"Wag niyo na lamang pansinin ang aking kasuotan sadyang di lamang ako kumportable kung hindi naka-suot ng balabal" Sabi ko sa kanila habang wala pa ring emosyon ang mukha bagay na ikinakunot ng noo ng Rehav Ybrahim
"Kail-Totoo hindi ba Rehav di ko lamang talaga nais tinatanggal ang aking balabal" Patuloy ko sa kung ano mang sinasabi ng Rehav habang nasa bibig niya ang aking mga kamay
"Oo,oo tama di nga niya nais tinatanggal ang kaniyang balabal" Sabi ng Rehav pero base sa mukha ng Mashna Aquil at Hafte Muros di sila kumbinsido sa kung ano mang sinasabi ng Rehav Ybrahim.
Napa-ikot na lang ako ng aking mga mata at ipina-kita sa kanila ang kung ano mang nasa loob ng aking balabal
Kaya naman agad na gumuhit ang gulat sa kanilang mukha
"Kay rami ng armas na iyong dala Amihan di ka ba nahihirapan sa pag-dala niyan? At bakit lubhang napakarami nito wala namang masamang mangyayari sa Lireo" Agad na bulalas ni Mashna Aquil
"Mabuti na ang handa at sigurado" Sabi ko na lamang at tumango upang tumalikod sa kanila dahil may naramdaman ako sa king likuran na kanina pa naka-titig sa akin
Isang naka asul na balabal ang nasa malayo at may harang din ang mukha nito lalapitan ko na sana siya ngunit bigla na lamang itong nag-laho
"Amihan san ka patutungo?" Rinig kong may nag-salita sa aking likuran kaya't humarap ako at nakita kong ang Rehav Ybrahim pala ito
"Wala lamang Rehav" Sabi ko at agad na bumalik sa knaiyang tabi
Di na nag-tagal at nagsimula na rin ang kasiyahan sa Kaharian ng Lireo
"Upang simulan ang pag-titipon na ito nais ko munang mag-pasalamat sa lahat ng dumalo ngayon" Sambit ng Hara ng mga diwata
"Siguro inyong pinagtatakhan kung bakit o para saan nga ba ang pag-titipon na ito" Patuloy pa nito sa kaniyang isinisaad
Kaya umayon lamang sa kaniya ang mga naririto. Kakaiba din sila pumapayag sa isang imbitasyon ng hindi nalalaman kung ano ba talaga ang ibig sabihin nito.
"Ito ay para sa aking Anak na si Alena. Ngayon ang kaniyang kaarawan. Halina Anak pumarito ka" Sabi ng Hara
Lumapit naman sa kaniya si Alena habang ang braso nito ay nakapulupot sa braso ng Rehav Ybrahim kaya napa-ikot na lamang ako ng aking mata
Nag-simula na ng kung ano mang nais niyang sabihin ang Sangre Alena ngunit poltre wla akong oras para pakinggan ang boses niyang panira ng pandinig
Inikot ko na lamang ang aking mata sa kumpol ng mga diwata, sapiryan, at askano na naririto upang mag-tingin ng sino mang kahina-hinalang bagay.
Natapos na ang mahabang litanya ng Sangre ng bigla na lamang bumukas ang pintuan ng Lireo at pumasok ang mga Adamyan kung kaya't mabilis akong lumapit sa Rehav upang maprotektahan siya kung sakali mang may Panganib na darating
"Hara Minea Hara Minea" Tawag ng pinuno ng mga Adamyan sa Hara ng mga Diwata
"Ano ang sadya nyo rito pinunong Imaw hindi ba't ang inyong sabi ay may nais kayong gawin sa inyong isla kaya't si kayo makapupunta sa aming pag-titipon"sabi ng Mahal na Reyna
"Ang mga Hathor Minea kinuha nila sa amin ang Brilyante ng Tubig ang brilyanteng ibinigay ng Hara Dure" Saad ng pinunung Imaw
Napatayo naman bigla ang Hara ng mga diwata at napatingin sa Prinsipe Raquim
"Wag kang mag-alala pinunong Imaw susubukan ka nami-" Di pa man natuloy ng Reyna Minea ang sasabihin nya ay isang malakas na pag-sabog ang narinig mula sa malayo
Nanlalaki ang mga mata ng nariritong tumingin sa Azotea ng Lireo kung saan natatanaw ang kaharian ng Sapiro
Duon nanggagaling ang malalakas na pag-sabog kung kaya't hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ng nanginginig na si Rehav Ybrahim.
"Kailangan na nating umalis dito" Sabi ko sa kaniya at hinila ang kamay niya papunta sa sikretong lagusan palabas ng Lireo
May mga tumawag sa aming mga pangalan ngunit hindi ko na yun pinansin at hinila ko na lamang siya habang naka-tulala pa din siya
Isa lang ang nasa isip ko ngayon..
Kailangan kong maprotektahan ang Prinsipe ng Sapiro.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Yooo hello sorry for the long long long late update and this very short update.
Di po ako makaisip ng plot and sobrang nabusy lang in real life I'll try po ng ituloy toh but i think slow updates na langg pero tatry ko po bumawiiii sorry pooooo see yah sa next updatess
BINABASA MO ANG
Isa Pang Pagkakataon
FanfictionYbramihan fanfic Different story Author's what if's please support.