Kabanata VI

130 5 0
                                    

..Amihan ang aking ngalan rehav,rama" Pagpapatuloy ng babae sa kanyang sinasabi

"Amihan..napakagandang pangalan" Sabi naman ng rehav ng sapiro habang nakatingin pa rin sa kanya

"Avisala eshma sa pagtulong mo sa amin Amihan" Sabi naman ng rama ng Sapiro

"Walang anuman po iyon rama" Tugon ni Amihan sa Rama ng Sapiro

"Poltre rehav, rama ngunit kailangan ko na pong umalis sapagkat naghihintay na sa akin ang ina at nakikita ko na din ang aking argona na papabalik na dito" Sabi ni Amihan

"Ngunit maari ka ba naming ihatid na lamang sa iyong tahanan?sapagkat nais pa sana naming makilala ka" Savi ng rehav ng Sapiro "Hindi ba ama?" Patuloy nya pa at tumingin sa kanyang ama na para bang nanghihingi ng permiso na sangayunan sya

"Oo nga Amihan, nais ko ding makilala ka kaya't maari bang bigyan mo kami ng pagkakataon upang masamahan ka pauwi sa iyong tahanan?" ngumiti ang rama pagkatapos itong sabihin kay Amihan

"Ngunit, Rama itatanong ko muna sa aking alagang Argona kung kaya nya tayong isabay lahat" Sabi ni Amihan at humarao na sya sa kanyang alagang argona na tila ba nakikipagusap sya rito

Amihan P.O.V.

Kinausap ko ang aking argona kung makakaya nya ba kaming ilipad na tatlo sa kadahilang nais ng rehav at ng rama na sumama sa akin na labis kong ipinagtataka sapagkat sa pagkaka- alam ko na sila ay sakay ng kanilang karwahe papunta sa lireo ngunit ano pa nga bang magagawa ko ang nais nila ay sumama sa akin at sino ba naman ako para tanggihan ang kahilingan ng mga kamahalan

"Oo amihan makakaya ko kayo ng rehav ngunit ang rama ay maari bang pasakayin na lang natinsa isa mo pang kaibigan na argona?" Sabi sa akin ng alaga kong argona hindi ko din alam kung paano ko sila naiintindihan ngunit simula ng bata pa lamang ako ay naiintindihan ko na ang pananalita ng mga pashnea sa ming lugar

"Sige sasabihin ko sa rama ng Sapiro ang iyong nabanggit kaibigan" Sabi ko sa alaga kong argona

Ybrahim P.O.V.

Nakikipagusap si Amihan sa kanyang argona

Agad naman akong nagtaka sapagkat sabi nya sa amin kanina ay hindi nya alam kung ano ang lahi na kanyang pinagmulan ngunit kaya nyang kausapin ang alaga nyang argona?hindi kaya't isa syang Sapiryan

Lumapit ako sa aking ama upang bumulong sa kanya

"Ama pagmasdan mo si Amihan hindi ba't sabi nya na di nya alam ang lahing kanyang pinagmulan ano't kaya nyang makipagusap sa pashneang alaga nya?" Tanong ko sa aking ama "Hindi kaya at isa syang Sapiryan ama?" Tanong ko sakanya

"Ganyan din ang aking nasa isipan Ybrahim tila nga isa ayang sapiryan dahil sa kakayahan nyang makipagusap sa mva pashnea" Sabi sa akin ng aking ama at kitang kita sa kanyang mukha ang pagkaseryoso

Pinagmasdan ko lamang si Amihan habang nakikipagusap sya sa kanyang Argona

Napakaganda talaga ni Amihan..Unang beses ko pa lamang masilayan ang napakaganda nyang mukha ay tila nabihag na nito ang aking puso idagdag pa ang kanyang kabaitan walang katumbas at mga ngiti nyang mas maliwanag pa sa sikat ng araw na syang nakakapagpabuhay sa akin..

"Mahal na Rama" Tawag ni amihan sa aking ama

"Sabi po sa akin ng aking argona na kaya nya po kami ng Prinsipe at humihingi po sya ng iyong pahintulot na kung maari ay isasakay ka na lang po namin sa isa ko pa pong kaibigang argona" Sabi nya sa aking ama

Tumingin naman ako sa aking ama kung ano ang kanyang magiging reaksyon

"Sige Amihan sumakay na kayo sa Argona na iyong kaibigan at dito na lamang ako sasakay sa isa ingatan mo na lamang ang aking anak sapagkat may pagkapilyo ang batang iyan" Sabi ni ama at natatawang tumingin sa akin

Kumunot naman ang aking noo sa sinabi ng aking ama

Ako? Pilyo? Yun pala ang tingin s akin ng aking ama..

"Rehav sumakay ka na" Sabi ni Amihan na nasa harap ko na pala at nakasakay sa argona habang nakalahad ang kanyang kamay upang anyayahan akong sumakay

Hinawakan ko naman ang kanyang mga kamay at napakalambot nito sana mahawakan ko pa ng matagal..

Umakyat na ako sa argona at nasa likod ako ni Amihan

"Rehav Ybrahim kung nais mo ay maari mo akong yapusin sapagkat baka ikaw ay mahulog dahil masyadong mabilis ang lipad ng aking argona" Sabi nya naman

Sya? Yayakapin ko???? Ngunit parang hindi naman iyon tama sapagkat kalapastanganan iyon lalo na at isa syang batang babae na wala pa sa tamang gulang katulad ko

"Hindi na lamang Amihan ayos lamang ako dito kakapit na lamang ako sa laylayan ng iyong damit" Tanggi ko sa kanyang pagkakaalok

Nakita ko na nakasakay na din naman si Ama sa Argon na kaibigan ni Amihan

Nagsimula na ding lumipad ang mga argona ngunit unti unti itong bumilis ng sobrang bilis kaya sa hindi inaasahan ay napasubsob ako sa likod ni Amihan at akin siyang nayakap

Amihan P.O.V.

Pinalipad ko na ang Argona ngunit binagalan ko lamang ngunit ng nasa taas na kami ay binilisan na nito ang kanyang lipad kaya't nagulat ako ng may bigla na lamang yumakap sa akin..

Oo nga pala kasama ko ang rehav..Ngunit bakit ganito ang aking narramdaman tila sasabog ang dibdib ko sa kaba sa pakirmdam ng init ng pagyakap ng rehav..

Binagalan naman ng argona ang kanyang lipad at unti unti ding humiwalay ang rehav sa pagkakayakap sa akin at duon lamng ako nakahinga

"Poltre Amihan hindi ko sinasadya" Hinging patawad naman ng Rehav na nakahawak na lamang ngayon sa laylayan ng aking damit

"Ayos lamng iyon Rehav hindi ba't sinabi ko kasi na yumapos ka sa akin dahil mabilis ang takbo ng Argona?kaya.." Kinuha ko ang mga kamay nya sa laylayan ng aking damit at inilagay ang kanyang mga kamay paikot sa aking bewang "Makabubuti sa iyo kung mananatiling ganito ang ating posisyon" Nilingon ko sya at ngumiti at nakita ko naman na namumula ang Prinsipe bakit kaya..

Ybrahim P.O.V.

Hindi ko alam ang aking naramdaman ng ilagay ni Amihan ang aking mga kamay paikot sa kanyang bewang

Napakabilis ng tibok ng aking puso sa pakiramdam ko ay namumula na rin ako

Nagkakagusto na ba ako sa kanya?..

Isa Pang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon