Melchora Kabayan, fondly known as Mela Raketera, is the family's bread winner. Palibhasa panganay kaya lahat ng pressure ay napunta sa kaniya, at siya na rin ang tumayong magulang para sa dalawang kapatid niya. Wala siyang panahon para sa isang relasyon dahil sa mga responsibilidad na naipasa sa kaniya, lalo na't minsan nang nawasak ang puso niya. Kaya naman gino-ghost niya ang mga lalaking nagpaparamdam o nagpapakita ng interest sa kaniya. Not until Dr. Hanziel "Hanz" Montesilva came into her life. Gustuhin man niyang i-ghost ito ay hindi niya magawa dahil magkatrabaho sila. Mabago kaya ang tingin niya tungkol sa mga lalaki at sa pag-ibig dahil sa guwapo at makulit na doktor na ito?