Kabanata XX

101 6 4
                                    

Amihan P.O.V.

Nasa aking silid ako namamalagi at nag-handa na ng aking kasuotan, nakita ko ang isang pang-maharlikang kasuotan sa aking higaan

Kay ganda nito,kulay tsokolate ito at nababagayan ng mga puti at itim na diyamante ngunit

Di ito ang nararapat kong suotin sapagkat patutungo ako roon upang bantayan at protektahan ang prinsipe at hindi para mag-saya

Tumawag ako ng isa sa mga dama dito at ipinasauli ang marangyang kasuotan

Kinuha ko naman ang isang itim na long sleeves at itim na leggings ( okay wag na kayo magtaka alam na po ni Amihan mag-english ng konti at ng mga kagamitan nila kasi nga nag-stay siya don diba) kaya kitang kita agad ang hubog ng aking katawan dahil hapit ito sa akin sinuot ko din ang boots ko na may kutsilyo ang suelas oo lahat ng kasuptan ko ay mula sa mundo ng tao dahil ito ang aking nakasanayan na kasuotan tuwing magsasanay ako duon

Ipinatong ko ang gayak pandigma na magpoprotekta sa aking tyan , sa aking balikat,siko at tuhod

Nagsuot na run ako ng isang makapal na guwantes (gloves) upang kung sakali ay may humiwa dito

Isinukbit ko na rin sa aking bewang ang isang belt  ngunit kakaiba ito sapagkat mayroon itong limang supot sa paligid ang isa ay para sa mga kunai ang pangalawa naman ay sa ninja stars at and pangatlo ay para sa aking mga punyal sa pang-apat naman ay mga pampasabog , panglima ang mga pulbura na pampatulog binili ko pa ito mula sa mga hathor buti na lamang at hindi nila ako napagsuspetyahang kalaban.

Sa may gilid ay nilagay ko ang aking pistol at ilang mga bala nito at sa kabila naman ang katana

Nais ko pa sanang dalhin ang aking pana't palaso ko pati na rin ang aking palakol ngunit hindi ko na alam kung saan pa ito ilagagay kaya huwag na lamang muna

Isinuot ko na ang balabal ko na kulay abo at inayos ang aking buhok at ginawang pangipit ang mga punyal may takip naman ito kaya sigurado akong di mapuputol ang aking buhok

Lumabas na ako patungo sa punong bulwagan dahil ayos na lahat ng gamit at kasuotan ko

"Amihan" Tawag sa akin ng Reyna ng Sapiro

"Bakit po mahal na Reyna" Sagot ko rito

"Ano't ipinabalik mo raw ang pinagawa kong kasuotan para sayo di mo ba ito nagustuhan" Maluha luha niyang sabi sa tinagal ko sa sapiro ay parang ina na rin ang turing ko sa Reyna ng Sapiro at ganun din siya sa akin tinuring nya na rin akong anak

"Hindi naman po sa hindi ko nagustuhan ang katotohanan nga po ay napaka-ganda nito kaya baka di bumagay ito sa akin" Sabi ko at ngumiti

Hinawakan niya naman ang aking mukha upang iharap sa kaniya

"Amihan anak napaka-ganda mong bata kaya hindi maaring hindi bumagay sa iyo ang ipinagawa kong damit" Sabi niya na may pag-aalala sa kaniyang mga mata

"Poltre Mahal na Reyna biro lamang ito sa katunayan kasi ay naisip ko po na hindi ako pupunta roon upang makipag-saya pupunta ako roon upang protektahan ang mahal na Prinsipe kung kaya't mas nararapat lamang na gayak-pandigma ang aking kasuotan" Sabi ko sa kaniya at hinawi ang aking balabal upang ipakita sa kaniya ang aking kasuotan

"Avisala Eshma Amihan na iyong inaalala kaligtasan ng aking anak na si Ybrahim at kinalilimutan mo pa ang iyong kasiyahan" Sabi niya at ngumiti ngunit malungkot pa rin ang kaniyang mga mata

"Wag kang mag-alala Ina ito rin naman ang aking tungkulin kung kaya't masaya akong gagampanan ito" Ngumiti ako ng mas malawak pa at di naman ako nabigo at ngumiti na din ng tunay ang Mahal na Reyna

"Andyan na pala si Ybrahim" Sabi ng Mahal na Reyna at tumingin sa aking likuran at agad na pinuntahan si Ybrahim

Ybrahim P.O.V.

Nakita ko si Amihan na kausap ang aking Ina nung papasok na ako sa punong bulwagan

Agad akong nilapitan ng aking Ina ngunit pinagmasdan ko si Amihan napaka-ganda niya bagay na bagay sa kaniya ang kulay abo niyang balabal

"Anak susunduin kayo ni Alena dito upang mapabilis daw ang inyong paglalakbay susunod na lamang ang ating mga kawal duon" Ang sabi ng aking Ina na agad ikinalaki ng aking mga mata

Bakit?bakit si Alena pa ang susundo sa amin?alam na ba ito ni Amihan?

Hindi maari..."Ina siya po b-" Di na natuloy ang aking sinasabi ng may lumitaw sa gitna ng punong bulwagan

Si Alena..

"Alena andiyan ka na pala susunduin mo na ba ang aking anak at ang kaniyang taga-pagbantay?" Sabi ni Ina

"Opo nasan na po si Ybrahim matagal ko ng ninanais na makita siya" Masayang tugon ni Alena sa aking Ina

"Sandali lamang tatawagin ko sila" Sabi ni Ina

Lumapit naman sa akin bigla si Amihan at tumindig na para bang isang taga-pagbantay kawal lamang talaga at walang emosyon sa kaniyang mga mata at mukha

Napabuntong hininga na lamang ako sa kaniyang inasal at humarap na kay Ina

"Mag-kasama na pala kayo halina kayo't naghihintay na si Alena sa inyo" Umalis na si Ina at sumunod na din kami

"Ybrahim mahal ko"sabi ni Alena at tumakbo papunta sa akin para yakapin ako

Agad naman akong umiwas at nag-tago sa likod ni Amihan at si Amihan naman ay agad na nilabas ang isang sandata na mukhang espada? Ngunit payat lamang ito at iniharang sa harap niya

" Poltre mahal na Sanggre ngunit mukhang hindi nais ng mahal na Prinsipe ang iyong gagawin" Malamig at walang emosyong sabi ni Amihan sa kaniya

"Hmp at sino ka naman?!warka!" Bulyaw sa kaniya ni Alena

"Ako ang taga-pagbantay ng Mahal na Prinsipe" Sabi niya pa rin sa malamig na boses habang nanatili ang tindig niya at derecho lamang ang tingin di man lang nag-sayang ng oras sa pag-tingin kay Alena

"Kainis kang Warka ka" Sabi ni Alena "Umalis na nga tayo! Paalam Mahal na Reyna" Sabi niya at humawak naman si Amihan sa balikat ni Alena kung kaya't mabilis kong hinawakan ang kamay ni Amihan

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
End of Chapter 20

Isa Pang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon