Alena P.O.V.
Kay kisig ng lalaking nasa harap namin ngayon hindi ko alam ngunit iba siya sa aking paningin hindi katulad ng iba kong nakaka-salamuhang lalaking nasa aming edad lamang"Wala siyang kinalaman sa mga Hathor isa siya sa aking mga tiga-pagbantay at akin na ding kaibigan kaya wala kayong dapat ika-bahala sa kaniya" Sabi niya habang hawak pa rin ang kamay ng babaeng nag-ngangalang Amihan
Di ko maipaliwanag kung bakit pero naiinis ako na makita ang mag-kahawak nilang kamay tsk dapat ko yun!
"At bakit sino ka naman mapag-kakatiwalaan ka din ba?" Masungit na sabi ni Apwe Pirena
"Poltre Diwani Pirena,Diwani Alena at Diwani Danaya ngunit nakikilala ko ang kaniyang wangis" Biglang sabi ni Ades ang punong dama ng Lireo at sya na ring nangangalaga sa amin
"Kung ganon sino naman ang lalaking ito?" Masungit pa din na sabi ni Pirena pinag-masdan ko lang ang mukha niya napaka-ganda nitong pag-masdan kitang kita ang tapang niyang taglay sapagkat nakikita ko ang galit sa kaniyang mga mata ano nga kaya ang kaniyang ngalan?
"Siya ang Rehav ng Sapiro ang Rehav Ybrahim" Sabi ni Ades lalong nag-ningning ang aking mga mata ng malaman na isa siyang prinsipe kung ganun ay nababagay kami
Nilapitan ko siya at ipinulupot sa kaniyang braso ang aking mga kamay tila nagulat naman siya aking ginawa at nabitawan niya ang kamay ng Amihan na yun
"Rehav Ybrahim maari ka bang maimbitahan na magtungo mamaya sa palasyo?" Sabi ko gulat pa din siguro siya sa aking ginawa
Unti-unti niya namang inalis ang aking pag-kakahawak sa kaniya ay anu ba yan hays
"Kung maari ay mag-papaalam muna ako sa aking Ama ngunit sa ngayon ay nais ko ng mag-paalam sa inyo dahil sigurado akong hinahanap na kami ng aking Aldo Raquim" Sabi niya at tumalikod na sa amin upang harapin ang Amihan na yon
Hinawakan niya ang kamay ni Amihan at umalis na sila
Tiningnan ko lang ng masama ang likod nilang papaalis na
Sisiguraduhin kong mapapasa akin ka Ybrahim at hindi sa Amihan na iyan.
Amihan P.O.V.
Hawak kamay kami ng Rehav na nag-lakad pabalik sa kagubatan malapit na sana kami ng bigla na lamang siyang tumigil"Amihan poltre at pinabayaan kong paiyakin ka nila Pangako sa susunod ay di ko na hahayaan ang kahit na sino na pa-luhain ka" Sabi niya habang naka-tingin sa akin ng diretso at kitang kita sa kaniyang mga mata ang sinseridad
Lumapit naman siya sa akin kaya napa-pikit na lamang ako at naramdaman ko ang kaniyang mga labi sa aking noo tanda ng paninigurado ng pangako
Nginitian ko lamang siya matapos niya gawin iyon at ganun din naman siya
Hinawakan niya muli ang aking kamay at dumiretso na kami sa pinag-ensayuhan namin kanina
"Poltre Rehav Raquim kung anong oras na kami naka-balik sapagkat nakita pa namin ang mga Diwani ng Lireo" Sabi ni Ybrahim pagka-balik namin
Nanlaki naman ang mata ng Rehav at nag-salita "Nakita niyo din ba ang Reyna ng mga Diwata?" Sabi nito na tila ba masayang masaya siya
"Hindi po Rehav" Sagot ko at agad namang nawala ang ning-ning sa kaniyang mga mata
"Di ko alam na masama pala ang mga ugali ng Diwani ng Lireo Aldo" Sabi bigla ni Rehav kaya napa-tingin kami sa kaniya
"Ano ang ibig mong iparating Ybrahim?" Sabi ng Rehav Raquim
"Ang isa sa kanila ay di man lang pinakinggan ang paliwanag ni Amihan at agad siyang pinag-bintangan na taga-pagmatyag ng mg hathor. Ang isa naman sa kanila ay nakalimutan na ata ang kaugalian ng mga babae dito at inilingkis agad ang kaniyangmga braso sa akin" Sabi niya at may bahid pa ng inis ang kaniyang mga tinuran
"Baka nagugustuhan ka lamang ng babaeng iyon di mo ba iyon nais mag-kakaroon ka ng kabiyak ng isang prinsesa" Sabi ng Rehav Raquim kaya napa-yuko na lamang ako
"Aanhin ko ang isang Prinsesang walang pag-iingat sa sarili kung narito naman si Amihan magaling sa pakikipag-laban,may magandang wangis at isa pa tunay na mapag-kakatiwalaan di man siya isang Prinsesa ngunit para sa aking ay isa siyang Diyamanteng napaka-halaga para sa akin" Sabi ng Rehav na agad na ikinamula ng aking pisngi
Ano ba ang iyong mga tinuturan Rehav hindi dapat ganito ang aking nararamdaman
Bumibilis na naman ang tibok ng aking puso tila may mga pashneang nag-kakarerahan at sa aking tyan ay may nararamdaman din akong kaka-iba
"Dahan dahan Ybrahim namumula na si Amihan oh" Mapang-asar na sabi ni Rehav Raquim na lalo kong ikinamula agad naman lumapit sa akin ang Rehav at ini-angat ang aking mukha
"Bakit ka namumula Amihan may sakit ka ba?" Nag-aalalang sabi niya at napatawa naman ang Rehav Raquim kaya agad kaming napa-tingin sa kaniya
"Madami ka pang hindi alam sa mga babae Ybrahim" Sabi niya at inakbayan sumi Rehav Ybrahim
"Hayaan mo't tuturuan kita aking Hadia" Saad niya at ginulo ang buhok ng Rehav
"Ano ba ang ibig mong sabihin Aldo bitawan mo na ako baka mayroong sakit si Amihan kaya siya namumula" Sabi niya at sinubukan kumawala sa bisig ni Rehav Raquim
"Wag mo ng alalahanin si Amihan wala siyang sakit" At muling ginulo ang buhok ng Rehav
"Siya wag mo na lamang guluhin ang buhok ko Aldo" Sabi niya at inaalis ang kamay ng Rehav natawa naman ako sa ginagawa nila
Napakalapit nila sa isa't-isa "Ngayon di na tayo makakapag-patuloy sa inyong pag eensayo kaya uuwi na tayo ayusin niyo na ang inyong mga gamit" Sabi muli ni Rehav agad naman kaming nag-unahan ni Ybrahim patungo sa aming mga gamit kanina at nag-pabilisan pa sa pag-ayos nito
"Bilisan niyo mga bata dali ang maiwan ay isang warka" Sabi ni Rehav kaya lalo kaming nag-pabilisan ng Rehav at agad na tumakbo sa puwesto ni Rehav Raquim at sabay lamang kami naka-rating dun habol hininga man kami ng Rehav ngunit parehas lamang kami na tumatawa
Mas masaya pala na may kaibigan kang tunay na isang tao..
.
.
.
.
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
Isa Pang Pagkakataon
FanfictionYbramihan fanfic Different story Author's what if's please support.