Noon pa man mabagbiro na talaga si Mike. Siya ang nagdadala ng ngiti sa mga labi ng mga taong nakapaligid sa kanya. Pero isang araw, siya naman ang biniro ng tadhana. Nagising ang nobya niyang si Jamie na hindi maalala ang lahat ng napagdaanan nila. Kasabay ng pagkalimot ng isip ni Jamie ay ang pagkalimot din ng puso niya. Ibibigay ba ni Mike ang kalayaan ni Jamie o mananatili siya sa tabi nito hanggang sa maalala ng puso't isip niya ang lahat tungkol sa kanila?