"Excuse lang po." Sabi ko at tumayo. Pupunta ba akong cr? O aalis nalang? Pag umalis ako, kabastusan sa pamilyang Montero yon. Pero anong gagawin ko pag dumating si Jaze? Nagulat ako ng pag daan ko ay biglang tumugtog ang mga musician. Mga nag va-violin. Sakto na nasa may bintana sila kaya nakita ko mula sa kabilang building. Si Jaze, nakatayo doon sa terrace at may nakasabit na 'marry me' sa tarpulin. Anong gagawin ko? Paano pag nakita ni Blake ito? Aalis na sana ako kaso pag lingon ko, nakita ko si Blake. Nakaluhod sa harapan ko habang may hawak na box na may singsing. Anong gagawin ko? Dalawang lalaki ang nag po-propose ngayon sakin sa gabing ito? "Marry me, Cheska." Sabi ni Blake. paano ito? sino ang sasagutin ko sa kanilang dalawa? ------ No bad comments are allowed. Plagiarism is a crime.