So uh basta katuloy po ito ng flashback ni Amihan sa karanasan niya sa mundo ng mg tao yeah enjoy readingggg Road to 400 reads na tayo kyaaaahhhh maraming salamat sa inyooooooo
_
_
_
_
_
_
_Sabay sabay silang sumugod sa akin at wala akong ibang ginawa kundi sumalag sapagkat sinusubukan ko din ang aking bilis at liksi ngunit di ko naman sila sasaktan kaya panay iwas lamang ang ginagawa ko
Nakita k naman na sumugod ang isa duon sa babae ngunit mabilis lang itong naka-ilag at nakipag laban din dito
Maya-maya pa'y dalawa na pala kaming lumalaban sa mga lalaki sangga at ilang lamang ang ginagawa ko tulad kanina wala pa rin akong balak na umatake ngunit dahil na rin siguro sa pagod ay napansin kong bumabagal na sila
Sabay sabay sila sumugod sa akin kaya napaikutan nila ako ngunit mabilis akong tumalon papunta sa likod nila ako lang naman ang pinaikutan nila kaya nasa labas ang babae
Agad ko silang sinipa sa likod dahilan para magtumbahan sila kasama ang iba nilang myembro sa bilog
Kaya namang magkaka-patong sila agad namang tumakbo ang babae at umapak patungo sa tuktok nila
"Oh ano kayo ngayon huh matulog na kayo" Sabi niya at isa isang sinuntok ang magkakapatong na katawan ng mga lalaki
Dahil nga sa pagkakapatong patong at sa pag-akyat ng babae ay di na nila magawang sumalag at agad na silang natamaan ng kamao ng babae sanhi ng agaran nilang pag-katulog
Bumaba naman ang babae ng makitang nakatulog na ang mga ito at tumakbo patungo sa akin
"Oyyyy salamat hah ang angas moooo saan mo natutunan makipag-laban?" Sabi niya at tuwang tuwa pa
"Nag-sanay lamang ako" Sabi ko sa kaniya at napa-ngiti siya
"Ako nga pala si Izzy" Sabi niya at inilahad ang kamay sa akin
"Amihan ang aking ngalan" Sabi ko at inabot ang kamay niya inalog niya naman ito
"Nga pala taga-saan ka pala?" Sabi niya habang nag-lalakad kami paalis sa lugar na yun
"Sa bundok ng mga yaesa" Sabi ko habang sinusundan siya
"Huh taga-bundok ka kaya pala di mo alam mag-english" Napa-tamgo tango na lamang ako kahit di ko alam ang ibig sabihin na english na sinabi niya
BINABASA MO ANG
Isa Pang Pagkakataon
FanficYbramihan fanfic Different story Author's what if's please support.