KABANATA 1

172 78 11
                                    

hope you’ll like it(◍•ᴗ•◍)


KABANATA 1

"ALANE! Anong ginagawa mo dito?" animoy naka kita ako ng multo sa aking pag kagulat.

"Lisha dapat ako nga ang nag tatanong niyan sa iyo!" may galit sa kanyang tono.

"Pasenya na mga hija, maari nyo bang ituloy yan sa inyong silid" saad ng Punong Opisyal.

"Ano po silid?"sabay naming tanong ni Alane.

"May silid na inihanda sa into upang inyong tutuluyan habang naririto kayo sa aming Unibersidad. Kayong dalawa ay mag kasama sa silid dahil muka namang kilala ninyo ang isa't isa, maari na kayong mag pahinga. Muli, Maligayang Pagdating"A
ani ng punong opisyal.

"Maraming Salamat po" sabay naming saad. May tinawag siyang isang babae upang ihatid kami sa aming silid.

Habang kami ay nag lalakad bigpang tumigil ang babae. Tingin ko ay nasa bulwagan kami dahil marami na din kaming nakikitang mga mag aaral. Sila ay naka tingin saming dalawa ngunit ito ay napawi din.

"Maari ko ba muna kayo iwan saglit. Ito ang numero ng inyong silid, mag tanong na lamang kayo. Ako ay ipinapatawag lamang" saad niya samin.

"Opo, Maraming Salamat po" saad ko sa kanya

Maglalakad na sana ako ng na banga akong isang bagay tumingala ako.  Hindi pala siya pabagay hayop pala. Aray ko ang sakit. Nag kabunguan kase kaming dalawa.

"Ano ba!"galit kong sigaw sa kanya. Dahil ang sakit talaga.

"Ano yaang nasa dibdib mo?Isang dyamante?"tanong niya biglang akong kinabahan paano nya nakita ito?

"Anong dyamante nahihibang kana ba?Manyakis ka!"Sigaw ko sa kanya. Akma ko siyang susuntukin ngunit bigla siyang umiwas sa akin.

"Ang kapal ng iyong pag mumuka tinitingnan mo ang aking dibdib!!" muli kong tinapat ang aking kamay sa kanya dahil hindi na lamang suntok ang aking gagawin. Ngunit bago ko ito magawa ay may humarang sa aming harapan.

"Binibini pag pasenyahan mo na siya. Patawad" bigla silang naglaho sa aming harapan. May kapangyarihan silang ganon? Pano nangyari yon?

Walang sino man ang nakakakita ng aking dyamante. Paano niya ito nakita?Sino ba talaga siya? Anong meron sa kanya?......

"Lisha tara na, gusto ko ng mag pahinga eh. Tara na sa ating silid" saad ni Alane.

Binabasa namin ang bawat naka sulat na direksyon upang matagpuan kung saan ang dormitoryo. Nang nakarating kami sa aming silid. Para iyong isang  maliit na bahay dahil ito ay may salas at kusina, gayundin may mga librong nakalagay sa lamesa malapit sa salas. May isang pasilyo doon at may dalawang pintong mag kaharap. Binasa namin ang naka sulat sa bawat pinto.

Nakita namin ang aming pangalan, agad na kaming pumasok doon. Maganda ang silid, ito din ay malaki para sa aming dalawa ngunit hindi kasing laki ng aking silid sa aming palasyo. Meron itong palikuran gayundin ang upuan at lamesa upang makapag basa at makapag sulat, ito din ay may salamin.

May dalawang higaan at may lagayan ng gamit sa mag kabila nito. Agad na humiga si Alane sa kama at ganoon din ako. Nakaramdam na lamang ako ng antok at pumikit na. Naramdaman ko na lamang na ako ay niyuyoyog ni Alane. Hindi ko namalayan ilang oras na pala ang nakalipas dahil ako ay naka tulog.

"Lisha gumising kana. Tayo na't mag hapunan" saad nito na seryoso ang kanyang tinig.

"Naka tulog pala ako. Mag lilinis lamang muna ako ng aking katawan. Maaari mo na lamang akong hintayin" aniko.

DS1:SHE'S MY DIAMOND (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon