"Amihan, Amihan kailangan nating tulungan ang aking Ama" Sabi ng Rehav ngunit di ko siya pinansin at patuloy lamang sa pag-hila sa kaniya patungo sa isang ligtas na lugar.
"Amihan, Amihan di mo ba ko naririnig?!" Sigaw niya sabay hila sa kaniyang kamay
"Naririnig kita Rehav ngunit kailangan kang mapangalagaan dadalhin kita sa ligtas na lugar tsaka ko pupuntahan ang iyong Ama at Ina" Walang emosyong sabi ko sabay hila muli sa kaniyang kamay ngunit binawi niya lang muli ito
"Bakit ba parang wala lang sayo ito?! Nanganganib ang buong Sapiro! Ang buong Encantadia! Pero wala ka man lang kapaki-pakielam! Bakit ako lang nais mong iligtas?! Ganyan na ba katigas yang puso mo?!" Tuloy tuloy niyang sigaw
"Hindi man ito ang aking nais ngunit ito ang aking tungkulin poltre Mahal na Rehav" Walang emosyon pa rin ang mababakas sa mukha o kahit sa boses ko tsaka muli kong kinuha ang kamay nya upang mag-tungo sa ligtas na lugar
"Poltre din Amihan" Naramdaman ko ang kaniyang gagawin kaya napangisi ako bago umiwas dito at tumalon sa likod niya at kinuha ang pulburang pampatulog at hinipan ito sa kaniyang direksyon
"Pasaway ka Ybrahim. Wala pa ring pag-babago"sabi ko bago siya tuluyang bumagsak
Bubuhatin ko na dapat siya nang bigla na lamang mag-sulputan ang mga hathor
" Ngayon pa talaga tsk" Sabi ko na lang tsaka nagsimulang depensahan ang aking sarili
Napaka-dami man nila ngunit dahil sa bilis ng aking kilos ay unti-unti silang nagagapi ngunit di pa rin ito sapat sapagkat napaka-dami talaga nila
Tumalon ako ng may umindayog ng saksak sakin sa likod sabay binato ang anim na kunai na tumama naman sa anim na hathor kung kaya't ikinabagsak nila ito
Pinag-patuloy ko pa ito hanggat maubos silang lahat. Ayos na din ang daming mga sandata ang naiwan dahil naubos na sila.
Tiningnan ko ang Rehav na tulog pa rin sa lupa kaya ginamit ko na lamang itong paraan para kuhanin ang mga sandatang nag-kalat
Pagkatapos kong ilagay ang lahat ng sandata sa aking balabal ay sinubukan kong buhatin ang Rehav
Nahirapan man ako ngunit di ko na iyon inalintana at agad na dinala siya sa dati kong kuta noong paslit pa lamang ako
Isa itong kuweba at ang psukan nito ay natatabunan ng makakapal na baging ng halaman sa taas nito kung kaya't hindi kita ang ano mang nasa loob
Narito pa rin ang higaan at ilang mga kagamitan ko rito siguro'y ayos na ito para sa kaniya
Kailangan kong pumunta sa Sapiro kailangan kong tuparin ang pangako ko sa kaniya
Ybrahim P.O.V.
"A-Amihan wag mo akong iwan" Sigaw ko habang nakahawak sa kamay ni Amihan habang hawak ko ang kaniyang kamay ay natangis ako
Nagdurugo ang kaniyang buong katawan at tila wala ng buhay habang nakapaligid sa amin ang mga taong naka-itim na balabal at isang lalaki na tila namumuno sa kanila na may galak sa mga mata
Nakita ko rin si Danaya at Alena ngunit nakagayak pandigma sila at tumatangis rin ang mga ito
Sa tabi ko naman ay isang dalagang hindi ko kilala ngunit lumuluha rin siya habang tinatawag nyang ina si Amihan
Bigla kaming nag-laho at- ginoo?" Sabi ng isang boses na tila galing sa isang lalaki? Hindi ba't si Amihan ang kasama ko?ngunit isang panaginip lang pala ang lahat..
Unti-unti kong minulat ang aking mata at bumalik sa aking ala-ala ang dalagang nasa aking panaginip na tinatawag na "inay" Si Amihan
"Ginoo ayos ka lamang ba?" Muling sabi ng isang tinig kaya natapos ang pag-iisip ko sa dalagang iyon
Umupo ako at tiningnan ang paligid tila isa itong kuweba ngunit may higaan na siyang aking kinauupuan ngayon at sa harap ko ay isang lalaking may hawak na sibat at naka-asul
"Sino ka?" Agad kong tanong sa kaniya. Kumunot naman ang noo nito at muling nag-salita
"Ikaw dapat ang tanungin ko niyan ginoo. Sino ka? Anong ginagawa mo sa kubol ni Amihan?"Ang sabi nito kaya ako naman ang kumunot ang Noo
" Ako si Ybrahim ang Prinsipe ng Sapiro at nabanggit mo si Amihan tama ba?nasaan siya" Agad kong tanong rito ngunit ngumiti lang siya na parang nakakaloko at sumandal sa baul na nasa likod niya
"Nag-papatawa ka ba?Prinsipe?eh bakit ka nandito hindi ba't dapat ay nasa palasyo ka at nag-papasarap habang ang mga hindi maharlika ay nag-papakahirap kahit na mag-nakaw pa para lang mamuhay" Sabi nito habang may tonong nang-uuyam ngunit nanatili ang ngiti sa kaniyang mukha
"Nasaan si Amihan" Walang emosyong tugon ko rito "bakit ko naman sasabihin sayo ni hindi ko nga alam kung mapag-kakatiwalaan ka ba talaga ilang taon na ang nakakaraan simula ng huli kong makita si Amihan dito ngunit ngayong nag-babakasakali ako na bumalik siya ikaw ang mararatnan ko?" Sagot nito at unti-unting nawala ang ngiti sa kaniyang galit at napalitan ito ng poot
"Ano ba ang iyong ngalan ginoo" Kalmado kong tanong sa kaniya na tila lalo pang nag-pagalit sa kaniya
"Arcerus ang ngalan ko ang kababata ni Amihan na kung hindi dahil sa isang Prinsipe ay nakakasama ko sana ngayon" Sabi niya tsaka itinutok ang sibat na hawak niya sa leeg ko
"At kung ikaw nga ay isang Prinsipe ipag-papalagay ko na ikaw ang dahilan kung bakit nalayo sa akin ang pinakamamahal ko." Dagdag pa niya
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_Okay may new character owo hope y'all like it and pls vote and comment and share this para mas dumami readersss andddd sorry if super late writer's block lang po huhu
BINABASA MO ANG
Isa Pang Pagkakataon
FanfictionYbramihan fanfic Different story Author's what if's please support.