Chapter 7

3.3K 153 1
                                    


"Hi," bati ni Macoy kay Trixie bago pa man siya makaupo sa outdoor chair sa teresa.

Alas-nwebe na ng gabi. Lumabas siya sa teresa na may hawak na baso ng gatas. Hindi siya makatulog. At kahit anong tanggi niya, alam ni Trixie na dahil iyon sa naging biyahe niya kahapon sa Laguna at sa alalahanin na baka may panibago na namang hilingin sa kanya ang ina.

Truth be told, umaasa talaga siya na madatnan ang binata roon para man lang kahit paano ay malibang at makalimot siya. Macoy brought a new dimension to her monotonous world.

"Can't sleep?" ani Macoy bago dinala ang bote ng beer sa bibig. Katulad niya, hindi rin nito binuhay ang ilaw sa terrace. Tanging ang malamlam na ilaw mula sa loob ng unit ang nagsisilbi nilang liwanag.

Half of his face is partly hidden by shadows, and it made him look much more mysterious. Pero kahit na ba hindi na niya halos maaninag ang buong mukha ng lalaki, kita naman niya ang kaseryosohan sa mga mata nito.

"Yeah," aniya bago uminom ng gatas. Hinawakan niya ang mug gamit ang dalawang kamay, umaamot ng kaunting init doon.

"So am I," anito, nilalaro ang bote ng beer na hawak. "Hindi ako makatulog dahil ang biyaheng inaasahan at pinaghandaan ko kahapon ay hindi natuloy."

"Hindi mo ba natanggap ang sulat na iniwan ko sa lobby?" sa kabila ng lahat ay nakaramdam ng sundot ng konsensya si Trixie.

Bago pa siya umalis ng condo noong linggo ng umaga ay nag-iwan na siya ng sulat sa lobby para dito. Ipinaalam niya sa lalaki na hindi siya magpapahatid. Pinilit talagang matapos nina Miss Vicky nang maaga ang shoot dahil na rin sa request ng ina. Kung ano man ang sinabi ng Mama niya rito ay ayaw na niyang alamin. Malaking tulong din ang propesyonalismo ng male model na kasama niya sa set sa maagang pagkapack-up nila. Yun nga lang, pagkatapos ng take ay nagparamdam na kaagad ito ng interes sa kanya, na kaagad naman niyang binara. At dahil maagang natapos ang commercial shoot, nagdesisyon siyang dumiretso na lang sa Sta. Maria. She drove alone. And it's liberating.

Kinaumagahan ay maaga pa'y nasa kapitolyo na sila. Dahil wala si Mama Andie ay ang ina ang kasama niya. Ipinakilala siya ng ina sa kung kani-kaninong tao, na sa totoo lang ay hindi naman niya natandaan ang mga pangalan.

Hindi rin siya nakipagsocialize sa mga kasamang kandidata. Bukod sa ang ilan sa mga iyon ay kinakitaan na niya ng pagka-intimidate sa kanya, ang mismong ina niya ay pinagbawalan siyang makipag-usap sa mga ito. Hindi raw siya dapat makikipaglapit sa mga talunan. Mga organizers ng pageant ang madalas na kausap nilang mag-ina, bukod pa sa mga alam nito na magiging judges sa patimpalak.

Madalas ipagmalaki ng ina niya ang pagiging model niya, maging ang pagrampa niya sa mga fashion show dito at sa ibang bansa. Madalas din nitong sabihin na kung accomplishment din lang ang sukatan, siya ang dapat mag-uwi ng korona. It's clear that her mother is really desperate to get that provincial crown, and Trixie can't help but wonder why.

Pero hindi iyon ang totoong nakapagpakaba kay Trixie. Ang mas nakapagpakaba sa kanya ay ang pagpapakita ng interes ng kanyang ina na ipareha siya sa isang congressman. Carlos? Carson? Hindi niya matandaan ang pangalan. Kongresista ng distrito na hindi na niya pinagkaabalahang tandaan. Nakailang ulit ang kanyang ina ng mga achievements nito kahit na baguhan pa lang sa posisyon. Alam niyang ipinapareha siya ng ina sa kongresista, at sa malas ay mukhang interesado rin ito sa kanya.

Mula umpisa, hanggang matapos ang introduction nila pagtapos ang flag raising ceremony at maging sa munting salo-salong ihinanda para sa kanila ay hindi na halos siya hiniwalayan ng congressman na iyon. Kahit na sadya niya itong binara at tinanong kung ano ang ginagawa sa Laguna gayong may sesyon sa kongreso ay hindi man lang ito na-offends sa kanya.

Plano pa sana ng ina niya na mag-stay pa siya ng ilang araw sa Laguna, pero nagpilit na siya na makabalik kaagad sa Maynila, lalo na nang marinig niya na ini-invite ng ina niya ang congressman sa bahay nila para magdinner. Sinuwerte lang siya dahil sadyang may commitment na siyang naunang natanguan bukas. Pero kinakabahan siya sa posible pang gawin ng ina sa mga darating na araw.

"Natanggap ko. Pero alam kong iniiwasan mo lang talaga ako," ani Macoy bago muling uminom ng beer.

"Ayaw kong nakakaabala sa schedule ng ibang tao," aniya na sinabayan ng kibit-balikat. Isa pa, yun nga lang ganito sila kalayo sa terrace, hindi na niya magawang pigilin ang interes, maging ang pagtitig sa binata, paano na lang sa durasyon ng biyahe nila?

"Kung may schedule ako, hindi ako magvovolunteer na maging driver mo."

Tumingin si Trixie sa nagkikislapang ilaw sa ibaba ng building, "Hindi ako sanay na may ibang tao na nagda-drive para sa akin na hindi ko kilala at lubos na pinagkakatiwalaan."

"Pa'no ko maipakikitang mapagkakatiwalaan mo ako kung hindi mo ako papayagang makalapit sa iyo? At gusto rin kitang makilala pa nang lubusan, Trixie."

Ang kaseryosohan sa boses nito ang nakapagpalingon kay Trixie. At hindi lang boses nito ang seryoso, nang magtama ang mata nila ay nasigurado niyang talagang seryoso ito sa sinabi.

At imbes na matuwa ay nakaramdam ng takot si Trixie. Sanay siya na natitingnan na may kasamang paghanga, pero ang matingnan na para bang talagang gustong arukin ang pagkatao niya ay bago kay Trixie.

Matapos ang ilang minutong mag-usap ang mga mata nila ay nagbawi ng paningin si Trixie. Bahagya siyang umiling at muling tumingin sa ibaba ng building.

"Sa likod ng mga magazines, commercials at billboards na nakikita mo ay karaniwang babae lang ako, Macoy," aniya bago mapait na ngumiti. "Hindi kayang pakinangin ng mga spot lights o pagandahin ng make-up ang totoong babaeng kaharap mo. Walang espesyal sa akin. Ang totoo, ordinaryo lang ako...."

"Ang karaniwan o ordinaryo ay hindi tamang salita para i-describe ka, Trixie. May make-up o wala, maganda ka. May ilaw o madilim, nakikita ko pa rin ang pagiging espesyal mo," seryoso pa ring sagot ng binata.

"Nakikita n'yo ang bagay na hinahayaan kong makita n'yo. Pero walang nakakaalam kung sino ang totoong ako," pabulong na sagot ni Trixie, sa sobrang hina ng boses niya ay hindi niya sigurado kung narining ng binata ang sinabi niya.

Ilang minutong namayani ang katahimikan sa pagitan nila. At kakatwang kung anong tahimik ng paligid ay siyang gulo ng kalooban ni Trixie.

Wala siyang naririning na ingay sa paligid, pero nabibingi si Trixie sa isinisigaw ng kanyang isip. Ibinaba niya ang mug at itinakip ang mga kamay sa magkabilang tainga. Pumikit siya nang mariin at kinagat ang labi.

Kailangan niyang i-distract ang sarili. Kailangan niya ng kausap, ng lilibang sa kanya, ng magpapalimot sa gulong nasa isip niya.

"Trixie?" bakas ang pag-aalala sa boses ng binata. "Okay ka lang ba?"

Sa nanlalabong paningin ay tiningnan niya ang binata, lumunok siya para alisin ang bikig sa lalamunan, "Oo, okay lang ako."

Muling may pait na gumuhit sa puso ni Trixie. Pinagkiskis niya ang nagpapawis na mga palad bago iniyapos ang mga braso sa katawan, pinipigil ang pangiginig noon. Huminga siya nang malalim. Pahinamad siyang naupo sa wooden chair at ipinatong ang ulo sa ibabaw ng sandalan. Tumitig siya sa langit para pigilan ang mga luhang muntik nang pumatak.

"Huwag kang magpasilaw sa kinang na nakikita mo, Macoy. Hindi ang babae sa billboard ang totoo ako," tumigil muna sa pagsasalita si Trixie at huminga gamit ang bibig, kailangan na niyang pumasok bago pa lumala ang nararamdaman.

"Wag ka ring magpa-akit sa gandang panlabas na nakikita mo. Dahil sa likod ng gandang ito ay isang pangit na bahagi ng pagkatao na maging mismong ama ko ay ikinahihiya iyon sa mundo," aniya bago tumayo.

Perfectly Imperfect (PUBLISHED @EBookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon