KABANATA 7

76 57 4
                                    

hope you'll like it(◍•ᴗ•◍)

KABANATA 7

Ate Lisha,

Ate Lisha, sana po ay mag iingat ka. Nais pa po kitang makasama. Pasensya napo kung hindi tayo na kapag usap noong pumunta ako diyan, kaya po ako napunta diyan ay dahil sinusundan po kita simula noong umalis ka. Noong araw lang pong iyan ay nakapasok ako sa Unibersidad ngunit nahuli ako ng isang lalaki, mabuti na lamang po ay hindi niya ako isinungbong ngunit pinunta niya ako sa isang silid buti na lamang nakita ko doon si Ate Alane. Kaya po ako nawala agad at sumama sa kanila upang maka balik na pong muli dahil sabi nila ay babalik na ang Opisyal. Nararamdaman daw po nila ang kung mag tatagal pa po ako. Pasenya kana Ate kung sinundan kita, may masama po kase akong nakita. Hindi po lahat ng nakapaligid sayo ay totoo, nais ko po sanang mag ingat ka. Lagi ko po idadalangin na maging ayos ka at walang mangyari masama sayo Ate. Mahal na Mahal po kita, nais na po kitang makasama at nais kana din pong makita ni Ate Aniyela at Ate Keia. Tinatanong po nila kung saan ka nag punta ngunit hindi ko po sinabi sa kanila noong mag balik ako, sana po ay lagi kang mag iingat, wag po ninyong pababayan inyong nalusugan. Mahal na Mahal kita ate sana mapag tagumpayan ninyo sa nais ninyo gawin.

Iyong nakababatang kapatid,

Kira

Naiyak ako noong mabasa ko kung ano ang laman ng sulat, para ito sa akin. Mula ito sa nakakabata kong kapatid, niyakap ko ang papel at umiyak ng umiyak.

Nang mahimas masan ako. Inilagay ko ang aking kamay sa aking dibdib kung nasaan ang aking dyamante.

Aking dyamante gusto ko sanang iparamdam mo sa aking mga kapatid nais ko silang makita sa aking isipan at nais ko silang makausap.

Nag hintay ako nang ilang minuto ay tila ay walang nangyayari, tila ay may humaharang sa nais kong gawin.

Susubukan ko muli nang magulat ako ng may nag salita sa aking likuran.

"Huwag mo nang subukan Lish, may mahikang naka palibot sa buong Unibersidad. Hindi natin magagamit ang ating kapangyarihan na mag munula sa ating puno. Lalo na lamang ang pag kokonekta mula sa ating minamahal. Sila lamang ang kayang gumawa nito mula sa labas. Kahit pa gamitin mo ang iyong dyamante. Alam Kong malakas ang iyong kapangyarihan na nag mumula diyan ngunit baka mapahamak ka lamang" saad ni Alane, siya lamang pala.

"Paano na punta itong sulat na ito dito, kahapon ay wala ito dito?" tanong ko sa kaniya na tila ay naguguluhan.

"Ibinigay iyan sa akin kanina ni Kiro, ipinabibigay daw ng iyong kapatid" saad nito

Yumakap ako kay Alane at humagulgul ng iyak.

"Kung wala ka dito Alane matagal na siguro akong nasiraan ng bait. Maraming Salamat" saad ko kay Alane habang umiiyak parin.

Laging andiyan si Alane para sa akin, kahit nasa aming kaharian. Lagi siyang nasa aking tabi, simula pag kabata ay kaibigan ko na siya kaya sobra akong nag papasalamat dahil hindi niya ako iniiwan. Siya ang nagiging lakas ko habang naririto ako. Hindi ko kakayaning mawala siya sa akin.

DS1:SHE'S MY DIAMOND (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon