Kabanata V

127 6 0
                                    

"Amang hari saan po tayo pupunta?" Tanong ni Ybrahim sa kanyang ama

"Pupunta tayo sa Lireo anak upang makisama sa pagpaplano sa nagbabadyang kaguluhan" Sabi ni Haring Armeo sa kanyang anak

"Ngunit bakit kailangan na kasama pa ako ama?" Sabi ni Ybrahim

"Ng sa gayon ay makilala mo na din ang ibang anak ni Minea"  Sabi nya

"Kaya ano pa ang iyong ginagawa Ybrahim maghanda ka na upangbtayo ay makaalis na dalhin mo din ang iyong sandata ng sa gayon ay handa ka kung may kalaban man tayong maka haharap anak" Sabi ni Armeo

"Sige po ama" Sabi ni Ybrahim at naghanda ng kanyang mga gamit

Amihan P.O.V.
Nakakatuwa naman ang mga ibon..

Pinagmasdan ko sila habang nakangiti at pinapakain sa kanila ang isang paneya

"Amihan anak" Tawag sa akin ng aking Ina

"Bakit po Ina" Tanong ko sakanya habang nakangiti

"Wala na tayong panggatong anak maiwan muna kita upang makakuha ng mga kahoy sa kagubatan" Sabi niya

"Ngunit Ina lubhang mapanganib ang kagubatan ako na lamang ang pupunta kasama ang aking argona" Sabi ko sakanya at hinawakan ang kanyang kamay

"Kaya nga ako ang pupunta dahil mapanganib" Sabi naman nya "pero nakikita ko sa mga tingin mo na di mo talaga ako paalisin ah sya ika'y humayo na bago pa lumalim ang dilim" Dagdag pa niya

"Sige Ina dito ka na lamang at magpahinga susubukan ko ding manguha ng mga prutas ng may makain tayo sa ating paguwi" Sabi ko sakanya at kinuha na ang aking sandata at ilang lagayan

Sumipol ako para matawag ang argona na aking alaga at madali naman itong nagpunta sa akin

Sumakay ako sa argona at nagpunta pababa ng burol na kinatatayuan ng aming tahanan

Ng makarating na ako sa kagubatan ay bumaba na ako sa argona at nagsimulang maghanap ng kahoy at prutas

Sa aking paglalakbay ay nakita ko ang isang karwaheng paparating kaya naman ay agad akong umakyat ng puno upang hindi nila ako makita

Tagasalaysay P.O.V.

Habang nasa daan ang karwaheng sinasakyan nila Prinsipe Ybrahim at Rama Armeo ay isang pulutong ng mga hathor ang kanilang nakasalubong

"Anak dito ka na lamang at huwag kang bababa" Sabi ni Armeo at naghanada sa paparating na laban

"Ngunit ama napakarami nila kailangan kitang tulungan" Sabi ni Ybrahim sa kanyang Ama

"Anak sumunod ka na lamang sa aking utos sapagkat ayokong ikaw ay mapahamak ikubli mo ang iyong sarili sa karwahe kung maari lamang" Sambit ni Armeo at saka sya bumaba ng karwahe upang harapin ang mga Hathor

"Agane" Tawag ni Armeo sa kanyang kaharap

"Magaling at lumabas ka na sa iyong karwahe Mahal na Hari kala ko ay naduduwag ka na" Sabi ni Agane sakanya ng nakangisi

Amihan P.O.V.

"Agane" Tawag ng lalaking bumaba ng karwahe

"Magaling at lumabas ka na sa iyong karwahe Mahal na Hari kala ko ay naduduwag ka na" Sabi naman ng mashna ng mga Hathor

Mukhang kailangan kong tumulong sa kanila

Ngunit hindi dapat ako makita ng ibang encantado yan ang sabi ni Ina

Titiisin ko na lang ba na mamatay ang Encantado na iyon sa harap ko kung may magagawa naman ako

Nakita ko na silang naglalaban at mabilis na naubos ang kawal na kasama ng Encantado

Nakita ko naman na may lumabas sa karwahe na isang lalaking sa tingin ko ay kaedad ko lamang

"Ama" Tumakbo ang bata at nakita kong nahuli sya ni Agane

Armeo P.O.V.

"Pashnea ka Agane wag mong idamay ang aking anak!" Sigaw ko sakanya ng makitang ipinulupot nya ang kanyang sandata sa aking anak

"At ano naman ang mapapala ko kung hindi ko kikitlin ang buhay ng iyong anak?" Ngising sagot nya sakin

"Hawakan ang Hari ng Sapiro ipakita sa kanya kung paano ko kitilin ang buhay ng sarili nyang anak" Sabi ni Agane

Lumapit saakin ang mga Hathor at nilabanan ko sila para di sila makalapit sa akin

"Sige Armeo lumaban ka at tutuluyan ko na ang iyong anak" Sabi nya kaya napatigil ako sa aking ginagawang paglaban at tuluyan na nga akong nahawakan ng mga pashneang Hathor

"Pagmasdan mo Armeo ang kamatayan ng iyong munting prinsipeng si Ybrahim" Sabi nya at nakita ko naman ang aking anak na naluluha "Ama" sabi niya at ipinikit ang mga mata habang papalapit sa kanya ang punyal ni Agane

"Tigilan mo ito Agane!" Sigaw ko pa upang pigilan sya

"Poltre ngunit hindi maari" Ngumisi sya at itinuloy ang pagsaksak sa king anak

Ngunit bago pa man nya masaksak ang aking anak ay may tumalon mula sa puno at sinaksak sya

"Pashnea sino ka!" Sambit ni Agane habang nakaupo

"Mahal na Hari kunin mo na ang iyong anak" Sambit nya sa akin tsaka sinugod ang mga Hathor na nakahawak sa akin

Agad akong tumakbo sa aking anak na at hinawakan sya

"Ama patawad kung sinuway kita kailangan nating tulungan ang encantada ama" Sabi nya at tumingin naman kami sa Encantada at nakita namin na tapos na sapagkat patay na ang lahat ng Hathor na sumalakay sa amin kanina at ang mashna naman ay tumakbo na

Kinuha ng Encantada ang kanyang pana at papanain na sana ang mashna na natakbo

"Encantada" Sigaw ko para di matuloy ang kanyang gagawin

"Bakit po mahal na hari" Sabi nya at itinabi na ang kanyang sandata

"Wag mo ng ituloy ang pagpatay sa kanya hayaan mo na lamang sya" Sabi ko sakanya

"Kung ganon ito ay aking susundin maayos lamang po ba kayo Mahal na Hari?“sabi nya ngunit ang aking ipinagtataka ay tila itinatago nya ang kanyang mukha

" Oo ayos lamang kami ng aking anak ngunit maari ka bang lumapit dito?" Sabi ko sakanya

Lumapit naman ito sa amin kaagad ng akin itong sabihin

"Ako lamang ay nagtataka ano at tila itinatago mo ang iyong mukha encantada?" Dagdag ko pang tanong sakanya

Bumuntong hininga sya at unti unti ay tinanggal nya ng saplot sa kanyang ulo

"Nedanus Muste" Sabi ng aking anak na ikinagulat ko dahil nakatitig pala ito sakanya

Tunay nga napakaganda ng encantadang ito

"Poltre rehav tama ba ang aking narinig?" Sabi ng encantada

"Oo naman napakaganda mo" At nilapitan ng aking anak ang encantada at hinawakan ang kamay nito

Tumikhim ako upang malaman naman nila na kahit papaano ay nandito pa ako

Madaling binawi naman ng encantada ang kamay at tingin nya sa aking anak at tumingin sa akin

"Poltre rehav , poltre rama ngunit kailangan  ko ng umalis"sabi nya na nagmamadali

" Sandali lamang hindi pa ako nakakapagpasalamat Encantada avisala eshma sa iyong tulong at nakita ko ang iyong husay sa sandata isa ka bang diwata o isang sanggre?"tanong ko sakanya

"Hindi po ako isang sanggre o diwata sa katotohanan nga po ay di ko alan ang lahing aking pinagmulan" Sabi nya at ngumiti

"Poltre Encantada ngunit maari ba naming malaman ang iyong ngalan?" Sabi ng aking anak

Tumingin ito sa amin na tila ba nagaalangan at bumuntong hininga

"Ang..

aking ngalan

ay.."

.
.
.
.
.
.
.

Soooo sino kaya sya gaiz hmmm??pls vote and coments thankyou sa pagbabasa❤

Isa Pang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon