HIII ALYXOUS_BABIES THANK KASE NAKARATING KAYO SA FINAL CHAPTER I LOVE YOU ALL.
hope you'll like it(◍•ᴗ•◍)
PAGTATAPOS
Ngunit huli na ang lahat hindi na nila ito na abutan.
"HABULIN ANG BABAENG IYON"sigaw ng isang kawal ng kalaban.
Nagulat sila nang may nakita silang palasong tumama sa puso ng kalabang hari.
"M-mah s-sisi k-kayo"saad nito at tuluyan ng nawalan ng malay agad na binuhat ng mga kawal nito at umalis umatras sila sa laban.
ILANG BUWAN na ang nakalipas ang digmaang naganap sobrang lungkot padin nila dahil sa ilang namatay.
Nag balik na ang dating hari ngunit may kulang padin sa palasyo si Kira.
Inaayos ang kaharian upang maibalik ito sa dating sigla at kapayapaan.
Tumutulong din si Lisha sa kanyang ama.
Humingi ng tawad ang ama ni Lisha kay kobe dahil sa nangyayari sa kaniyang magulang at sinabi kong sino at totoong kasabwat ng kanyang dating asawa.
"May mangyayaring piging mamayang sabi sa ating palasyo mag handa kayo at imbitahan ang ibang kaharian para sa pag diriwang"saad ng mahal na hari sa lahat.
Nag ayos na ang mga prinsesa nag sukat ng damit para sa gaganaping pag dariwang mamayang gabi.
"Ate ang ganda mo"saad ng kapatid ni Lisha.
"Kayo din naman sayang wala si Kira hahanapin ko siya pag tapos ng pagdiriwang na ito"saad ni Lisha.
"Sasama kami ate"saad ng dalawang niyang kapatid.
"Hindi na mapanganib mag ensayo kayong mabuti at mag aral upang sa susunod ay kaya na ninyong protektahan ang ating kaharian"saad ni Lisha sa mga kapatid.
Nag lakad si Lisha at tumungong sa may tore ng palasyo upang pag masdan ang kaharian.
Sobrang ilaw nito ang tila kay saya.Sobrang sarap sa pakiramdam na makita niya na ganto kasaya ang kanyang pinag mulan.
"Mahal na prinsesa"tawag sa kanya ni Kiro.
"Oh Kiro anong ginawa mo dito?"tanong niya sa binata.
"Nais ko lang mapagisa"saad ni Kiro.
"Bakit naman hindi mo ba nais makiisa sa pag diriwang?"tanong ni Lisha.
"Nais ko ngunit alam kong hindi pa masaya ang palasyo dalawa pa ang kulang dito"saad ng binata.
"Tama ka pag tapos nag pagdiriwang ay hahanapin ko si Kira at Si Alane"saad ni Lisha.
"Ako na lamang ang mag hahanap sa inyong kapatid Mahal na prinsesa"saad nito.
"Hindi na kaya ko naman iyon"saad ng dalaga.
"Hindi ko nais na mag lagi dito wala na din akong uuwian na pamilya kaya nais kong mag lakbay isasama ko sa aking pag lalakbay ang pag hahanap sa iyong kapatid nais ko ding alagaan mo si Kobe sobrang matalik kaming mag kaibigan wala nadin siyang uuwian ngunit nariyan ka sa kanyang tabi"saad nito.
"Ngunit maaari ka ditong mamalagi salamat dahil nais mong tumulong sa pag hahanap sa aking kapatid pahihintulutan kita"saad ng dalaga at ngumiti dito at tumingin muli sa buong kaharian.
"Sobrang ganda mo ngayon gabi akong mahal"may bumulong sa kanyang tenga.
"Kobe!"gulat na saad niya.
"Pasensya na nagulat kita malahat na prinsesa"pag paunmanhin ng binata.
"Nagulat lamang ako"saad nito.
"Tayona't bumaba dahil mag sisimula na ang pag diriwang hinahanap kana ng iyong ama"saad nya.
LISHA'S POINT OF VIEW
"Nais ko muna dito upang makita ko mamaya ang pa putok sa langit ni ama tila maganda daw iyon"saad ko.
"Oh sya sasamahan kita"saad ni Kobe.
Ilang sandali ay may isang ilaw na sumabog mula sa langit ang ganda nito.
Humarap ako kay Kobe"Ang gandaa"saad ko na may malawak na ngiti sa labi.
"Ang gandaa"saad niya ngunit saakin naka tingin.
Nilapit niya ang kanyang muka saakin.Dinampi ng marahan ang kanyang labi sa aking labi.Tinugon ko ito.
"ATEE!"sigaw ng kapatid ko agad kong natulak si Kobe.
"Amanda"tawag ko.
"Wala akong nakita tawag ka ni ama hinahanap ka"saad niya at tumakbo na papalayo.
"Tayo na sa bulwagan"saad ko kay Kobe.Agad naman siyang sumunod hinawakan niya ang aking kamay.
Nang makarating na kami sa may bulwagan kong saan andoon si ama at ang mga bisita.
"Ito ang aking panganay na anak"pakilala sakin ni ama.
"Magandang dalaga noong huli kong kita sa kanya ay bata pa siya ngayon ay dalaga na tila ay may nobyo na"saad ng kaibigan ni Ama.
Ngumiti lamang ako.Patuloy sila sa pag uusap sa kong ako man.Nag paalam ako kay ama na kakain lamang ako.
Nakita ko ang Ina ni Alane"Tiya kamusta po kayo?"tanong ko.
"Ayos lamang hija kamusta si Alane bat hindi mo siya kasama sabi ng lalaki na kasama mo ay nasa unibersidad siya pakisabi ay nananabik na kaming makita siya"saad niya hindi pa pala niya alam ang nangyari kay Alane.
"Opo Tiya makararating po sa kaniya"saad ko nangingilid ang aking luha.
"Sigee hija mauuna nako may pag uusapan pa kami ng iyong ama"saad niya at umalis na.
Nag lakad ako papalapit kay Kobe"Ikaw ba ang nag sabi kay Tiya na buhay pa si Alane?"tanong ko sa kaniya.
"Hindi pa kami nakakapag usap baka si Kiro ang nag sabi"saad niya.Bakit sinabi iyon ni Kiro alam nakita ko siya noon ngunit may posibilidad na ibang tao iyon.
"Huwag kanang mag isip kailangan mo mag saya pag ayos na ay pareho nating hahanapin ang iyong kaibigan"saad niya at inalok ang kaniyang kamay upang mag sayaw kami.
Ang saya ko dahil andito siya ngayon,siya ang kasama ko hanggang sa dulo ng kwentong ito.
Sana ay maayos at magiging maayos na ang lahat sana ay wala ako sa isang panaginip dahil kong ito man ay panaginip wala na sanang gumising saakin.
Masaya ako sa kaniyang piling sana hindii ito mag babago.
"Mahal kita"sambit ko sa kaniyang tainga.
"Mahal din kita aking sinta,mahal na mahal kung pwede lamang baguhin ang nauna nating istorya ay aking babaguhin ngunit masaya ako'y dahil ika'y aking kapiling"saad niya at hinalikan ang aking labi marahan ko din itong tinugon.
"Nahanap na kita aking brilyante hindi kita hahayaang mawala"
__________________________________________________________________________________________________________
:Omg alyxous_babie tapos na sila Kobe at Lisha kakaiyak sana nagustuhan nyoo Advance merry Christmas iloveyou all see you CMD thank you sa pag subay bay.<3SORRY FOR WRONG GRAMMAR AND SPELLING.
Vote and comment if gusto nyong malaman ang next part(◍•ᴗ•◍)✧*。

BINABASA MO ANG
DS1:SHE'S MY DIAMOND (EDITING)
FantasiDIAMOND SERIES 1 HE FOUND HER DIAMOND Isang lugar na punong puno ng kasakiman sa kapangyarihan. Ngunit may dalawang pag mamahalan ang nabubuo. Mahahanap nila ang kinang ng bawat isa. Ngunit may humahadlang na isang madilim na nakaraan. Ang kadilima...