad na naupo siya sa kama at inabot ang cellphone na tuloy pa rin sa pagtunog.

"Darling! I'm so glad you answered! Papunta na ako sa condo mo at plano ko na talagang awayin ang Admin at ipabaklas ang pinto kung hindi ka pa rin sasagot!" ani Mama Andie na halata ang pag-aalala sa boses.

"I'm okay, Mama Ands," ani Trixie, nag-inat muna siya bago bumaba sa kama. Inabot niya ang roba na nakakalat sa sahig at isinuot iyon.

"Well, I am glad you are! But I am not! Your mother is pestering me! Kagabi pa n'ya ako tinatalakan at ipinapahanap ka. Bakit ba kasi maglilimang araw ka na naming hindi makontak na bata ka! And please, put my name on your list of authorized persons! Hindi ako makaakyat sa unit mo!"

Napapikit si Trixie. Sadyang nawala sa loob niya ang araw. Nang unang gabing matulog doon ang binata ay nairita siya sa katutunog ng landline kaya sinadya niyang hugutin ang linya at nakalimutan na niyang ibalik. Maging ang cellphone ay nawala na rin sa loob niyang i-charge. Nasisigurado niyang si Macoy ang nagcharge noon para sa kanya.

"Dapat ay kahapon ka pa raw nakabalik sa Laguna. Apat na araw lang daw ang alam n'ya na ilalagi mo rito sa Manila! At kailangan mo na raw bumalik doon dahil sa mga rehearsals mo at dalawang linggo na lang ay Coronation Night na ng Binibining Laguna."

"Okay, 'Ma Ands. I'm sorry. Tatawagan ko na lang si Mama later."

"Tawagan mo na ngayon! Your mother is going berserk already!"

"Okay, I will," aniya na hinilot ang sintido. Tiyak na makakarinig na naman siya sa ina.

Matapos magpaalam kay Mama Andie ay lumakad siya papasok sa banyo, pero hindi pa siya nakakapasok ay tumutunog na ulit ang cellphone niya. Her Mama.

"Trixie Ann Marie Caguicla! About time you emerged! I want you here in Laguna this very moment! Wag mong sayangin ang hirap kong makipaglapit sa mga organizers at sa lahat ng judges dahil d'yan sa katigasan ng ulo mo. Come here. Now!"

Iyon lang at pinatay na kaagad ng ina ang tawag.

Napabuntong-hininga na lang si Trixie, bago nagdial sa telepono.

"Missed me already?" nanunudyong sagot ng nasa kabilang linya matapos ang dalawang ring.

"Yes. Badly," aniya, bago siya bumuntong-hininga. "I need to travel to Laguna. Tumawag si Mama. May rehearsals pa kami para sa Binibining Laguna."

"Antayin mo na ako mamayang gabi. Ihahatid kita."

"I can't. Nagwawala na si Mama," aniya na huminga nang malalim. Ayaw pa talaga niyang umalis, pero mas malaking problema kapag di niya sinunod ang ina.

"Kailan mo ako babalikan dito?"

Napangiti si Trixie, may init na nanahan sa puso niya, "How about you come there na lang? Hindi ako makakabalik kaagad. My mother won't allow me. Dalawang linggo lang at coronation na ng Binibining Laguna."

Bumuntong-hininga si Macoy sa kabilang linya, "I guess I will see you before they put the crown on your head. Hindi ako makakauwi dahil may kailangan pa akong tapusin at magrereport din ako sa university. But I promise to be there on the coronation night, Babe. I won't miss that for the world."

Hindi pa man ay namimiss na nakaagad niya ang binata, "Okay," aniya sa mahinang boses. "I'll see you then. Papasok muna ako sa banyo para maligo."

Macoy groaned on the other line, "You really have to tell me that?"

"Tell you what? That I will be showering and washing my body under the cold shower?" she asked him teasingly.

"Shit!"

Trixie's laughter filled her room while Macoy continued his incessant hissing at the other line. "You had me for days now. You barely let me sleep at night. Hindi ka pa ba nagsasawa?" tanong niya nang makabawi sa pagtawa.

"Hindi kailan man, Trixie. You are my very own brand of addiction," he said solemnly.

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Trixie. Napapikit siya nang mariin, "So am I. You are the drug that I needed, the drug that calm me down. You are my happy pill...." Huminga siya ng malalim, bago pabulong na idinagdag "I love the feeling when I'm with you. I.... I think I love you already..."

"You do, Babe. You won't offer yourself to me like that if you don't. And you made me the happiest man, Babe," he said just as softly. "Shit! I wish I was with you right now. I myself badly needed that cold shower!"

Muling napangiti si Trixie, "I have to go. I'll just take a shower then go."

"Keep safe, Babe."

"I will. I don't want to worry you," aniya bago tuluyang pinutol ang tawag.

Perfectly Imperfect (PUBLISHED @EBookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon