"Emre ika'y gumising pagmasdan ang ginagawa ng iyong mga kaibigan.." Sabi ng kataas-taasang bathala at ipinakita sa aking ang isang kawa na duon ipinapakita ang pagkakamabutihan ni Ether at ni Arde pati na rin si Halliyah kasama ang isang encantadong kanyang iniibig
"Humayo ka at sila'y pigilan sapagkat alam ko na nababatid mo na taliwas sa ting kaugalian ang ginagawa nila" Sabi pa niya sa akin..
"Ngunit ano ang aking gagawin?Hindi ba't maganda ang umiibig sa isa't isa?bakit ito ipinagbabawal sa atin amang bathala" Tanong ko sa kanya
"Halika dito Emre pagmasdan mo ang kawa ng hinaharap.." Sabi niya at pinalapit ako
Isang kahindik-hindik na pangyayari ang aking nakikita ng dahil sa pagmamahal ng mga bathala
"Nakita mo na ang idudulot nito?kaya sige gumising ka at pigilan sila..Pigilan mo sila kahit na kapalit pa nito ay pagwawakas ng inyong pagkakaibigan..maging matagumpay ka sana"
.
.
.
.
.
.Totoo ba ang aking panaginip?
Magkagayon man dapat ko nga bang sundin ito?
Kahit na ang kapalit nito ay pagkakawatak-watak ng aming pagkakaibigan?
Ano bang talaga ang aking dapat na piliin..
.
.
.
.Third person P.O.V.
Samantala ang dalawang bathala ay bumalik sa devas na kanilang tinitirahan nauna ang Bathalumang Halliyah sumunod ang Bathalumang si Ether..
"Mga kaibigan ko buti at nakabalik na kayo" Sabi ni Emre sa dalawang Bathaluman
"Ganoon din kami Emre" Sabi nila at sila'y ngumiti kay Emre
"Patawad ngunit kailangan ko itong gawin" Sabi ni Emre ng mahina at pinukpok sa ulo ang dalawang Bathaluman..
Ether P.O.V.
Nagising ako sa isang madilim na lugar..
Ano't narito ako at nakaposas
Ano't hindi ko magamit ang aking kapangyarihan
Napatingin ako sa aking harapan at may nakaposas din na nilalang at ito ay si Halliyah..
"Halliyah" Tawag ko sakanya
"Ano't narito tayo?" Tanong ko pa
"Hindi ko din alam Ether ngunit alam ko kung sino ang may kagagawan nito walang iba kundi ang taksil na si Emre" kita ko ang galit sa kanyang mga mata habang binibigkas ito
Bumukas ang pintuan at nakita ko si Emre na pumasok
"Ano't kinulong mo kami dito Emre" Sabi ko sakanya sapagkat ako'y naguguluhan pa din
Lumuhod sya at tumingin sa aming dalawa
"Patawadin nyo sana ako sa aking ginawa ngunit susubukan ko pa ding baguhin ang inyong mga isip" Sabi niya
"Anong ibig mong sabihin Emre?" Sabi naman naming dalawa ni Halliyah ng sabay sa kanya
"Alam ko na may itinatangi na ang inyong mga puso mga kaibigan kong Bathaluman ngunit alam niyo naman na ito ay ipinagbabawal hindi ba?"sabi niya
Napatahimik naman kaming dalawa ni Halliyah sa kanyang binanggit
" Kaya't kailangan ko kayong ilayo sa mga lalaking inyong itinatangi patawad " Sabi nya at humarap sa akin
"Anong gagawin mo Emre?" Sabi ko sakanya dahil itinapat nya ang palad nya sa akin at isang puting liwanag ang lumabas dito
"Ether kaibigan kong Bathaluman patawarin mo ako ngunit kailangan kong tanggalin ang iyong mga ala-ala ng sagayon ay di na matuloy ang pagibig nyo ni Arde" Sabi niya hanggang sa dumilim na ang aking paningin
Halliyah P.O.V.
"Emre maari bang wag mo iyong gawin sa akin nagmamakawa ako Emre" sabi ko sakanya
"Patawad ngunit hindi maari"atsaka tuluyan na ding nawala ang aking paningin
Emre P.O.V.
Patawarin nawa ninyo ako..Pinuntahan ko ang lalaking iniibig ni Halliyah at ibinigay ang isang bata sa kanya pagkatapos nun ay binura ko ang kanyang ala-ala kay Halliyah
At sumunod naman na aking pinuntahan ay si Arde
" Taksil ka Emre at sinuntok niya ako"
Encantada P.O.V.
Ano't nandidilim ang langit kahindik hindik ang mga bagay na ito..
.
.
.
.
.
.
.
Third Person P.O.V.
Nagkaroon ng labanan sa apat na Bathala ngunit dahil sa may basbas si Emre ay mabilis nyang napabagsak ang tatloIsinumpa nya ang Bathalang Arde at Bathalumang si Ether
Ng dahil sa galit ay gumawa si Ether ng sarili nyang kaharian na tinawag na Etheria at si Arde naman ay ginawa ang tahanan nyang balaak
Samantalang ang Bathalumang Halliyah ay ginawa ang Adamya ng syang kanyang Kaharian
.
.
.
.
.
.
.So ayon na nga guys ipapast forwars na natin gaiz diba hahaha
BINABASA MO ANG
Isa Pang Pagkakataon
FanfictionYbramihan fanfic Different story Author's what if's please support.