Chapter 5

3.6K 157 3
                                    

“MONDAY MORNING? Alam mong may shoot ako tomorrow, di ba?” ani Trixie.

Nasa teresa siya ng condo, dinidiligan ang mga halaman na naroon. Dahil busy ay hindi siya nagdala ng halaman na kailangan ng atensyon at alaga. Succulent at cactus ang nakahanay sa mga paso sa teresa. Naglagay siya ng halaman doon para naman kapag lumabas siya ay may matitingnan siyang berde sa paligid.

Hindi katulad ng mga katabing unit na wala man lang kabuhay-buhay ang terrace. Ang katabing unit niya ay walang kahit anong nakalagay, habang ang sa kabila ay puno naman ng kalat. Out of place ang wicker chair na naroon. Mukha iyong trono ng reyna, samantalang ang paligid ay makalat at mukhang hindi man lang nalilinis. Puro basyo ng bote ng alak sa paanan ng bangko. Mayroon din doong mga paso, pero wala ng halaman at tuyong-tuyo ang lupa. Ang nakalagay ay ilang upos ng sigarilyo.

Nagkibit-balikat si Trixie. Sino ba siya para mang husga? To each, his own. Muli na lang siyang nagfocus sa ina.

“Presentation of Candidates sa kapitolyo. You have to be there.”

“Ma, alam n’yo namang unpredictable ang commercial shoot, di ba? Paano kung late na kami matapos? Bakit kasi sa dami ng pageant na pwede kong salihan, d’yan pa talaga sa Laguna?”

“Dahil taga-Laguna ka naman talaga. Granting na sa Manila ka na lumaki, pero sa Laguna ka ipinanganak, Trixie. At wag mo nang kuwestiyunin. Pasok ka na sa candidates at hindi ako papayag na mapahiya.”

Matapos maibaba ang tabong hawak ay dinampot niya ang isang maliit na paso na may tanim na cactus at naupo siya sa outdoor chair. She's facinated by cactus. Such a simple, resilient plant. And while other people may not like it because of the spike, for Trixie, it’s actually what made the plant unique, beautiful on its own right.

“Pero Ma…”

“Nakausap ko na si Vicky,” tukoy nito sa head ng production team ng commercial para sa soft drinks na gagawin niya, “May naset na akong cut-off time sa kanya. Alam na niya na uuwi ka pa sa Laguna. Kailangang nasa kapitolyo ka na bago ang flag raising ceremony. Make sure na naroon ka na bago mag-alas sais ng umaga.”

Ibinaba niya sa kandungan ang cactus at hinilot ang sentido.

“Sanay ka sa maagang call time. Hindi na bago sa iyo ‘yan. I will be travelling to Sta. Maria today. Kakausapin ko pa si Ruffa at kukunin ko na rin ang casual wear na provided nila na isusuot mo sa kapitolyo,” anang ina niya na pinatay na kaagad ang tawag, ni hindi na siya binigyan ng pagkakataong magsalita.

Muling bumuntong-hininga si Trixie. Inagat uli ang cactus at tinitigan iyon. Hindi katulad ng ibang halaman, mas nagpo-flourish ito na hindi laging dinidiligan, ang lupang kinatataniman ay kailangang mabato pa. In such an unforgiving territory, yet, the cactus held an unconventional beauty.

Pakiwari ni Trixie ay isa rin siyang cactus. Lumaki siya sa hindi normal na family setting. Anak siya ng ina sa pagkadalaga, ang ama ay minsan lang niya nakikita, at kailangang patago pa. Lumaki siya na kasama nga sa bahay ang ina, pero kinulang siya sa pagkalinga. Nagiging malambing lang sa kanya ang ina kapag may kailangan at gustong ipagawa sa kanya, pero oras na magpakita siya ang pagtutol ay nagiging mahigpit ito. Sa ganoon siya lumaki, at nagsisisi si Trixie. Sana ay hindi na siya nagpahaging ng pagtutol kanina, para imbes na pautos, sana ay malambing pa ang ina sa kanya.

Napailing na lang si Trixie bago idinial ang number ni Mama Andie, “Ma Ands,” malambing na bati niya nang sumagot ito.

“Yes, Darling?” anito na halatang nagising niya.

“Nasabi ba sa'yo ni Mama ang tungkol sa pagpunta ko sa Laguna sa lunes? At alam mo ba na alas-sais ay dapat naroon na daw ako? I don't know if we can, Ma. May shooting pa ako bukas,” aniya habang nakatitig sa cactus, ang daliri niya ang nilalaro ang tinik nito, maingat na pinaglalandas ang daliri sa ibabaw para hindi siya matusok.

“Oh, that,” anito, rinig niya ang paghigit nito nang malalim na hininga.

“I don’t understand her. Sabi n’ya dati, wala akong mapupura sa probinsyang iyon kaya dito n’ya ako sa Manila pinalaki. Pero ngayon, sa pageant sa probinsyang iyon n’ya ako gustong isali,” naiiling na sagot ni Trixie.

“I know, Darling. Hindi ko rin maintindihan ang ina mo at ang obsesyon n’ya sa Binibining Laguna. My God, Dear, kung alam mo lang ang pagtatalo namin sa pagsali mo diyan. But who am I ba? Trainer, PA mo lang naman ako,” anito na bakas ang lungkot sa boses.

Napapikit si Trixie. Alam niyang sinumbatan na naman ito ng ina niya na kaya nakakariwasa ay dahil dito, “You are more than that, 'Ma Ands, you know that. Naging ina at ama na rin kita.”

“Thank you, Darling,” anito sa basag na tinig. “Well, anyway, alam ko ang dahilan kaya ka tumawag, at sorry, Darling, pero hindi kita maipagda-drive.”

“Pero hindi ko pa kayang magdrive, Ma!”

“Yes you can, Darling. Para saan pa ang driving lessons at ang bagong sports car mo? At nakapag-drive ka na from your condo to my studio.”

“Short drive lang naman kasi ‘yon, Ma. But from here to Laguna? In express way? Oh no! I can't drive that long. Please. For me?”

“Bakit hindi mo gamiting test sa sarili mo ang pagda-drive mag-isa pa-Laguna? Magandang patunay sa self-reliance at freedom na matagal mong inungot sa ina mo iyan. You have to trust yourself, Darling. And if you can’t drive a damn car, how are you going to prove to your Mama that you can now drive your own life?”

Natigilan si Trixie, nakagat niya ang labi at muling napatitig sa cactus sa kandungan niya.

Matapos ang mahabang katahimikan ay bumuntong-hininga si Mama Andie, “You’re turning twenty-three, so learn to practice your freedom and free will, Darling. Hindi kita masasamahan. Katatapos lang naming magtalo ng ina mo dahil sa Binibining Laguna. Tiyak na hindi n’ya nanaising makita ako ngayon. And the feeling is mutual actually,” anito sa boses na halata ang disgusto.

“I understand, 'Ma Ands,” aniya bago tuluyang nagpaalam.

“I can drive you,” anang tinig sa kabilang balkon.

Perfectly Imperfect (PUBLISHED @EBookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon