Chapter 8

3.4K 158 8
                                    

“HI, TRIXIE.”

Muntik nang mapalundag si Trixie dahil sa mainit na hiningang tumama sa kanyang tainga. Maging ang cellphone na hawak ay nabitawan niya. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes si Macoy at nasalo kaagad iyon bago pa malaglag sa semento.

“You almost caused me a coronary!” aniya, pinandilatan ang binata na tatawa-tawa habang iniaabot ang nasalong cellphone.

Nasa tapat siya ng elevator at inaantay iyong bumukas para makaakyat na siya sa kwarto.

“Don't worry, I know a thing or two on ways how I can revive you,” anito, nangingislap sa kapilyuhan ang mga mata.

“Bakit ba kasi kailangan mo akong gulatin?” inirapan niya ito bago inagaw ang cellphone.

Matapos nilang mag-usap sa teresa noong isang linggo ay iniwasan na niyang lumabas doon. Hindi niya napigilang maging vulnerable noong huling nakaharap ang binata, at hindi na niya mapapagayang maulit pa iyon.

“By the way, congratulations. Bagay na bagay sa iyo ang national costume mo,” anito, bakas ang paghanga sa mga mata.

Umangat ang kilay ni Trixie.

“Nanood ako. Kinuhanan pa kita ng litrato,” nakangiting dagdag nito.

Kanina ginanap ang National Costume Competition ng Binibining Laguna. Dito na siya sa Calamba magpapalipas ng gabi dahil bukas ay paluwas na rin siya sa Manila. Pagkatapos ng event ay lumipat sila sa function hall ng pinakamalaking hotel sa Calamba. Doon na sila nagdinner habang nagbe-briefing na rin para sa mga kasunod pang activities tulad mga guestings sa tv at radio stations.

Bago pumunta sa function room ay mabilis siyang umakyat sa kwartong nauna na niyang naipareserve para magpalit ng damit. Naka-sneakers, pants at t-shirt siya na provided ng organizers ng Binibining Laguna.

Nagbeg-off si Trixie na sumama sa iba pang activities dahil sa prior commitment sa Manila. Bukas ng umaga ay nakaplano na ulit ang pagbalik niya dahil sa nakaschedule na photo shoot para sa clothing line na iniindorso niya. Ang Mama pa mismo niya ang nagpaliwanang noon kay Ms. Ruffa, ang Head Organizer ng Binibining Laguna, bago ito umuwi sa Sta. Maria. Napagod daw ito sa event kaya gusto nang magpahinga. Sa kung paanong paraan ito pagod ay hindi na inalam ni Trixie.

“Hindi ka na nakasagot? Hindi ka ba makahinga? I can do some procedures now, if you want,” he said teasingly before his eyes travelled down her body, appreciation on his eyes.

“I'm okay. Nagulat mo lang talaga ako. Anyway, anong ginagawa mo rito?” aniya na huminga nang malalim. Wala yatang planong bumagal ang tibok ng puso niya, lalo na ngayong halos gadali na lang ang layo ng binata.

“Because of you,” nakangiting sagot nito.

Napakurap si Trixie, bahagyang umawang ang mga labi. Dahil walang facial hair si Macoy ay lumabas ang boyish charm nito. Pero nang mapatitig naman siya sa mga mata ng lalaki ay nasigurado niyang walang boyish innocence na nananalaytay sa katawan nito.

Huminga siya nang malalim at pilit pinababagal ang tibok ng puso. Kanina ay dahil iyon sa gulat, pero ngayon, dahil na iyon sa mga emosyong naglalaro sa mga mata ng binatang kaharap.

“Yeah, right,” aniya na pinaikot ang mga mata. Napatingin siya sa ibang kandidata na nagsisilabas na rin sa function room, papunta sa lobby.

Muli siyang napalingon sa elevator ng bumakas iyon, pero imbes na pumasok sa loob ay bigla siyang napaharap muli sa lalaking katabi, nakaawang ang mga labi sa gulat.

“Phonenap 'to,” ani Macoy na dagling naagaw ang cellphone niya at mabilis na lumakad palabas ng hotel.

“Hey!”

Perfectly Imperfect (PUBLISHED @EBookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon