Hoiii nakakatamad maghintay ng vlog ng KyRu kaya i-ud na lang naten toh muehehe
.
.
.
.
.
.
Sa pagtunog ng trumpeta ay siya namang pagkarating ni Rehav Ybrahim at ni Arcerus sa dalampasigan kaya agad na bumungad sa kanila ang nakabagsak na katawan ni AmihanAgad naman itong nilapitan ni Rehav Ybrahim ngunit ng siya ay nalalapit na sa kinaroroonan ni Amihan ay natigil siya sapagkat sumalpok sya sa isang pader na gawa sa hangin na unti-unting pinaliligiran ng itim at puting usok
"Anong nangyayari Ybrahim bakit hindi mo pa lapitan si Amihan" sabi ni Arcerus na agad namang tumakbo sa kinaroroonan ni Amihan ngunit katulad ng nangyari kay Ybrahim ay Tumalsik kamang siya dahil sa Hangin na Pader
Muling sinubukan lapitan ng dalawa si Amihan sapagkat sobra na silang nag-aalala sa itim at puting usok na nasa loob ng pader na pinalilibutan ang puno ng galos na nahimatay na sa pagod
"AMIHAN" Sigaw ni Ybrahim kasabay non ay napuno ng itim at puting usok ang kinaroroonan ni Amihan
Amihan P.O.V.
"Nasan ako anong lugar toh" sabi ko sapagkat di ako pamilyar sa mga nakikita ko
Nahahati lang ito ng liwanag at dilim wala ng kung ano pang bagay
"Amihan" rinig kong tawag sa akin ng isang babae? Sa kaliwa ko kung nasaaan ang dilim ay nakita ko ang isang babaeng naka-itim at umiilaw ang kaniyang mga mata
"Sino ka? " tanong ko naman rito
"Di mo na ako kailangang kilalanin pa pero isa lang ako sa iyong magiging gabay" sabi nito kahit di naman nabuka ang bibig tila sa isip ko lamang siya nakikipag-usap
"Gabay saan? Saan mo ako gagabayan? " tanong ko rito sapagkat tunay akong naguguluhan sa sinasabi niya
"Gabay sa pag-gamit ng kapangyarihan mong dilim" pagkatapos niya itong sabihin ay muli ng nag-liwanag ang lahat
Ybrahim P. O. V.
Alalang alala na ako para sa kalagayan ni Amihan hindi pa rin nawawala ang puti at itim na usok na bumabalot sa kaniya
Ni hindi ko nga rin alam kung naroon pa ba sya sa loob ng usok na yon
Maya maya pa ay napansin ko ang pag-iiba ng kulay ng usok na bumbalot kay Amihan at nagiging purong itim na ito
Sa kabila ng nang-yayari ay patuloy pa rin ang labanan ng Sapiro at Hathoria kaya hindi ako makalaban ng ayos sapagkat nakatutok ang paningin ko sa kinaroroonan ni Amihan
"Argh" angil ko sapagkat hindi ko nakita ang sumugod sa aking Hathor at nasugatan ako nito
Sinaksak ko naman ito kaya namatay na ito bigla nagulantang naman ang lahat ng bigla na lang magdilim ang langit
Walang mababakas na liwanag dito tila naging gabi bigla dito sa Encantadia
Sa kabilang banda...
3rd Person P. O. V.
"Ina anong nangyayari bakit tila nag-dilim ang langit? " ang tanong ng Sang'gre Alena sa kaniyang Inang si Minea
"Hindi ko rin alam anak ngunit hindi maganda ang tingin ko rito" tugon naman ni Minea sa kaniyang anak
Napuno ng takot ang mukha ng bawat encantada at encantado sa buong Encantadia
Cassiopeia P. O. V.
Naganap ng ang itinadhana nabuhay na ang kapangyarihang dilim ni Amihan na siyang mag-kokontrol sa kaniya
Masama ito.. Hindi puwedeng kainin ng kadiliman ang itinakda magbabago ang bugna niya
Kinuha ko ang ginto kong pulbura at muling isinaboy sa kawa ko upang makita ang kinaroroonan ni Amihan
Nababalot pa rin ng dilim ang paligid nito ngunit nakikita ko na napalitan ng ang kasuotan nito
At binalot na rin ng mga itim na ugat ang mukha nito maya-maya pa ay nagbukas na ito ng mata ngunit imbis na natural na mata ay puti lamang ito at nagliliwanag rin
Umahon na sa usok si Amihan at mababatid sa mukha nito ang binabalak nitong kasamaan
Ybrahim P. O. V.
Hindi nagtagal ay muli ng nagpakita ang katawan ni Amihan ngunit iba na ang Kaniyang itsura
Binabalot siya ng itim na tela na dikit na dikit sa hubog ng katawan niya, ang dating may kulay niyang buhok ay naging purong itim na rin
Ang mukha niya'y punong puno rin ng itim na ugat, at ang kaniyang mga mata ay kulay puti at umiilaw
Nakakatakot ang kaniyang dating tila may masamang binabalak sa lahat ng naririto
Hindi rin nawawala ang ngisi sa kaniyang mukha na tila ba nag-sasabing
"Dito na magtatapos ang buhay ninyong lahat"
Pagkatapos nuon ay bigla na lamang lumabas ang tila mga anino sa paanan ng mga hathor at pumaikot sa mga ito
"Masyado niyong sinaktan ang aking alaga mga Hathor, mga mababang Hathor, mga sakim kayo magugustuhan ko sana ang inyong kasamaan ngunit sinira niyo yun dahil sa kamangmangan niyo" sabi ni Amihan ngunit iba ang boses na lumalabas dito malalim na boses ng isang babae nakakatakot
Kada salita nito ay tumutunog din ang langit kasabay ang pag-kidlat at kulog
"Ssheda Amihan" biglang sabi ng kung sino na hindi namin kilala
Bigla namang tumawa si Amihan na nakalutang pa rin sa ere kasama ng mga hathor na binabalutan pa rin ng kapangyarihang itim na nagmumula kay Amihan
"Cassiopeia hahaha alam mo at alam ko na hindi ako si Amihan.. Nakalimutan mo na ba ako kaibigan?" Sabi nito na ikitanaka naming lahat
"Sanctre! Tigilan mo ito alam mong hindi maari ang ginagawa mo" sigaw muli ni mata? Ang hara durye ng Lireo
"Mabuti at kilala mo pa ako Cassiopeia" sabi naman nito at muling tumawa
"Tigilan mo ito hindi ka puwedeng makialam sa buhay ng mga nabubuhag" sabi muli ni Cassiopeia
"Hah! Ito ang tandaan mo hinding hindi ko hahayaang muling magpakita si Ivneshe" sabi nito kasabay nun ay muling nagliwanag ang langit
Nawala na rin ang itim na bumabalot kay Amihan at pati na rin sa mga hathos kaya agad silang nagbagsakan
Tumakbo ako sa kinaroroonan ni Amihan upang saluhin siya at nagtagumpay naman ako
Hawak hawak ko sa aking bisig si Amihan na unti-unting nagmulat ng mata at tumingin sa akin
"Amihan, gising ka na pala ayos ka lang ba? " tanong ko rito ngunit hindi ito sumagot bagkus ay lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking mukha
Maya-maya pa'y naramdaman ko ang labi niya sa aking mga labi kaya naman agad ko itong tinugunan
Siya ang unang humiwalay at sinabing "E correi" ngumiti siya at muling bumagsak ang kaniyang mga mata
"Amihan? Amihan? Amihan"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Okay sorry antagal kooo mag update huhu pero here it isssss
Stream Teaser vlog ng KyRu
Tas sa Thursdayyyy na ilalabas yung vlog go gaizzz
BINABASA MO ANG
Isa Pang Pagkakataon
FanfictionYbramihan fanfic Different story Author's what if's please support.