hope you’ll like it(◍•ᴗ•◍)
KABANATA 4
ITINAAS ko ang aking kamay upang mag pakawala ng aking mahika. Ngunit natigilan ako ng marinig ko si Alane.
"Lisha, wala siyang ginawa" saad niya. Inaalalayan ko siya, patungo kami sa aming silid.
"Lisha, Ang aking Ina. Wala na siya" saad nito na aking ikinagulat. Niyakap ko siya ng mahigpit. Lalo siyang umiyak.
"Hindi ko pa nga nagagawa ang nais ni Ina. Bakit niya ako iniwan, sinunod ko lamang ang gusto ni Ama na pumunta dito kahit ayaw niya akong payagan. Patawarin mo ako INAAAA!" umiyak siya ng umiyak hanggang siya ay nakatulog.
Nang maka tulog na siya ay lumabas ako ng aming silid. Tumungo ako sa may salas. Nakita ko ang aming kasama.
"Maaari mo bang isalaysay sakin ang nangyari Kiro. Nais ko lang nalaman ang nangyari noong wala ako" saad ko.
"Umupo ka muna Lisha" umupo ako sa kanyang harapan at nasa tabi naman niya ay si Kobe natila ay makikinig din.
"Nang umalis kayong dalawa ni Kobe kanina naki usap sakin si Alane na gusto niya na daw mag pahinga, nang maka punta kami dito sa silid ay tila sumakit ang kanyang ulo. Nawalan siya ng malay. Patuloy ako sa pag tapik at pag tawag sa pangalan niya ngunit hindi siya nagigising." saad nito. May hudyat na nangyari kay Alane. May nag bibigay ng mensahe sa kanya.
"Nang ilang minuto ay naimulat na niya ang kanya mata. Nagulat ako dahil umiiyak siya. Tuloy tuloy lamang ang pag iyak niya. Lahat ng bagay sa loob ng ating silid ay lumulutang at ang mga ilaw ay patay bukas na tila nag hihinagpis" saad nito.
"Tila ba ay may mahika sa buong silid at hindi ako maka pasok" saad ni Kobe.
"Maraming Salamat Kiro" saad ko.
"Ano ba talagang nangyari kay Alane, ba’t siya nag kaganoon?" tila may pag aalala sa tinig ni Kiro ngunit si Kobe naman ay tila nag hihintay lamang siya ng aking isasagot.
"Namatay ang kanyang ina" malungkot kong saad.
"Paano niya naman nalaman iyon?" tanong ni Kiro.
"Hin---
"Hayaan na muna natin sila Kiro, kailangan nilang mag pahinga at kailangan din nating mag pahinga. May sunod pa tayong klase sa hapon" saad ni Kobe.
"May pagkain diyaan sa may lamesa, kung nais inyong kumain ay kainin niyo na lamang iyon." saad nito at umalis na silang dalawa ni Kiro sa aking harapan.
Tumungo na ko sa aming silid upang tignan kung ano na ang lagay ni Alane. Mahimbing na itong natutulog. Tila payapa ang kanyang muka, ngunit baka pa din dito ang kalungkutan.
Nagulat ako ng may tumapik sa akin.
"Gumising kana, kumain na tayo" rinig ko. Iminulat ko ang aking mata. Si Kobe ang aking na kita.
"Wag mokong titigan ng ganyan nakaka asiwa"nagulat ako sa kanyang sinabi. Ang kapal ng kanyang pag mumuka.
Umalis na siya sa aking harapan. Bumangon Nako, dumako ang tingin ko sa gawi ni Alane ngunit wala na siya sa kanya kama.
Lumabas akong ng aming silid at pumunta ako sa may salas ngunit hindi ko nakita si Alane doon.
"Nasaan si Alane" tanong ko kay kobe.
"Nasa palikuran siya" malamig na niyang saad at umalis.
NANG ILANG araw na kaming nandito sa Unibersidad. Nasasanay na kami sa mga taong naririto. Maayos na din sila Alane mula sa pag kamatay ng kanyang Ina.
BINABASA MO ANG
DS1:SHE'S MY DIAMOND (EDITING)
FantasíaDIAMOND SERIES 1 HE FOUND HER DIAMOND Isang lugar na punong puno ng kasakiman sa kapangyarihan. Ngunit may dalawang pag mamahalan ang nabubuo. Mahahanap nila ang kinang ng bawat isa. Ngunit may humahadlang na isang madilim na nakaraan. Ang kadilima...