Chapter 14

3K 125 2
                                    

"ARE YOU SURE?" ani Macoy na nakatitig lang sa susi ng condo na ipinatong niya sa lamesa.

Matapos ang huling pagniniig nila sa kwarto ng ate nito kahapon ay niyaya na niya ito sa unit niya. Alam niyang off limits ang kwarto ng ate nito kaya naiilang siyang magtagal sa kama roon. At ayaw rin naman niyang sa kama ni Macoy magbabad maghapon. Naunawaan naman ng binata iyon kaya doon na sila natulog sa unit niya kagabi.

Kaninang umaga ay nagising siyang wala na ito. Ang katabi niya ay isang pirasong rose at note mula sa lalaki na nakasulat sa paper towel. Ayon sa sulat ay kailangan nitong umalis dahil sa field experience na kinukumpleto pa nito. But he promised to be back before seven in the evening. Buong maghapon ay ginugol na lang niya sa paglilinis ng unit. Maging siya ay nagtatakang kung paanong may lakas pa siya para gawin iyon, gayong halos ilang oras lang ang itinulog niya kagabi.

"If you don't want, that's okay," nagkibit-balikat siya bago inabot ang susi na dagling nadampot ni Macoy.

"Hell! I want it!" ani Macoy na nailagay kaagad ang susi sa bulsa nito. He leaned in and captured her lips.

"You taste far more delectable than the steak," anito nang bumitaw sa labi niya.

Umangat ang kilay ni Trixie, "You don't like my cooking?"

Macoy smiled sheepishly before he kissed the tip of her nose, "Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Babe. I'm sorry."

Iniatras ni Trixie ang mukha at tumayo, "I will never cook for you again," aniya na iniwan ito sa hapag-kainan.

"Hey!" ani Macoy, niyapos siya sa baywang. Inagat siya ng lalaki at walang kahirap-hirap na binuhat papunta sa sofa. "Tampo naman kaagad ito. I'm sorry, Babe. I love your cooking. It's just that there's nothing in this world that can surpass your taste," he then nuzzle the side of her neck.

Napapikit nang mariin si Trixie, kinagat niya ang labi para pigilan ang mga ugol na muntik nang lumabas sa kanyang labi. Pero nang makaupo si Macoy sa sofa at mag-umpisang maglumikot ang kamay sa katawan niya ay hindi na napigilan ni Trixie ang sarili. Siya pa ang humarap sa lalaki at nang-angat ng laylayan ng polo shirt nito. Nang mahubad niya iyon ay basta na lang niya inihagis.

The sound of a shattered glass made them both stop.

"Ooppps," ani Trixie, dagli siyang tumayo at tiningnan kung ano ang tinamaan ng damit ng binata.

"Why do you have his picture?" ani Macoy na nakatingin sa photo frame na nalaglag sa sahig.

Nag-ulap ang mga mata ni Trixie, pero dagli siyang tumayo at ngumiti sa binata, "Long story. It might bore you," imbes na linisin ang nabasag na salamin ay itinulak niyang muli ang binata paupo sa sofa.

"Not when it comes to you," sagot nito na muling sumulyap sa picture frame sa sahig.

"Some other time," aniya na lumuhod sa pagitan ng mga binti ng binata, pinagapang ang labi sa dibdib nito.

"I'll hold you to that, Babe," yumuko ito at inangat ang damit niya. "I'm gonna focus on you first."

Trixie throws her head back as Macoy's lips starts to travel the length of her neck, "We still haven't christened this sofa," she said breathless, her hands eagerly unsnapping his jeans.

"Then we better do something about it," Macoy said as he let her ease his pants past his hips.

**********

NAGMULAT SIYA ng mga mata nang masigurado niyang tulog na ang katabi. Dahan-dahang inangat ni Trixie ang kamay ni Macoy at pinalitan ng unan ang nabakanteng espasyo.

Heto na naman siya, hindi dalawin ng antok, pero wala sa plano niyang uminom ng pampatulog.

Pinagmasdan niya ang lalaki. He look so beautiful. So perfect. He is like a dream. At natatakot siyang matulog dahil baka paggising niya ay wala na ito sa kanyang tabi.

Sabagay, nanaisin kaya ni Macoy na manatili oras na makita nito ang totoong siya?

Unti-unting nanlabo ang paningin niya dala ng mga luha. Dandan-dahan siyang tumayo sa kama, inabot ang roba at isinuot saka siya lumabas ng kwarto.

Paglabas niya ay sa sala niya natagpuan ang sarili, nakatitig sa basag na picture frame at sa larawang nasa sahig.

At ang luhang naipon lang sa mata niya kanina ay tuluyang pumatak. Kinagat niya ang labi para pigilin ang tunog na muntik nang umalpas. Sa nanginginig na kamay ay isa-isa niyang dinampot ang mga bubog.

"Aw," ani Trixie, muling nabitawan ang mga bubog na hawak. At bago pa niya naiiwas ay pumatak ang dugo niya sa litratong nasa sahig.

Lalong nanlabo ang mga mata ni Trixie. Hindi na niya napigilan ang pag-alpas ng kanyang mga hibki. Iniwan na niyang muli ang mga bubog at tumakbo siya papasok ng banyo. Hinubad niya ang robang suot at tumapat sa dutsa ng shower. Isinandig niya ang ulo sa tiles. Ang mga luha niya ay sumama sa tubig na ibinubuga ng shower.

Inabot niya ang body soap at sinabon ang sarili. Ilang beses ipinanalangin ni Trixie na sana'y katulad ng ordinaryong dumi ang putik na nasa pagkatao niya. Sana ay iyong kayang tanggalin ng sabon, at pagkatapos maligo ay malinis na siyang muli.

Pero hindi.

Kahit anong gawin niya, kahit na anong pilit niya, lalabas at lalabas ang duming hindi na niya matatanggal. Permanenteng mantsya na ikinahihiya parehas ng mga magulang niya.

Napadausdos paupo sa sahig si Trixie, ang mga kamay ay itinakip niya sa magkabilang tainga. Nakayuko siya habang patuloy pa rin ang pagbuga ng tubig sa dutsa. Nanginginig siya.

"Babe!" pabalabag na binuksan ni Macoy ang pinto, pinatay ang shower saka siya pilit itinayo.

"Trixie?" anito, pinalis ang basang buhok na nakaharang sa kanyang mukha. "Okay ka lang ba? Anong nagyayari?"

Yumapos siya sa lalaki bago itinaas ang mukha at hinalikan ito sa mga labi.

"Hey, Babe, wait," inilayo nito ang mukha sa kanya bago sinapo ang magkabila niyang pisngi. "Anong nagyayari? Bakit umiiyak ka?" anito, bakas ang pag-aalala sa mukha.

Umiling si Trixie, "Just kiss me," aniya, yumapos siya sa batok nito at pilit inabot ang mga labi ng binata.

"Babe, sandali," matapos siyang halikan nang mabilis ay muli nitong iniiwas ang labi sa kanya. "Pwede mong sabihin sa akin ang problema."

Muling pumatak ang luha sa mga mata ni Trixie.

Masasabi ba niyang siya mismo ang problema? Pwede ba niyang aminin na hindi lang pagkatao niya ang problema, maging ang mismong isip rin niya?

Bumitaw siya rito, "Walang problema. At kung ayaw mo akong halikan, sige, makakalis ka na," aniya bago tumalikod dito.

"Trixie!" ani Macoy na nahawakan siya sa braso. Nang maglapat ang mga katawan nila ay hinalikan siya kaagad ng lalaki. "Hindi lang ang halikan ka ang gusto kong gawin, Trixie, mas higit pa roon kung hahayaan mo ako," anito sa tapat ng kanyang mga labi.

"I'm yours, Macoy. I need you," aniya bago sinalubong ang mga labi nito.

"Babe, we need to make it to the bedroom. I don't have protection with me," anito sa pagitan ng mga halik nila.

"But I want to feel you, skin to skin," aniya, inabot ang kahandaan ng binata. Macoy grunted and kissed her mounth deeply.

"Are you sure, Babe? What if..."

"Please! I am safe. Just fill me," aniya, pinaglandas ang mga labi sa dibdib ng binata. Naramdaman niya ang pag-angat ng katawan at pagsayad ng likod sa malamig na tiles. Iniyapos niya ang mga hita sa katawan ng binata.

"So am I, Babe. I'd never gone commando before," anito, bago pinag-isa ang katawan nila.

Perfectly Imperfect (PUBLISHED @EBookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon