KABANATA 3

104 77 1
                                    

hope you’ll like it(◍•ᴗ•◍)

KABANATA 3

"MAG si tungo na kayo sa silid aklatan at pag narinig ninyo ang tunog ng orasan ito ay hudyat na tapos na Ang inyong oras upang mag hanap" saad ng propesora.

Lumingon ako si Alane"Ano kaya ang mga kagamitan na iyon" bulong niya sakin.

Hindi ko din nahuhulaan ngunit ang aking nararamdaman ay tila malakas ito" pabulong ko ding saad sa kanya.

Sumunod kami sa mga kasamahan namin upang makapunta ng silid aklatan. Hinanap ko sina Kiro at Kobe. Grabe sila, iisa lamang pala ang klase natin iniwan pa kami kanina. Muntik tuloy kaming mahuli sa klase. Nakita kong nag laho sila. Saan kaya sila pa tungo? Baka mauuna na sila sa silid aklatan.

"O bakit kayo bumalik?" nagtatakang tanong ng kaming kaklase. Bumaling muli ako sa kanila, nakita ko na bumalik nga sila. Nandito kami sa harapan ng isang malaking pinto, ngunit ito ay naka sara. Ramdan ko ang mahika na bumabalot dito.

"Hindi namin magawang maka pasok sa loob. May humahadlang samin na maka pasok. Tila ay pinag handaan nila ito at nilagyan ng mahika ang pintuan ang silid aklatan" saad ni Kiro.

"Kailangan nating mag isip ng paraan upang maka pasok, tumatakbo ang oras" malamig na Saad ni Kobe.

Ang bawat isa ang nag bibigay ng kanilang mga opinyon upang masulusyunan ang pag bubukas ng pinto ng silid aklatan. Nakikinig lamang kami ni Alane sa kanila.

"Tulungan na kaya natin sila" bulong sakin ni Alane. Ang iba kase ay pilit itinutulak ang pinto, ang iba naman ay ginagamit na ang kanilang kapangyarihan ngunit wala pa din.

Sina Kobe at Kiro ay ganon din. Ramdam ko ang mga enerhiyang ginagamit nila ngunit hindi pa din sila nag tatagumpay. Malakas ang ginamit na mahika dito.

"Mag tataka lamang sila sa ating gagawin. Kailangan muna natin mag obserba sa ngayon" bulong kong pabalik sa kanya.

"Sino sa inyo ang marunong gumamit mg enkantasyon o mahika?" tanong ni Kiro ngunit wala sumagot sa kanya.

"Huwag ninyo ipilit ang inyong mga sarili" saad ko.

"Ano bang nalalaman mo" mataray na tanong ng isang babae. Ang babaeng iyon ay kanina pa reklamo ng reklamo ngunit wala namang silbi.

"Nararamdaman ko hindi hindi pang karaniwan ang mahika na nasa pintuan ng silid na ito. Kahit anong pwersa ay hindi ito mabubuksan, mahika laban sa mahika lamang ang paraan" paliwanag ko sa kanila.

"Paano natin ito mabubukasan? Ni isa sa atin ang walang alam sa mahika. Ang pag aaral ng mahika ay ilang daang ang proseso nito. Nauubos na ang ating oras natin" saad ng isa sa mga kasama namin.

"Magsi tabi kayong lahat" saad ko sa kanila

"Pero"

"Anong gagawin mo?"

"Baka mamatay tayo sa gagawin mo"

Saad ng iba.

"Makinig na lamang kayo" saad ko.

Nang tumabi na silang lahat. Tumungo ako sa may pinto, itinapat ko ang aking mga palad. May enkantasyon akong sinambit.

Isa ito sa mga sasanay na aking pinag daan. May isa akong guro na ikinulong ako sa isang silid namin sa aming palasyo. Iniwanan lamang niya ng isang libro kong saan mga naka sulat ang mahika na kailangan kong aralin.

"Quiero abrir esta sala para que podamos encontrar el libro que nuestro maestro quiere en nombre de mi poder. ¿Se puede abrir la puerta de esta sala?" sambit ko. Kita ko ang pag alis na mahika dito.

DS1:SHE'S MY DIAMOND (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon