Nasira ang honeymoon night ni Naya nang sa mismong gabing iyon ay namatay ang kanyang newly wedded husband na si Brody. He is all she ever had. More than that, he is a family na hindi siya nagkaroon kahit kailan. She was really shattered and almost die sa pagkawala nito. Mas matindi ang pighati ang nadarama ng kanyang mother in law na si Marilyn Zaragoza na mag-isa na rin gaya niya. Kinapitan nila ang isa't-isa at nangako na hindi ito iiwan at mananatiling daughter in law nito. Lalo pa siyang naging committed na hindi ito pabayaan dito nang malaman niya na may taning na rin ang buhay nito. Ngunit nang malaman niya na may isa pa itong anak ay nag-udyok iyon sa kanya para matulungan ito na makabawi dito pero hindi iyon madali dahil sa mga gusot ng nakaraan. Arogante at puno ng pait ang ugali ng anak ng kanyang mother in law, si Cody Matthew na isa sa mga promising Entrepreneur ng bansa. At halos walang pinagkaiba ang guwapong mukha nito sa mukha ng kanyang namayapang asawa. Handa niyang gawin ang lahat para magkaayos ang mag-ina pero bakit nakadarama siya ng pagtataksil at unfaithfulness kapag kasama niya si Cody? Magustuhan kaya siya ng pinakaimposibleng tao na nakilala niya sa buong buhay niya? Paano kung may kinalaman ito sa pagkamatay ni Brody?
46 parts