hope you'll like it(◍•ᴗ•◍)
KABANATA 5
Naramdaman na ko na lamang na lumapat ang kanyang labi sa aking labi. Tinungon ko ang kanyang matatamis na halik.
Nang ilang sandali ay agad akong bumitay sa halik, nang matapos ay pareho kaming habol ng hininga.nang mag tama ang aming paningin ay lalong uminit ang aking pisngi.
Mabilis akong tumakbo papaalis sa hardin, ramdam na ramdam ko pa din ang kanyang labi sa aking labi. Agad akong tumungo sa aming gilid.
Nang makarating ako sa silid ay agad akong tumungo sa silid namin ni Alane. Humiga ako at tinabunan ang aking muka. Ramdam ko pa din ang init sa aking pisngi. Nararamdaman ko pa din ang kanyang malambot at ma pupulang labi.
"LISHA! Ayos ka lamang ba? Anong nangyayari sa iyo? Nasisiraan kana ba ng bait?" sunod-sunod na tanong ni Alane.
"At bakit naka takip ng unan ang iyong muka? Nasisiraan kana nga ata talaga bait" saad muli nito.
"Ayos lamang ako Alane" saad ko, hindi parin inaalis sa aking muka ang unan.
"Ano bang nangyayari sa iyo? Ba't ka nag kakaganiyan?" Saad nito at pilit niyang inaalis ang unan sa aking muka ngunit hindi niya ito na tanggal dahil pilit ko itong pinipigil.
Ramdam ko na wala na siya sa aking harapan. Ngunit na gulat ako ng umangat ang unan na aking hawak. Nang maalis ito ay agad akong umupo.
"Bakit namumula ang iyong muka?" tanong na naman niya at hinawakan ang aking noo.
"Wala ka namang sakit, ba't ka ba nag kakaganiyan? Anong nangyari? May nalaman na ba sila tungkol sa atin?" tanong nito, naka dami na siya ng tanong. May pag aalala na sa kanyang tinig.
"Hindi Alane, ayos lamang ako. Huwag kang mag alala, mamaya ko na lamang sasabihin ang lahat. Nais ko munang mag pa hinga" saad ko.
"Andami mo na saking utang na salaysayin, mamaya ay nais kong isalaysay mo lahat sa akin. Oh siya, mag pahinga ka na lamang" saad nito at umalis na sa aking harapan.
NAGULAT ako nang may tumapik akin. Si Alane lamang pala. Hindi ko na malayan na napa haba pala ang aking tulog.
"Tayo na't mag hapunan Lisha" saad nito at tila ay hihintay ako.
"Oo Alane mauna kana, susunod na ko" saad ko at sumunod na sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito" saad ko sa kanya, seryoso ang aking tinig. Tila gulat pa din ako sa aking nakita. Kilala ko ang aking kapatid, nararamdaman ko ang kanyang enerhiya.
Hindi kaya siya ang batang kausap ni Kiro?Hindi ako masyadong nag bigay ng pansin kanina kaya hindi ko nakita agad ang enerhiyang bumabalot sa kanya.
"Ate! Ano din pong ginagawa ninyo dito" saad nito na tila ay kinakabahan. Anong klaseng tanong iyan? Ano ba talagang ginagawa niya dito.
SOMEONE'S POINT OF VIEW
"Nag kita na ba silang dalawa?" tanong ng isang babae.
"Opo"
"Mabuti naman para sabay na silang mawala sa mundong ito" saad nito at tumawa.
Nakatingin ito sa isang mahiwagng ilog. Nakikita niya ang mga nangyayari, nakikita niya ang tensyon sa pagitan ng mag kapatid. Tila ay naguguluhan pa ang panganay kung bakit nariroon ang kanyang nakababatang kapatid.
"Ipatawag mo sina Kobe at Kiro. May ipapagawa ako sa kanilang dalawa. Alam ko na ang pagkatao nila. Isa silang maharlika sa kaharian ang Prosela. Ano ba ang kanilang ninanais? Wala silang mapapala dito katulad ng kanilang nila na nag subok din na pumasok dito." saad nito sa kanyang utusan.
BINABASA MO ANG
DS1:SHE'S MY DIAMOND (EDITING)
FantasyDIAMOND SERIES 1 HE FOUND HER DIAMOND Isang lugar na punong puno ng kasakiman sa kapangyarihan. Ngunit may dalawang pag mamahalan ang nabubuo. Mahahanap nila ang kinang ng bawat isa. Ngunit may humahadlang na isang madilim na nakaraan. Ang kadilima...