Chapter 18

2.9K 118 7
                                    

"SI MACOY?" tanong ni Trixie sa bartender. Inaasahan niyang daratnan niya sa entablado si Macoy pero wala ito roon.

"Nakabreak lang po, Ma'am. Pero magsisimula na po ulit ang set nila," tumingin ito sa suot na relo, "mga fifteen minutes po siguro."

Tumango siya at naupo sa tapat ng counter, aantayin na lang niyang matapos ang set nito bago niya lapitan.

Pagkatapos nilang magtalo ng Mama niya ay bumiyahe na siyang paluwas ng Maynila. Nagdesisyon siyang ang pangarap naman niya ang susundin. Wala na siyang pakialam sa koronang halos sambahin ng ina. At gusto niyang si Macoy ang unang makaalam na handa na niyang ipaglaban kung ano ang talagang gusto niya.

"Ayon na po yata sila," anang bartender, itinuro ang mga lalaking kalalabas lang sa hallway.

"Salamat," nginitian muna niya ang bartender bago tumayo.

Tanda niya ang mga lalaking iyon. Pero napakunot-noo siya dahil hindi niya nakita si Macoy.

"Hi. Excure me. Si Macoy?" tanong niya sa lalaking pinag-abutan ni Macoy ng gitara nang ikalawang beses na pumunta siya sa bar na ito.

"Nasa loob pa," sagot nito, nakatitig na mabuti sa kanya. "Pamilyar ka. Ikaw si?"

"Busy, Miss," nakangising sagot ng isa pang kabanda ng binata.

"Pasok ka na sa loob. Unang pinto sa kanan, lounge 'yon. Naroon pa si Macoy, may kausap lang," anang lalaking tinanong niya.

Ngumiti si Trixie bago lumakad papasok sa hallway na itinuro ng lalaki. Nagwarning knock muna siya bago itinulak pabukas ang pintuan.

At kasabay ng pagbukas noon ay ang pagkawasak ng kanyang puso.

Naroon nga sa loob si Macoy, pero hindi ito nakikipag-usap. Kasama nito sa loob ang babaeng kasama ni Macoy ng una niya itong nakita. Nakakalong ang babae kay Macoy habang nakahawak naman ang lalaki sa mga braso nito. Nakasandal ang ulo ng binata sa headrest ng bangko, habang ang mga labi ng babae ay naglalakbay pababa sa leeg ng nito.

Hindi napigil si Trixie ang malakas na pagsinghap, at dahil doon ay napalingon bigla ang dalawa sa kanya.

"Babe!" napatayong bigla si Macoy at kasabay noon ang unti-unting pagdausdos pababa ang maong ng binata. "Shit!" anito, bigla iyong hinawakan bago pa tuluyang bamaba.

At kung gaano kabilis nabuksan ni Trixie ang pinto ay gano'n din niya kabilis naisara iyon.

Kung paano siyang nakalabas ng bar ay hindi niya matandaan. Kasunod na natagpuan niya ang sarili na hinahalungkat ang bag at hinahanap ang susi ng kotse. Ngunit dahil nanlalabo ang kanyang mga paningin, idagdag pa ang nangingining na kamay, ay hindi niya iyon makita.

Hilam na ng luha ang mukha ni Trixie. Naninikip ang dibdib niya, nanginginig na rin ang buong katawan niya.

Nang may tumugil na taxi ay hindi na siya nag-isip. Tumakbo siya roon at kahit hindi pa tuluyang nakakaba ang pasahero ay sumakay na kaagad siya.

"Ayos ka lang ba, anak?" anang matandang driver ng taxi, bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

"Trixie!" ani Macoy, kinakatok nito ang kotse niya.

Lalong nanikip ang dibdib ni Trixie, "Tayo na po, Manong."

At masokita ng yata siya dahil bago tuluyang lumayo ang taxi ay nilingon pa niya ang binata, mula sa kotse niya ay tumakbo ulit ito papasok ng bar.

Lalong bumalong ang masaganang luha sa mga mata ni Trixie. Anong nagyari sa sinabi ni Macoy na hindi ito magsasawa sa kanya? Mahigit isang linggo lang siyang nawala, may ibang kasama na kaagad ang binata?

"Hindi ako namimilit ng babae, kung iyon ang iniisip mo. I told her, and all the girls before, that I don't do relationship and those cheesy, weird stuff people do because of love. Pero nagkusa pa rin siyang sumama sa condo ko. She insisted on coming actually, and I only aim to please."

His voice echoed in her head.

Oh, how foolish of her to believe! Ni minsan ay walang sinabi sa kanya si Macoy tungkol sa relasyon nila. Ni minsan ay hindi binaggit ng binata na mahal siya, kahit na sinabi na niya iyon sa lalaki. She practically begged him to take her the first time. Hindi rin nito hiningi ang susi ng condo niya, kusa niya iyong ibinigay. She invited him in.

She is a willing maiden that layed on her own bed.

She only assumed there is more to them, but she assumed wrong.

"Anak, okay ka lang ba?" muling tanong ng driver, pero hindi ang nag-aalalang boses ng matanda ang naririnig ni Trixie.

Macoy's voice plays in loop in her mind, torturing her. Trixie close her eyes that are slowly loosing focus. She didn't even recognize the broken sobs that filled the car.

Tama nga pala ang ina niya. Ginamit lang siya nito. Umasa siyang iba si Macoy, pero hindi pala. Mali pala siyang talaga.

Baka naman ito talaga ang papel niya sa mundo? Ang gamitin, kung hindi man ay balewalain.

Her mother only uses her for personal, selfish reasons. Her father hardly acknowledges her.

Who would want an unwanted daughter?

None.

Even she hated herself.

"Anak, okay ka lang ba?" anang driver, itinigil nito sa isang tabi ang taxi at nilingon siya.

Lalong lumakas ang iyak ni Trixie.

She's slowly looking focus, her chest is getting tight, her breathing shallow and she's feeling nauseous. As much as she wanted to keep her crying to herself, she just can't control her loud sobs. 

Pakiramdam niya ang sasabog ang puso niya. Kinakapos na siya ng hininga. Hinawakan ni Trixie ang tapat ng dibdib.

"Gusto mo bang dalhin kita sa ospital, anak?" anang driver na halata na ang pag-aalala.

Umiling si Trixie. Binuksan niya ang purse at kinuha ang plastic bag na lagi niyang dala. No! She will not succumb to this. She's stronger that this! Ipinikit niya ang mga mata at inalala ang breathing exercise na itinuro sa kanya ng Dra. Llarenas, ang kanyang Psychiatrist.

Ang taxi driver naman ay inabutan siya ng tissue. Nang masiguro niyang kaya na niyang magsalita ay sinabi niya ang address ng condo.

"Tay, wag po kayong umalis. May kukunin lang po akong saglit. Aalis din po kaagad tayo," aniya bago bumaba sa taxi.

Perfectly Imperfect (PUBLISHED @EBookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon