"Emre ako lamang ay lilisan mauna na muna ako sayo.." Sabi ng Bathalumang Ether sa Bathalang Emre
"Sige Ether magiingat ka kaibigan" Sabi naman nito at tumingin sa mga nasasakupan nilang mga encantado at encantada
"Emre ako din sana ay aalis nais kong bisitahin ang ating mga nasasakupan" Sambit ni Bathalumang Haliyah
"Sige Halliyah humayo ka't salubungin sila" Sabi ng Bathalang Emre habang ito ay nakangiti
Emre's P.O.V.
Tila yata may kakaiba sa mga kaibigan ko
Nasaan kaya si Arde
Tila nitong mga nakaraang araw ay nasisilayan ko ang kakaibang ngiti ng aking mga kaibigan
May itinatangi na ba ang kanilang mga puso?
Kung gayon sino naman ito..
Halliyah P.O.V.
"Mahal ko naririto lamang pala kita matatagpuan" Sabi ko sa aking pinakamamahal na encantado
"Halliyah mahal ko mabuti at nagbalik ka na" Sambit naman niya at hinagkan ang aking mga labi saka ko naman sya niyakap
Nagpunta kami sa isang batis at pinagmasdan ang mga sirenang umaawit
Ng maramdaman ko naman ang kakaibang kilos na aking mahal sa aking tabi
"Redon ano't tila aligaga ka mahal ko"Tanong ko sakanya at tumingin ako dito
" Mahal nais ko sanang magpatayo ng palasayo ngunit wala naman akong sapat na kayamanan upang maipatayo ito" Sabi nya sa akin na ikinagulo ng aking isip
"Bakit mo naman nanaisin na magpatayo ng isang palasyo mahal ko?" Tanong ko sakanya
"Sapagkat kung ako ay magiging hari ng isang palasyo ay baka matanggap na nila ang ating pagmamahalan..nais kong bumuo ng pamilya kasama ka Halliyah mahal ko..at sa palasyong yaon ay titira kayo.." Sabi nya sa aking kitang kita ko naman ang sensiridad sa kanyang mga mata
"Kung gayon akin kitang tutulungan mahal ko"sabi ko sakanya at ngumiti
Ether P.O.V.
" Arde mahal ko ano't piniringan mo ang aking mga mata" Natutuwa kong sabi sa aking minamahal
"Sapagkat ako ay may surpresa sa iyo maghintay ka lamang" Sabi niya at naramdaman ko na umalis sya sa aking likuran
"Maari mo ng tanggalin ang iyong mga piring mahal ko" Sabi nya
Kaya naman tinanggal ko ang mga piring na nasa aking mata
Pagtanggal ko dito ay bumungad ang isang napakagandang hardin na puno ng bulaklak at paru-paro
"Nagustuhan mo ba mahal ko?" Sabi nya sa akin habang nakangiti
Napangiti na din ako ng makita kong may latag na tela sa lapag at may paneya at prutas ang naririto
"Hindi ko gusto Arde" Sabi ko nakita ko naman ang lungkot na rumihistro sa mukha ng aking pinakamamahal
"Pagkat gustong gusto ko ito mahal ko napakaganda mahal ko maraming salamat" Biglang nawala naman ang lungkot sa mukha ni Arde at niyakap si Ether
"Mabuti at nagustuhan mo mahal ko" Magkayakap lamang silang nakatingin sa isa't isa
Hanggang sa unti unting lumapat ang kanilang mga labi sa isa't isa
"E correi diu Ether" Sabi ni Arde matapos ang halik nakanilang pinagsaluhan
"E correi diu Arde" Tugon naman ni Ether sa kanyang minamahal at muling inangkin ang labi nito
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.A/n: Sooo ayon na nga gaiz simulan muna natin sa kuwento ng mga bathala para happy warning lang po mga maam at ser malayong malayo ito sa kuwento sa totoong Encantadia kayaaa abangan nyo na lamang
Lovelots❤
BINABASA MO ANG
Isa Pang Pagkakataon
FanficYbramihan fanfic Different story Author's what if's please support.