Chapter 26:

110 10 0
                                    

Kinabukasan maagang pumunta si Ayako sa gym para sabihin sa team na nakapasa sila Miyagi, Mitsui, Sakuragi at Rukawa.

Halos matuwa si Kim sa balitang sinabi ni Ayako. "Hay kinabahan ako dun akala ko di sila papasa hehehe." ngiting sabi ni Kogure.

Buti nalang mabuti naman kung hindi bukol sila sakin,sabi ni akagi.

Hahhahahaha sabi ko na nga ba henyo ako humanda kayo nandito na ang henyong si hanamichi sakuragi interhigh humanda ka hahahah,halakhak ni sakuragi.

Yabang mo pasang awa ka lang naman,seryosong sabi ni rukawa.

Wag ka ngang mayabang soro porket isa lang bagsak mo,inis na sabi ni sakuragi nabukulan naman siya ni akagi.

Tigil mo na yang kayabangan mo,sabi ni akagi.

Bat nauna yung umbag kesa sa paalam,sabi ni sakuragi.

"Ang gugulo talaga nila." mahinang sabi ni kogure.

Pagdating ng apat nakita ni Mitsui agad si Kim kaya lumapit ito. "Kim nakapasa ako hehehe." ngiting sabi ni Mitsui at niyakap si Kim.

"Oo alam ko teka lang Mitsui ang daming tao rito." nahihiyang sabi ni Kim.

"Hindi naman marunong mahiya yan eh hahaha." natatawang sabi ni Ryota.

"Kasi walang hiya sya." sagot naman ni Rukawa.

"Pwede ba umalis kayo dito panira kayo eh." inis na sabi ni Mitsui.

"Totoo naman kasi Mitchi hahaha." nang aasar na sabi ni Sakuragi.

"Hoy kayo dyan practice na." sigaw ni Ayako.

"Bumalik kana dun Mitsui mamaya na lang tayo mag usap." mahinang sabi ni Kim.

"Wala bang kiss pampagana hahaha." natatawang sabi ni Mitsui.

"Mamaya na lang kapag tapos na sige na Mitsui mag practice kana hehehe." ngiting sabi ni Kim

"Ayoko hanggat walang kiss walang practice." nakasimangot na sabi ni Mitsui.

"Gori si bungal ayaw mag practice oh hahaha." pagsusumbong ni Sakuragi kay Akagi.

"Sinong Gori?" tanong ni Akagi..

"Edi ikaw hahaha... Sino bang unggoy dito ikaw lang naman hahaha." natatawang sabi ni Sakuragi.

Dahil sa sinabi ni Sakuragi nakatikim sya ng umbag kay Akagi. "Sa susunod na tawagin mo pa akong Gori hindi lang yan ang aabutin mo." seryosong sabi ni Akagi.

"Ano Sakuragi ayos ka lang hehehe." ngiting tanong ni Ryota.

"Gung gong." mahinang sabi ni Rukawa at tinignan si Sakuragi.

"At Ikaw practice na tama na yan." bungad ni Akagi kanila Mitsui.

"Mag practice kana dun." utos na sabi ni Kim.

"Kiss muna hehehe." pangungulit ni Mitsui.

Hindi nag dalawang isip na bukulan ni Akagi si Mitsui "Aray bakit ba?" inis na tanong ni Mitsui kay Akagi.

"Tumigil kana sa kalokohan mo mag practice kana." seryosong sabi ni Akagi.

"Tong Gorilla na to." bulong ni Mitsui sa sarili..

Natatawa na lang si Kim dahil walang magawa si Mitsui kundi sumunod kay Akagi. "Okay malakas ang ating team." sigaw ng lahat.

Nang matapos ang practice game kanya kanya ng umuwi ang team at naiwan si Akagi para turuan si Sakuragi. "Ahm Kim pwede bang lumabas tayo sa sunday?" tanong ni Mitsui.

"Bakit ano bang meron sa sunday?" takang tanong ni Kim.

"Hindi mo alam?" tanong ni Mitsui.

"Hindi eh hehehe." ngiting sabi ni Kim.

"Akala ko alam mo sige wag na lang." nalulungkot na sabi ni Mitsui.

Naisip ni Kim kung ano nga bang magandang iregalo kay Mitsui dahil kaarawan nito sa linggo. Gusto sanang isurprise ni Kim si Mitsui kaya nagkunwari syang hindi nya alam ang kaarawan nito..

"Sabihin muna kasi kung anong meron sa sunday hehehe." ngiting sabi ni Kim

"Wag na di naman importante yun hahatid na kita." seryosong sabi ni Mitsui at hinawakan ang kamay ni Kim

"Nagtatampo kaba o galit kasi yung itsura mo parang di maipinta eh hahaha." natatawang sabi ni Kim..

"Hindi ako galit nagtatampo OO." sagot ni Mitsui.

"Bakit naman?" tanong ni Kim.

"Wala." sagot nya.

Natatawa na lang si Kim dahil alam nyang nagtatampo ang boyfriend nya. "Ang cute naman magtampo ng boyfriend ko hehehe." ngiting sabi ni Kim.

"Tagal na akong cute gwapo pa." nagyayabang na sabi ni Mitsui.

"Feeling mo hahaha halika ililibre kita ng Ice cream para lumamig yang ulo mo...

"Wag na ayoko ng Ice cream gusto ko ikaw." sagot ni Mitsui.

"Hehehe loko loko ka halika na...

Hinalikan ni Mitsui si Kim sa pisngi sabay yakap. "Mahal na mahal kita Kim." bulong ni Mitsui kay Kim.

"Mahal din kita bakit parang nagpapaalam ka....

"Gusto ko lang sabihin sayo araw araw na mahal kita baka kasi kapag wala na ako diko na yun masabi basta lage mo tandaan mahal kita." seryosong sabi ni Mitsui at niyakap ng mahigpit si Kim.

Ano nga bang problema ni Mitsui na hindi nya masabi kay Kim..

TWO WORLD COMBINE(HISASHI MITSUI#14)CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon