Kabanata XXI

96 6 9
                                    

Amihan P.O.V.

Nang makarating kami sa Lireo ay agad kong binitawan ang balikat ni Alena Gayundin ang kamay na naka-hawak sa aking mga kamay mga lapastangan!

Biro lamang pumunta akong muli sa likuran ni Rehav Ybrahim

Tumindig na parang isa sa mga mashna at pinanatiling walang emosyon ang aking mukha

"Ybrahim mahal ko" Sabi ni Alena at agad na niyakap ang braso ni Rehav Ybrahim nung umalis ako sa harap nito

Di naman mailarawan ang mukha ng Rehav pero agad din siyang hinila ni Alena at sinundan ko lamang sila

Bawat madadaanan ng dalawa ay nag-bibigay pugay at ang nakaka-inis ay kung paano tumingin sa akin ang mga babae na para bang nakakita sila ng di kaaya-ayang wangis ngunit di ko na lamang sila pinansin

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa punong bulwagan ng Lireo maganda ito at malawak

Punong puno ng kulay at mga bulaklak may mga lambana pang nang-kalat at pa-ikot ikot dito may mga kawal rin sa gilid ng trono at sa gitna ang napaka-laking trono at duon ay may naka-upong isang magandang babae

Siya na yata ang tinatawag nilang Inang Reyna mabilis lamang ang ginawa kong pgmamasid at agad na ibinalik ang tingin sa Rehav at wala pa namang nangyayaring masama sa kaniya bukod sa nilalamukas ng Sanggre Alena ang kaniyang mukha

May lumapit sa kanila isang magandang babae at sa tingin ko ay mas nakababata sa amin naka-suot siya ng tsokolateng kulay na magarang damit

"Alena sino ang iyong kasama?" Tanong niya kay Alena

"Siya ang aking irog si Prinsipe Ybrahim ng Sapiro" Masayang sabi ni Alena at muling niyakap ang braso ni Ybrahim

"Prinsipe Ybrahim ikinagagalak kong makilala ka ako nga pala si Danaya" Sabi niya

Tumango-tango naman si Ybrahim bago tumugon dito "ikinagagalak din kitang makilala Sangre Danaya" Sabi niya rito

"Rehav sino ang iyong kasama kay ganda niyang dilag ngunit bakit tila walang emosyon ang kaniyang mukha" Tanong niya kay Rehav Ybrahim ng dumako ang tingin nito sa akin

"Ah siya nga pala ang aking tagapag-bantay si Amihan" Sabi ng Rehav

Agad naman lumapit sa akin si Sangre Danaya habang naka-ngiti

"Amihan" Sabi niya sabay ngumiti sa akin

Nag-bigay pugay lamang ako bilang tanda ng pag-galang ngunit pinanatili kong walang emosyon ang aking mukha

"Sa tingin ko'y mag-kasing edad lamang kayo ng Rehav kung gayon pano't ikaw ang kaniyang taga-pangalaga" Sabi niya na tila namamangha pa

"Ako ang pinili ng kaniyang ama upang maging taga-pangalaga kung kaya't wala akong pag-pipilian isa iyong tungkulin dapat kong sundin" Sabi ko gamit ang malamig kong boses

Bigla naman silang natahimik ngunit di nag-tagal ay binasag ni Sangre Danaya ang katahimikan

"Amihan bakit wala ka man lamang kaemoemosyon pati ang iyong boses ay napaka-lamig" Nag-aalalang tanong nito sa akin

"Sa kadahilanang di ko na nais pang masaktan ng iba kung kaya't pinanatili ko na lamang ang aking sarili bilang isang taong walang pakiramdam" Sabi ko at tumingin sa Rehav at muling ibinalik ang tingin sa Sangre

"Hmmmmm kaya pala maari ba kitang mahiram saglit muna sa Rehav? May ipakikilala lamang ako sayo" Sabi niya

"Poltre mahal na Sangre ngunit di maari ang iyong kagustuhan puwera na lamang kung sasama sa atin ang Rehav dahil di siya maaring malingat sa aking mga mata" Sabi ko dito

"Alena" Tawag niya sa kaniyang kapatid "Bakit Danaya?" Sagot naman nito sa kaniya "Maari bang mahiram muna ang Rehav ipakikilala ko lamang sila sa ating Hara at kila Muros" Sabi nito

"Sige pero nais kong ibalik mo siyang agad sa akin nais ko pa siyang makasama" Sabi nito atsaka binitawan na ang Rehav

"Avisala Eshma Alena" Pagka-sabi niya nuon ay agad na hinila ako ni Danaya kung kaya't hinila ko din ang Prinsipe labag man sa aking loob upang di siya maiwanan

"Mahal na Sangre maari mo po ba akong bitawan saglit?" Tanong ko dito dahil masyadong mabilis ang pag-hila niya sa akin

"Poltre Amihan di ko sinasadya"
Sagot naman niya

"Amihan ito nga pala ang aming mashna si Aquil" Sabi ng Sanggre Danay sabay turo sa isang matipuno ngunit hindi gaanong katangkaran na lalaki.

"Kinagagalak kita makilala?...-Amihan ang aking ngalan ang tagapagbantay ng Rehav Ybrahim" Pagpapatuloy ko sa sinabi niya

"Amihan napakagandang ngalan" Sabi niya at pinaresan pa ito ng isang ngiti

Tinanguan ko lamang siya dahil pinanatili ko lamang na walang emosyon ang aking mukha

"At ito naman ang aming hafte si Muros" Pagpapatuloy ni Sangre Danaya sabay turo sa isang matangkad at matipunong lalski sa tabi ng Mashna Aquil

"Kinagagalak kitang makilala Binibini" Sabi nito at hinawakan ang aking kamay upang halikan?ngunit di niya ito naituloy ng hilahin ito ni Rehav Ybrahim

"Masaya din siyang makilala kayo di na kailangan ang pag-hawak sa kaniyang kamay" Nakangiti ngunit sarkastikong pagkakasabi ng Rehav

"Ayos lamang yon Rehav" Sabi ko gamit pa rin ang isang walang emosyong boses

Kaya naman sinamaan niya ako ng tingin at tumalikod sa akin

"Mukhang hmmm may naamoy kaming kakaiba dito" Sabi ni Wantuk?bakit nandito ang mandirigma?

"Sino ka ?at anong ginagawa mo rito?"sabi ng Sangre Danaya at agad na kinuha ang espadang nasa likod ng hafte at itinutok kay Wantuk

" R-Rehav" Sabi ni Wantuk at agad na nag-tago sa likod ni Rehav Ybrahim

"Siya ay aking kasama..poltre kung di ko nasabi" Sabi ni Rehav

"Kung ganon patawad na ganito ang aking naging salubong sa iyong kaibigan" Sabi ng Sangre Danay at ibinalik kay Muros ang Espada nito

Sa mga nagdaang sandali ay usap lamang ang aming nagawa kung ano ano ang kanilang sinasabi

Nakita ko kaya Sangre Danaya ang pagiging matapang at mabait rin naman siguro'y magiging magaling siyang Reyna kung magkataon

Sa Mashna Aquil naman di naman makakaila ang kakaiba niyang tingin sa Sangre tila may nararamdaman ito rito

At kay Muros naman napakaseryoso lamang nito, minsan ay nakikisabay siya sa mga biruan nila ngunit di maalis dito ang pag-kaseryoso

Ayos na rin nagkaron ako ng mga bagong kakilala buti na lang talaga di nila napapansin ang-" Amihan nga pala ngayon ko lamang napansin ano't di mo tinatanggal ang iyong balabal di ka ba naiinitan?"hays sasabihin ko pa lang na di pa nila napapansin eh..

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Gomenasorry for the late update po

Isa Pang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon