hope you’ll like it(◍•ᴗ•◍)
KABANATA 2
"ITIGIL ninyo yan" malumanay na saad ni Propesor Yuan. Ibinaba ko ang aking kamay ganon din si Alane at ang kanyang mga balisong. Hindi lamang siya mag isa dahil kasama niya sina Kobe at Kiro.
"Magandang Gabi Propesor Yuan" sabay naming bati ni Alane at tumungo kami bilang pag galang.
"Magandang gabi rin sa inyo mga binibini. Tila ay nagulat ko kayo, pasensya. Siya nga pala nais ko lamang sabihin sa inyo na may makakasama kayo sa inyong silid, ngunit huwag kayong mag alala dahil wala silang gagawin sa into masama at kung mayroon man maaari ninyong sabihin sa amin ito" saad nito ngunit siya samin at kumaway bilang hudyat na siya ay aalis na, nag laho na siya sa aming harapan.
"Mag papahinga na kami" saad ni Alane. Nag lakad na kami patungo sa aming pinaka silid upang mag pahinga na.
SOMEONE'S POINT OF VIEW
•NOONG nag laho si Kobe at Kiro
May dalawang lalaking kumatok sa silid ng Punong Opisyal ng Unibersidad. Hindi agad bumukas ang silid. Patuloy ang pag katok nika ngunit wala pa din.
Ngunit kahit ginamitin nila ang kanila kapangyarihan ay hindi din sila makakapasok ng silid. Tila abala ang kanilang Punong Opisyal.
Ang Punong Opisyal ang siyang na mamahala sa sa buong Unibersidad. Isa siya sa pinakamalakas na Enchantress sa kaniyang pinagmulan na bayan. Daan taon na siyang mamumuno sa Lumang Unibersidad. Noon ang Unibersidad ay isa sa pinaka matayog na paaralan ng Gravenia.
Dito ang aaral ang mga iba’t ibang makapangyarihan na maharlika na galing sa iba’t ibang nayon sa Gravenia. Ngunit dumating ang isang hamak na maharlika at kinuha lahat ng kapangyarihan na nababalot sa buong Unibersidad.
Bumagsak ito ng matagal na panahon. Ang mga maharlika ay wala man lang ginawa dahil naka paloob sila sa sumakop sa buong Unibersidad.
Ang mga natitirang Opisyal ang nag libot muli at humanap ng mga estudyante na nararapat mahubog ang kanilang kakayahan.
"Anong ang kailangan ninyo?" tanong ng munting tinig sa kanila ngunit hindi na sila nagulat sa ganoong tinig dahil na sanay na sila.
"Nais ko lamang pong makausap kayo Mahal na Enchantress" saad ng isang binata na may pag galang sa kanyang tinig.
"Wag na wag mo akong tawaging Enchantress pag nasa loob tayo ng Unibersidad" may galit sa tinig ng punong opisyal.
"Pasensya na po Punong Opisyal maari po ba kaming pumasok sa loob, may nais lamang po kaming itanong sa inyo" ani ng binata.
Nang bumukas ang pintuan ng silid ay agad na pumasok ang dalawang binata.
"Ano ang kailangan ninyo"saad ng Punong Opisyal.
Ngunit natigilan sila ng makita nila kung anong wangis ng Punong Opisyal. Hindi siya nag papakita kung kanino man sa kanyang tunay na wangis. Ibang ang wangis Enchantress na kanila tinatawag, gayundin ang kanilang Punong Opisyal.
"Napaka ganda ng iyong bagong wangis Mahal na Enchantress" nagulat ang dalawang binata nang kong sino pa ang naroon sa silid ng punong opisyal.
Tila ay napaka lakas ng bagong wangis ng Punong Opisyal"Maganda talaga ang wangis ng aking munting kapatid. Mas bagay ito sakin, hindi ba?" saad ng Punong Opisyal.

BINABASA MO ANG
DS1:SHE'S MY DIAMOND (EDITING)
FantasyDIAMOND SERIES 1 HE FOUND HER DIAMOND Isang lugar na punong puno ng kasakiman sa kapangyarihan. Ngunit may dalawang pag mamahalan ang nabubuo. Mahahanap nila ang kinang ng bawat isa. Ngunit may humahadlang na isang madilim na nakaraan. Ang kadilima...