Narrator's P.O.V.
Sa dalampasigan sa pagitan ng Sapiro at Adamya nakahanay ang kampo nina Hari ng Hathoria at ni Haring Armeo ng SapiroMatalas ang tingin ng bawat hari sa isa't isa. Ang kanilang mga kawal ay alerto sa bawat galaw mula sa himpapawid hanggang sa kalupaan. Halos limang minuto ng mag-kaharap ang mga ito nag-hihintay ng pasya ng kanilang mga pinuno kung sino ang unang susugod.
Samantala isang babae ang patalon-talon sa mga puno mabilis ang kaniyang galaw halos maihahalinntulad na siya sa galaw ng mga hayop. Bawat madadanan niyang kalaban ay agad na namamatay ang nais niya'y makapunta sa lugar ng labanan.
Isa, Gumalaw ang tungkod ng dalawang hari
Dalawa, humampas ang malakas na hangin
Pangatlo, Unti-unting inihanda ang kanilang mga sandata
Pangapat, bumuka ang bibig ng dalawang mashna
Panglima, "PARA SA SAPIRO" sigaw ng Haring Armeo. "PARA SA LIREO" sigaw ng Rehav Raquim
Panganim, "ATAYDE HATHORIA" sigaw ng Prinsipe Hagorn "ATAYDE HATHORIA" sigaw ng mashna Agane
Pag-katapos nun ay muli na ngang nag-simula ang labanan. Sigaw, daing, tunog ng mga mga espada, pag-sabog dito pag-sabog doon. Tibok ng mga puso ng mga kawal na walang takot ialay ang kanilang buhay para sa kanilang kaharian.
Samantala, "Mukhang na huli na ako nag-sisimula na silang lumaban. Kailangan kong tulungan ang Hari" Sabi ni Amihan tsaka mas binilisan pa ang pag-talon talon sa mga puno upang agad na makarating sa dalampasigan
"Bakit nyo ginagawa ito?Pantay pantay ang kapangyarihan na ibinigay sa atin ng Hara Dure ngunit bakit nais niyong maging sakim kaysa piliin ang kalayaan" Sabi ng Rehav Raquim kay Hagorn habang nag-papalitan sila ng atake
"Dahil nais naming mag-hari sa Encantadia. Maging makapangyarihan sa lahat. At ito ang tandaan mo Raquim mang-yayari ang lahat ng iyon" Sagot dito ni Hagorn at tsaka umindayog ng malakas at iwinasiwas ang sandata kung kaya't nasugatan ang Rehav Raquim
Tumalon si Amihan sa kumpol ng mga hathor
"Tila napakadami niyo naman rito di naman siguro kayo magagalit kung babawasan ko kayo hindi ba?" Agad na nag-silingunan sa puwesto niya ang mga hathor
Agad na sumugod sa kaniya ang mga ito ngunit mabilis lang din niyang nakikitil ang buhay ng mga hathor na sumugod sa kanya
Napakagaling ng kaniyang mga galaw na tila ba isang hangin lamang ang dumaraan sa mga hathor na agad na nagiging dahilan ng pagkamatay nila
Napakaraming sandata na rin ang kaniyang nagamit kung kaya't pag titignan mo ang lugar niya ay puro nakapaikot na mga hathor at nakakalat na sqndata lamang ang gamit ang iyong mamataan
Dahil sa dami ng nabawas sa mga Hathor ay napansin na rin ito ng Kampo ng Sapiro at ng Hathoria
Agad nilang nilingon kung san nanggagaling ang malakas na puwersa na unti unting umuubos sa mga hathor isa lang ang nasabi ng Hari ng Sapiro
Ang"Amihan" Ngalan ng dilag na siyang umuubos sa libo libong kawal ng Hathoria
Samantala,,,
"Ano bang pinag-sasabi mo" Ani ng Prinsipe Ybrahim na may bahid ng galit sa kaniyang boses
"Totoo naman diba ikaw ang dahilan kung bakit kailanman di na muling nagbalik ang aking Amihan" Nagngingitngit na sabi ng ni Arcerus at mas lalo pang diniinan ang sibat sa leeg ni Ybrahim
Unti-unting sumibol ang apoy sa mga mata ni Ybrahim at agad na hinawi ang sibat na nakatutok sa kaniya
