Chapter 23

4.4K 164 3
                                    

Dahil walang maisip na sabihin ay tumiay na lang si Trixie at inabot ang mga labi ni Macoy, iniyapos ang mga braso sa batok nito. Pero matapos siyang saglit na halikan nito ay hinigit siya sa kama at pinaupo roon.

"Ginagawa mo na naman ang madalas na ginagawa mo noon. You are distracting me with your kisses," ani Macoy na lumayo sa kanya. "I want you so much, Babe, but we still have a lot to talk about. Di ba sabi ko sa iyo na marami akong sasabihin?"

Nakagat niya ang labi at tumitig sa lalaki.

"Ilang araw pagkatapos mong mawala ay nagpunta ako sa Mama mo, nagmakaawa akong ilabas ka. Pero hindi rin daw niya alam kung nasaan ka. Ang totoo, plano na rin daw niya akong puntahan para kunin ka nga sana. Hindi pa nakatulong na may isang Dra. Llarenas ang tumawag sa kanya pagkalipas ng ilang linggo, hinahanap ka. Ayaw pa niyang sabihin noong una kung anong kailangan niya. Nagbilin lang siyang ipaalam kaagad namin kapag nalaman namin kung nasaan ka. Kami na lang ng Mama mo ang nagsaliksik kung sino ba siya. At pinagtagni na lang namin kung ano ang totoong kaugnayan mo sa kanya."

Pumikit si Trixie at yumuko, hindi alam ng mga tao sa paligid niya ang tungkol sa pagkonsulta niya sa psychiatrist. Tanging si Venus lang ang may alam noon. Nawalan na siya ng komunikasyon sa doktora dahil kumuha siya ng panibagong Psyciatrist na nakabase sa Singapore.

"Bakit hindi mo ako binigyan ng pagkakataong tulungan ka, Trixie?" anito, lumundo ang kama at ang kasunod na naramdaman ni Trixie ay nakakulong na siya sa bisig nito.

"Nasanay na akong mag-isa. Tanggap ko ng walang may gustong maging bahagi ng buhay ko, lalo naman siguro ang tulungan ako," aniya, unti-unting namuo ang luha sa kanyang mga mata.

"Ilang beses akong nagtanong sa iyo, pero hindi mo gustong tanggapin ang tulong na inaalok ko, Babe."

"Natatakot ako. Kung tatanggapin ko ang tulong mo, nalalaman mo ang bagay na kahit sa sarili ko ay hindi ko matanggap. I hated myself. I hated my life. Ikaw lang ang nag-iisang magandang nangyari sa akin, at hindi ko kakayanin kung pati ikaw ay mawala sa akin."

"Oh, Babe," ani Macoy, isinandig nito ang kanyang ulo sa dibdib at hinaplos ang kanyang buhok. "Kailanma'y hindi kita iiwan. Kung hindi ka umalis, matagal mo na sana iyong nalaman."

"Kung ang mga magulang ko nga, nagawa akong gamitin at ikahiya, ang ibang tao pa kaya?" dagli niyang pinunasan ang mga luha. "I am on my path to self destruction. Si Venus ang nakakita sa akin noong minsang atakihin ako ng anxiety. Siya ang nagpakilala sa akin kay Dra. Llarenas. Unti-unti, nakitaan ko ng direksyon ang buhay ko. Pero dumating ka. Masaya noong una, pero nung makita ko kayo sa bar, ang lakas at tapang na akala ko'y meron na ako, sa isang iglap, lahat iyon, naglaho."

Huminga siya ng malalim, tumikhim at mag-alis ng bara sa lalamunan. "Akala ko nalakas na ako, pero hindi pa pala. Mahina pa rin ako."

"Malakas ka, Babe," sinapo nito ang mukha niya, pinunasana ng mga luhang naglalandas sa pisngi niya.

Umiling siya, "Pinapaniwala ko lang ang sarili ko na malakas ako, pero hindi, Macoy. I'm strong enough to run away from my mother, but I am not strong enough when it comes to you. Alam mo bang sa kabila ng sakit ay muntik na akong bumalik sa iyo? Wala akong pakialam kahit maging totoo ang mismong kinatatakutan ko, basta ang mahalaga, sa akin ka lang. I am plotting ways on how I can manipulate you....." unti-unting humina ang boses ni Trixie, muling naglandas ang mga luha sa kanyang pisngi.

"I was so conflicted. I hated me and my life before I met you. I don't want to be like my mother, and I was slowly turning like her because of you. I am slowly becoming selfish and manipulative. I am slowly destructing myself and I might also bring you down with me.... Hindi ko alam ang gagawin ko noon kaya nag-iwan ako ng voice message kay Dra. Llarenas. Pero hindi na ako nakapunta sa scheduled session namin dahil isinama na ako ni Venus pa-Singapore. Iyon siguro ang dahilan kaya tumawag siya. I was pretty emotional on that voice message."

"Kung gusto mong bumalik, bakit hindi mo ginawa?" ani Macoy, inangat nito ang mukha niya at tinitigan siya sa mukha.

"Dalawang buwan na ako noon sa Singapore. Ang totoo, ayaw pumayag ni Venus dahil parurusahan ko lang daw ang sarili ko. Pero buo na ang pasya ko. Sabi ko, okay lang na mahirapan ako, basta makasama kita. Wala akong pakialam kahit katawan ko lang ang kailangan mo," aniya na muling nagbaba ng paningin.

"Pero nalaman ko na buntis ako. Natakot ako. Lagi kang gumagamit ng proteksyon, maliban na lang noong nagpilit ako. Handa akong magpakasira kung ako lang, pero ang anak ko? Hindi ko siya kayang idamay sa miserable kong mundo. At isa pang ikinatatakot ko, matatanggap mo kaya ang bata? Mas mamatamisin ko pang lumaki ang anak ko na hindi mo alam na nag-eexit s'ya, kesa alam mo nga, pero hindi mo naman kikilalanin ang bata."

Sumigok si Trixie, mariin niyang ipinikit ang mga mata, pero umalpas pa rin ang mga luha, "Hindi ko hahayaang danasin ng anak ko ang anxiety na pinagdaanan ko."

***********

"KUNG BUMALIK KA LANG SANA, nalaman mong lahat ng ikinatatakot mo ay hindi mangyayari. Mahal kita, Babe, sa lahat ng pagkakataon ay pilit kong ipinararamdam sa iyo iyan," kinintalan ni Macoy ng halik ang tungki ng ilong ni Trixie bago niya ito niyapos nang mahigpit.

"Macoy.... Hindi mo pa alam ang buong pagkatao ko, ang lahat-lahat sa akin..."

Inangat niya ang baba nito at hinalikan sa mga labi. Her lips are cold, slightly trembling, and it breaks his heart.

"Alam ko na ang lahat. Hindi ba't sinabi kong pinuntahan ko ang Mama mo?"

Hindi lang ang nakaraan ni Trixie ang alam niya, maging ang totoong kundisyon ng dalaga. At sa kabila ng lahat, hindi siya nawawalan ng pag-asa na babalik itong muli sa kanya. Kaya habang inaantay si Trixie ay naghanda siya.

He know that his love alone cannot and will never heal her.

Mula nang makilala niya si Dra. Llarenas ay kumunsulta na rin siya rito. He wanted to be properly educated on how he can be a perfect fit to his imperfect babe. He educated himself on her situation. He needed to understand more so he can do more for her. He wanted to be prepared for her needs.

Where she is weak, he will be strong.

"Your family? Will they accept me even if..."

"Mahal kita. At alam kong mamahalin ka rin ng pamilya ko," bulong niya rito, itinaas niya ang mukha ni Trixie at hinalikan.

"I don't..... I don't deserve you.."

Niyapos niya ito. Kusa siyang nagpatumba sa kama, ipinailalim ito.

"You are doubting yourself again, Babe. You are beautiful, admirable. You are not an ordinary girl, Babe. You deserve to be in a pedestal. You are unique, you are a queen in your own league," Macoy's hands start to losen the knot she created on the blanket.

He had enough of the talking. And he better bring her mind off of all these painful and ugly thing.

"What are you doing?" anito na nanlalaki ang mga mata.

"You are not just doubting you, Babe, you are also doubting my love. I just wanted to show you how much I am crazy about you. Besides, you owe me three years of taking care of my baby. How about we create one now so I can experience how to change nappies?"

"Oh! No, you don't!" ani Trixie na biglang lumayo sa kanya at tumayo sa ibabaw ng kama, kipkip ang kumot sa tapat ng dibdib. "What if Elle comes back? Kanina pa sila umalis at baka pabalik na sila. At kung alam mo lang kung gaano kakulit at ka-impatient ang anak mo."

Umangat ang sulok ng labi niya habang ang kamay ay tinatanggal ang butones ng pantalon, "Kamukha ko, pero sa iyo nagmana."

Ihinagis niya ang t-shirt na suot, kasunod ang pantalon.

"We don't have time for this," mabuway na sagot ni Trixie na napaupo sa gitna ng kama.

Nahubad na ni Macoy ang lahat ng damit, sumampa siya sa kama saka inabot si Trixie, "We have just the right amount of time, Babe."

Perfectly Imperfect (PUBLISHED @EBookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon