DIAMOND SERIES 1
HE FOUND HER DIAMOND
Isang lugar na punong puno ng kasakiman sa kapangyarihan. Ngunit may dalawang pag mamahalan ang nabubuo.
Mahahanap nila ang kinang ng bawat isa. Ngunit may humahadlang na isang madilim na nakaraan. Ang kadilima...
Nang imulat ko ang aking mga mata, nakita ko ang napaka gandang gubat. Sobrang ganda nito. Kahit tila nakaka takot ay maganda ito. May bulaklak na kulay lila.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(GUBAT)
"Bakit ninyo kami dinala dito?" tanong ko sa kanila, ngunit hindi nila ako sinagot dahil dinadama nila ang ganda ng paligid.
"Lish, ano kaba damhin na lamang natin ang simoy ng hangin sa labas ng Unibersidad" nagulat ako sa sinabi niya.
Labas ng Unibersidad?Paano kami naka labas?Sa aking pag kakaalam may mahikang nakabalot sa buong Unibersidad unibersidad upang hindi makalabas ang sinong mang nasa loob na nito.
Hindi ko ipinakita sa kanila na ako'y nabigla, dahil baka kung anong isipin nila sa amin ni Alane. Baka kami ay mapahamak, kailangan pa din naming mag ingat.
G
inamit ko ang aking abilidad na maka kita ng enerhiya, upang alamin kung may iba pa kaming kasama. Ngunit bigo akong maka kita ng iba. Kami lamang ang naririto.
"Maganda ba?" bulong ni Kobe.
"Oo naman sobrang ganda, ngunit mas maganda pa din ang hardin sa loob" saad ko, hindi ako lumingon sa kaniya, ngunit nararamdaman ko na nakatitig siya sa akin.
"Kaya nga, ngunit nagustuhan mo ba?" tanong nito.
"Oo naman, sobra kong nagustuhan. Ngunit maari naba tayong bumalik" saad ko, ngunit tila kumunot ang kanyang noo.
"Nagustuhan ko siya Kobe, salamat ngunit baka mahuli tayo ng mga opisyal. Baka mapa alis tayo, ayokong mangyari iyon" saad ko.
"Hindi iyan nangyayari, kaya huwag kang mag alala" saad nito na nasa malamig na tono, bumabalik na naman siya sa pagiging malamig.
Nilapit ko ang muka ko sa muka niya, hindi naman kami makikita ng dalawa dahil medyo malayo sila sa amin.
Nang ilalapit ko ang muka ko sa kanya muka, bumalong ako sa kanyang labi. Napaka pila nito, agad kong nilapit ang labi ko sa labi niya ngunit mabilis lamang ito.
Nang lalayo na ako sa kanya ay agad niyang hinawakan ang pisngi ko at akmang hahalikan niya ako, ngunit bigla niya akong itinulak ako. Umiwas din siya. Napag tanto ko na may tatama palang isang punyal sa amin, muntikan na kaming matamaan.
Ginamit ko ang ang abilidad upang makita kung may iba pang eherniya, ngunit wala akong makita na iba. Katulad sila nila Kobe na hindi ko makita, ngunit nararamdaman ko.