"Tigilan mo ang pag-tawag kay Amihan ng ganiyan hindi siya sayo, at hinding hindi siya magiging sayo" May diin sa bawat salitang binanggit ng Prinsipe
"Hahaha, bakit ba naggalit ka sayo ba siya?" Sarkastikong sabi ni Arcerus
"Hindi bagay si Amihan kaya walang puedeng umangkin sa kaniya, kaya tigilan mo yang sinasabi mo ang mahalaga hanapin natin si Amihan baka mapahamak siya" Sabi ni Ybrahim at nagsimula na mag-ligpit ng gamit nya
"Teka teka ganun na lang yun tingin mo ba talaga na pababayaan kitang maging tagapagligtas ni Amihan ang maging bida dito" Sabi ni Arcerus sa kaniya at muli na namang tinutok sa kaniya ang sibat nito
"Wala akong sinabing gusto kong maging bida ang nais ko lamang ay masigurong ligtas siya" Sabi ni Ybrahim at patuloy na inayos ang kagamitan at isinuot kaniyang damit
"Ang angas mo ren noh walang dudang prinsipe ka nga" Sabi ni Arcerus at inayos na rin ang kaniyang sarili
Habang palabas sila sa kuweba ni Amihan. ay di na rin mapigilan ni Ybrahim na tanungin si Arcerus kung bakit tila galit na galit ito sa tulad nilang maharlika
"Arcerus" Tawag nito sa kaniya "oh bakit" Sagot nito ngunit hindi pa rin nalingon ito sa kaniya
"Bakit ba tila galit na galit ka sa mga katulad ko" Sabi ni Ybrahim
"Anong ibig mong sabihin" Sabi ni Arcerus habang patuloy pa rin sa pag-lalakad
"Bakit ba tila galit ka sa tulad kong dugong bughaw?"sabi ni Ybrahim dito na agad namang nakapag-patigil kay Arcerus
" Wala ka na don." Galit na sabi ni Arcerus at mas binilisan pa ang pag-lalakad
"Ba-" Naputol ang sasabihin ni Ybrahim ng makarinig sila ng malakas na tunog ng isang trumpeta
"Ano yun" Sabi ni Arcerus
"Hindi ko din alam kita mo namang magkasama tayo hindi ba" Sagot ni Ybrahim na naging dahilan ng masamang tingin ni Arcerus sa kaniya
"Tsk puntahan na lang natin baka nandun si Amihan" Sabi ni Arcerus kaya agad naman silang nagpunta kung saan nanggagaling ang tunog ng trumpeta
Sa kabilang banda...
Unti unti ng naubos ang mga hathor at naglalaban na ang dalawang hari
Ang Haring Arvak at ang Haring Armeo ay nagpapalitan ngwasiwas ng kanilang sandata. Wala sa isip nila ang sumuko at magpatalo.
Nasa isip ng Haring Arvak na hinding hindi siya mag-papatalo kay Armeo. Siya ang magiging Hari ng buong Encantadia. Siya ang nararapat na humawak ng apat na makakapangyarihang brilyante.
Nasa isip naman ni Haring Armeo na kailangan niyang mapaslang si Arvak upang maitigil ang kaguluhan. Ang maprotektahan ang Sapiro. Ang maprotektahan ang buong Encantadia
Sa kabilang banda..
Wala na ni isang nakatayo sa lahat ng Hathor na sumugod kay Amihan
Puno na rin ng galos si Amihan at isang malalim na sugat sa kaniyang hita kung kaya't paika-ika na rin siya at hindi ng nag-tagal ay bumagsak siya na siya ring kasabay ng pagtunog ng isang trumpeta
.
.
.
.
.
.
.
.
.Hallo gaiz I'm back owemji sorry sobrang tagal hays sisikapin ko po na magupdate na po always sana po patuloy niyo pa din pong suportahan ang kuwento ng ating pinakamamahal na Ybrahim at Amihan dito sa Isa pang Pagkakataon share nyo na den slpo sa mga ka-KyRu's naten gaiz
Kung ang story na toh may comeback syempre ang KyRu den wag tayo mawalan ng pag-asa gaiz sabay sabay tayong maghintay HAHAHA
Lovelots,
Author
BINABASA MO ANG
Isa Pang Pagkakataon
FanfictionYbramihan fanfic Different story Author's what if's please support.