Chapter 19

3.1K 135 5
                                    

NAGMULAT NG MGA MATA SI TRIXIE at nagpahid ang mga luha, bago tumingin sa labas ng bintana ng eroplano.

Parang kailan lang nagyari ang lahat ng iyon. Hindi pa rin mapaniwalaan ni Trixie na makalipas ang kulang apat na taon ay hindi pa rin niya malimutan ang sakit na idinulot ng bahaging iyon ng buhay niya.

Matapos niyang umalis sa bansa noon ay sa Singapore siya naglagi. Si Austin ang tumulong sa kanya para matupad ang pangarap na maging photographer. Resident photographer na rin siya ngayon ng Harper's Bazaar, at nakagawa na rin ng ilang campaigns para sa mga kilalang brand at photo shoots para sa mga kilalang magazines sa ibang bansa. 

Trixie successfully changed her path. She fulfilled her dream.

May mga pagkakataon na nakikilala siya ng mga models at magazine owners at inoofferan na magmodel muli, pero tumatanggi na siya. Masaya na siya sa takbo ng buhay niya. Lalo na sa unexpected na regalong buong pusong tinanggap niya. Kahit paulit-ulit na mangyari iyon, kung ibibigay ang regalong iyon sa kanya ay paulit-ulit din niyang gagawin.

Kung may bagay man na naging maganda sa masakit na kabanatang iyon ng buhay niya, iyon ay ang anak niya. She genuinely thought she is safe that time. Hindi niya akalain ang minsang pagpalya nilang gumamit ng proteksyon ay magbubunga.

Her child.

The reason why her life that was going down the drain was suddenly held back-up. Venus has to literally pick her up in the bathroom floor, wet, half-naked, with eyes about to shut due to non-stop crying. The heart beating inside her womb made her pick-up her broken self and assembled it back as best as she could. Her angel, her driving force to go on in this rocky path.

Nagresign si Venus sa trabaho at ngayon ay sa Singapore na rin nakabase simula nang nagpakasal kay Austin. Nasa airport pa lang siya sa Singapore kanina ay gusto na niyang bumalik sa bahay nina Venus at isama ang anak pabalik sa Manila. Kung may mapag-iiwanan nga lang siya sa anak ay isasama na niya si Mikaella. Pero bukod sa kanya, kina Austin at Venus lang kumportable ang bata.

Kapag may trabaho ay kay Venus madalas naiiwan ang bata. And her best friend adores her daughter, lalo na't wala pa naman itong anak, ang oras ay napabuhos na sa pag-aalaga sa anak niya. Hindi rin naman niya pwedeng isama sa ospital si Elle, kaya ibinilin na lang niya kay Venus na ihatid ang anak niya kapag nakakuha na siya ng tagapag-alaga.

Nang makitang halos bakante na ang eroplano ay saka pa lang tumayo si Trixie para bumaba.

*********

"Mama Ands," tawag niya sa taong nagbukas ng pintuan. Kanina pa siya nakatayo sa labas noon pero hindi siya mapasok. Naghahanap pa siya ng lakas ng loob.

"Kumusta siya?" pabulong na tanong niya.

"She's safe. Pero may mga iniindang sakit dahil sa slipped disc."

"Thank God!" ani Trixie na biglang nakaramdam ng panlalambot ng tuhod. Lumakad siya sa pinakamalapit na bangko at naupo roon. She really is genuinely relieved that her mother is okay.

Nagpapalipas lang siya ng ilang panahon, pero plano naman talaga niya itong harapin ulit. At inakala niyang huli na ang lahat at hindi na siya makakahingi ng tawad sa ina sa kung anong nangyari ng huli silang nagkita. Alam niyang may kasalanan din siya roon.

"Inakala ko ngang talagang walang alam si Venus kung nasaan ka dahil dalawang araw ka pang nakatiis bago ka dumating dito ngayon."

Nasa photo shoot siya nang itawag ni Venus sa kanya ang tungkol sa aksidente ng ina. Ayon dito ay muli itong kinontak ni Mama Andie at nagbaka-sakaling alam kung nasaan siya, at ipaalam na rin na nadulas ang mama niya at nahulog sa hagdan. Kailangan daw itong operahan sa lalong madaling pahanon.

Simula nang umalis siya ay tanging si Venus lang ang may alam kung nasaan siya. Pinutol niya ang komunikasyon sa lahat ng kakilala. And her friend supported her to a fault. Marahil dahil nakita nito kung gaanong hirap ang dinaanan niya. Naroon pa rin naman ito para paalalahanan siyang dapat na niyang kausapin ang ina, pero inirerespeto naman ng kaibigan kapag sinasabi niyang hindi pa siya handa.

Ang hindi lang ipinipilit sa kanya ng kaibigan ay ang tungkol kay Macoy. Her friend does not even want to utter his name. Marahil dahil ito ang nakakita ng lahat ng pagdurusa niya noon.

"Nasa Dubai ako nang tumawag si Venus. Kinailangan ko lang dumaan pa sa Singapore dahil...." natigilan si Trixie. Hindi alam ng mga ito ang tungkol kay Mikaella. Tanging si Venus lang ang may alam noon. Her friend is so loyal to her she really guarded her secret with her life.

"Well, I suggest pumasok na ka muna sa loob bago pa pumasok sa operating room ang Mama mo."

Tumango si Trixie bago tumayo at lumakad pabalik sa kwarto ng ina. Pero hindi naman niya mabuksan ang pinto, nanatili lang siyang nakatitig sa seradura.

"Go inside, Darling. Your mother is eagerly waiting for your return," hinawakan ni Mama Andie ang magkabilang balikat niya.

Pumihit paharap si Trixie at yumapos dito. Hindi niya napigilan ang paglalandas ng luha sa kanyang pisngi, "I'm so sorry, Mama Ands."

"I'm sorry too, Darling. I know I failed you in some ways kaya natuto kang maglihim sa akin. Kaya pati ako ay kinalimutan mo," anito sa boses na hindi maikakaila na naluha rin. "Go inside, Darling. Sabik na sabik na sa'yo ang Mama mo."

Si Mama Andie na rin ang nagbukas ng pinto para sa kanya.

"Ma?"

Nang magtama ang mga mata nilang mag-ina ay biglang pumatak ang luha sa mga mata nito. Ibinuka nito ang mga kamay. Si Trixie naman ay tumakbo palapit nito, isinubsob niya ang mukha sa tapat ng dibdib ng ina, saka pinakawalan ang mga luha.

"I'm so sorry, Mama. Akala ko... akala ko hindi na kita ulit makikita," aniya na nakasubsob pa rin sa dibdib nito. "I'm so glad you're okay."

"Shhhhh. Ako ang dapat humingi ng kapatawaran, Trixie. I'm sorry, Baby," her mother said in broken voice. "I was blinded by hurt and my selfishness that I didn't saw you. Imbes na mahalin kita at unahin ang pangangailangan mo, inuna ko ang sarili ko. I'm an awful mother."

"You're not that awful, Mama," tumingala siya at sa nanlalabong paningin ay tiningnan ang mukha ng ina.

"Awful enough to drive you away," her mother caress her face and push her hair aside.

"Takot na takot ako nung malaglag ako sa hagdan, Trixie. Ayaw ko pang mamatay. Hindi pa ako handang mamatay na hindi pa man lang nakakahingi ng kapatawaran sa iyo."

"Matagal na kitang napatawad, Ma. Naghahanap lang ako ng lakas ng loob para humarap sa iyo. Hindi lang kasi ikaw ang nagkamali, Mama. Nagkamali rin ako."

"Wala kang ginawang mali, anak. You have always been a submissive daughter to me," anang ina niya na ngumiti sa kabila ng pagluha nito. "Maldita at palaban ka sa ibang tao, pero hindi sa akin. That was your self preservation technique. Pretending you are tough, but you're always soft on the inside," her mother's voice cracked, "I made you soft on the inside. I broke you, anak. I'm so sorry. I hope you can forgive me."

"There's nothing to forgive, Ma. Ang totoo, ikaw ang nagpatatag sa akin, at ipinagpapasalamat ko iyon. Kahit sa huling sandali, kahit na noong nag-away tayo, naipakita mo pa rin sa akin na mother's knows best. Tama ka, Mama. Dapat ay nakinig ako sa iyo."

"Nagpapasalamat nga ako na hindi ka nakinig sa akin. Paano kung sinunod mo ako? Baka miserable ka ngayon, anak."

Sa kabila ng mga luha ay napangiti siya. Tama rin naman ang ina niya. Sa kabila ng lahat ay masaya siya dahil sa anak. Bigla siyang natigilan. Iniisip niya kung tamang panahon na ba para sabihin sa ina ang tungkol sa apo nito.

Huminga siya ng malalim. Hindi naman niya pwedeng ilihim sa ina iyon. Mas maaga nitong malalaman, mas mabuti.

"Good morning..." anang nurse na bagong pasok sa kwarto. "Kailangan na po naming i-prepare ang pasyente para sa operation," anang nurse na tumingin sa kanya.

"We'll talk later, anak," anang ina niya habang pinupunasan ang luha sa kanyang mukha.

Perfectly Imperfect (PUBLISHED @EBookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon