KABANATA 9

65 57 2
                                    

hope you'll like it(◍•ᴗ•◍)

KABANATA 9

NANG makita ko kung sino ang pumasok sa aming silid aralan ay agad ako tumingin kay Alane na ngayon ay nakatulala at tila gulat na gulat sa kanyang nakita.

Tatayo na sana ako, natigilan ako dahil may sinabi siya sa aking isipan.

'Wag kang lalapit sakin, nararamdaman ko na lalapit ka. Lisha hindi ko alam kong anong magagawa ko sa inyo athindu ko din alam ang aking nararamdaman. Kailangan Kong pigilan ang aking damdamin.

Saad niya sa aking isipan.

Hindi nako umalis sa aking kina uupuan at mas pinili ko na malamang manatili na naka upo, hindi ako sanay na hindi ko katabi si Alane.

Nais ko siyang lapitan at tanungin kung ano ang kanyang nararamdaman.

"Magandang Umaga" bati ng babae.Ito ay kakapasok lamang sa aming silid aralan.

"Magandang Umaga din" bati pabalik ng aming mga kaklase, ngunit tila hindi siya ang gusto nilang makita.

"Ako ang magiging Propesora ninyo sa kaysayan ng Unibersidad. Ngayon pa lamang nagkaroon ng ganitong paksa. Nais ng Punong Opisyal na ipakilala sa inyo ang tunay na pinag mulan ng ating Unibersidad. Nang makalipas ang ilang daang taon ng paaralan na ito ay nais naming ihayag muli sa mga estudyante kung ano ba ang nasa likod ng kwento tungkol sa ating Unibersidad. Dito matatalakay natin ang pinag mulan at kung sino ang unang nagtatag nito" saad nito.

Lumakas ang mga ingay na nag mumula sa ibang mga estudyante na nasa loob ng aming silid aralan. Iba iba ang kanilang pinag uusapan ukol sa sinabi ng Propesora na nasa aming harapan.

"Ano ang inyong pangalan?" nagulat ako ng nadinig ko ang boses ni Alane. Tila nagulat ang Propesora nang makita si Alane.

Naghihintay ang aming mga kaklase sa kanyang sagot, ganon din ako at si Alane.

Nararamdaman ko kung sino talaga ang Propesora nasa harap namin ngayon. Nakikita ko ang kayang enerhiya. Ramdam ko ang dugo ng isang taga Prosela.

"Tawagin ninyo na lamang akong Propesora Auera(Uera)" saad nito at ngumiti.

"Bukas tayo mag sisimula ng ating mahabang leksyon. Kayo ay hinihintay ni Propesor Yuan sa may bulwagan ng pag sasanay. Lahat kayo ay kailangan pumunta doon. Kayo na't tumungo" saad nito at nag lakad papalabas ng silid.

ALANE POINT OF VIEW

NAGULAT ako ng makita ko kung sino ang babaeng pumasok sa silid.

Siya ang aking Ina. Paanong nangyari iyon. Isinaad ni sakin ni Ama sa aking panahinip na wala na siya. Ano ba ang nangyayari. Nais kong umiyak at mag wala dahil sa aking nasaksihan. Ako ba ay pinag loloko lamang nila.

Ang daming tanong sa aking isipan na nag nanais ng mga kasagutan.

Gusto kong magalit, gusto kong sumigaw sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Sa mundong aming kinaroroon walang mag kamuka, ganoon kami kahalaga kahit hindi isang maharlika. Nararamdaman ko siya ang aking Ina. Malakas ang aking pakiramdam lalo na't parte ng aking pamilya.

DS1:SHE'S MY DIAMOND (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon