Kabanata VII

111 7 2
                                    

Tinignan ko lamang ang mga namumulang pisngi ni Amihan habang nakayakap pa rin ako sa kanya dahil hindi pa kami nakakarating sa kanilang tahanan

Tinitigan ko ang kanyang wangis mula sa kanyang maputing balat na napakakinis at parang nyebe. Ang kanyang mga kilay na tama lamang ang kapal at bagay na bagay sa kanya. Ang mga pilikmata nyang napakahaba at nakakurbang pataas. Ang mga mata nyang kasing-kulay ng tsokolate. Ang ilong nyang tama lamang ang laki at tangos. At ang kanyang mga labi na sobrang pula at mukhang napakalambot at masarap halikan.

Napalunok naman ako sa naisip ko na yun. Ano ka ba naman Ybrahim kalapastanganan ang iyong naiisip. Pero ano nga kaya ang pakiramdam kapag dumampi ang mga labi ko sa kanyang mga labi.

"Ehem" Naputol ang aking paguusisa sa kanyang wangis ng bigla syang tumikhim

"Rehav Ybrahim baka matunaw naman ako sa iyong mga titig" Sabi nya at tumingin sakin na parang nahihiya at yumuko

Natauhan naman ako sa sinabi nya na yun at tiningnan ang paligid nakalapag na pala kami

"Ehem.. Uh Poltre Amihan" Tumikhim muna ako bago ko sinabi ang pagpapatawad at humiwalay na kay Amihan dahil baka kung ano pa ang isipin nya

"Ybrahim" Tawag sakin ng aking ama at ngumiti ng makahulugan na para bang sinasabi na nakita nya ang ginawa ko

Ngumiti lang ako ng pilit sa aking ama at bumaba na inilahad ko naman ang aking kamay sa harap ni Amihan upang ipabatid na nais ko syang alalayan sa pagbaba kaya hinawakan nya naman ang aking kamay at ginawa itong gabay para makbaba sya

"Avisala Eshma Ybrahim..ang ibig kong sabihin ay Rehav Ybrahim" At ngumiti sya sa akin na ginantihan ko din ng matatamis na ngiti

Tiningnan ko ang aking ama at nakita ko naman na nakababa na din sya sa kanyang Argona

"Rehav Ybrahim, Rama ito po ang aming munting tahanan" Sabi ni Amihan sa amin at ipinakita niya ang kanyang tahanan

Napakaganda nito maliit man ngunit napapalibutan ito ng mga halaman na punong puno ng bulaklak at may mga paro-paro at maririnig mo din ang mga huni ng ibon dito

"Napakaganda ng iyong tahanan Amihan" Sabi naman ng aking Ama

"Pumasok na po tayo at tatawagin ko din po ang aking Ina" Sabi ni Amihan at ginabayan kami sa pagpasok sa kanilang tahanan

Amihan P.O.V.
Agad ko naman silang pinapasok sa kanilang tahanan at pinaupo sa mga upuan na nasa aming bahay

Tiningnan ko naman ang Rehav bago umalis upang tawagin si Ina

Ang mga titig ng rehav kanina sa akin..di ko maipaliwanag ang aking nadarama tila ba lalabas na ang aking puso sa aking dibdib kanina. Anong ibig sabihin yaon? Nagugustuhan ko na ba ang Rehav ng Sapiro? Ngunit hindi yun maari isa lamang akong pangkaraniwang engkantada at isa naman syang rehav kaya wala talaga akong magiging pag-asa sa kanya.

Agad na winaksi ko ang aking mga nasa isipan upang tawagin ang aking Ina

Nakita ko naman sya na nagsisibak ng kahoy sa likod ng aming tahanan

"Ina" Tawag ko sakanya

"Ano't ginabi ka sa iyong pagtungo sa kapatagan?May nangyari ba sa iyo?May sugat ka ba lumapit ka ng dito at ako ay nagaalala sa iyo anak" Sabi nya sa akin ng sunod-sunod

"Ina walang nangyari sa akin at wala akong sugat nakakuha na rin ako ng mga kahoy at prutas na makakain natin at marami rami ito kaya di ko na kailangan bumaba sa kapatagan para manguhuli sa mga susunod na linggo" Sabi ko sa kanya para naman tumigil ang pagkabalisa nya dahil nakikita ko na natutuliro na naman ito dahil sa pag-aalala

Lumapit sya sa akin at hinawakan ang aking mga pisngi

"Poltre anak kung labis akong nag-aalala sa iyo hindi ko lamang maisip ang aking buhay kung mawawala ka sa akin hindi ko kakayanin anak mahal na mahal kita" Sabi naman nya at parang naluluha na

"Ina wag po kayong lumuha naiintindihan ko po mahal na mahal din po kita Ina" Sabi ko naman at niyakap sya para mawala na ang takot na kanyang nararamdaman

Ng tumigil na sya sa pagtangis ay agad kong naalala ang rehav at ang rama na nagiintay sa amin sa aming sala kaya agad ako humiwalay sa pagyakap sa aking Ina at hinarap sya

"Ina, May panauhin nga po pala tayo Ina" Sabi ko sa kanya kaya agad namang kumunot ang kanyang mga noo

"Panauhin? Sino sila anak?" Sabi sa akin ni Ina

Kaya naman hinatak ko sya papunta sa aming salas para makita nya ang aming panauhin

"Rama, Rehav Ybrahim" Tawag pansin ko sa kanila kaya naman agad silang tumingin sa amin ng aking Ina

"Ito po ang aking Ina patawad po kung napaghantay po namin kayo" Sabi ko at yumuko

"Rama?Rehav? " Tanong ng aking Ina at humarap sa akin

"Ina sila ang Rama at Rehav ng kaharian ng Sapiro" Sabi ko sakanya

Tumayo naman si Haring Armeo at lumapit kay Ina

"Ako nga pala si Armeo ang hari ng Sapiro" Sabi nito at ngumiti sa aking Ina

"Lila Sari ang aking ngalan " Sabi naman ni Ina at ngumiti dito

"At ako naman po"Sabi ni Rehav at tumayo sya ngunit ikinabigla ko ang bigla nyang pag akbay sa akin " Si Ybrahim ang Rehav ng Sapiro pero puwede nyo din po akong maging anak kung papayag kayong ipakasal sa akin ang inyong anak" Sabi nya at tumingin sa akin at ngumiti ng pagkatamis-tamis na siyang ikinayuko ko dahil alam ko na namumula ako

"Ybrahim" Tawag na may tono ng pagbabanta sa kanya ni Haring Armeo kaya inalis nya naman ang kanyang mga kamay sa aking mga balikat

Natawa naman ang aking Ina sa inasta ni Ybrahim at ng kanyang ama tsaka nagsalita

"Sige ba Ybrahim pero kung yun ay papayagan ng iyong ama dahil nakikita mo naman na isa lamang kaming pangkaraniwang encantada at kayo naman ay may dugong bughaw" Sabi ni Ina at tumingin kay Haring Armeo na naging dahilan kung bakit lalong namula ang aking mga pisngi

"Kinikilig ka noh napakaganda mo lalo na tuwing namumula ang iyong mga pisngi " Nagulat ako ng may bumulong sa akin kaya naman napalingon ako dito at hindi ko inaasahan na sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa kaya napatingin ako sa kanyang mga mata ganon din sya sumunod sa kanyang mga ilong pababa sa kanyang mga labi kaya di ko namalayan na unti unti na pala kaming lumalapit sa isa't isa
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pabitin muna mga apweee matutuloy kaya ang kiss nila hmmmmmm???

Isa Pang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon