Ang pangyayaring yun ay naganap isang taon ang nakalilipas
Bumabalik ako sa mundo ng mga tao ngunit di ko nadadalaw si Izzy namimili lamang ako ng karagdagang bala sa mga baril t iba pang mga armas
Kung tinatanong niyo kung ano ang aking baril ay pistol lamang ito dahil ayoko bumili ng malalaking baril
Maroon din ako ng sandamakmak na kunai, at ninja stars na tinatawag nila meron ding katana at marami pang uri ng iba't-ibang sandata
Ng makabalik ako dito ay agad na pinaayos ko ang kalidad sa mga askano at pinaayos ang bawat talim nito
Mayroon ding iba't-ibang klase ng bomba kaya ingat na ingat ako rito dahil baka sumabog na lamang bigla ngunit mas madami ang flask bomb at smoke bomb yun ang mga bomba na gumagawa lang ng ingay kaakibat ng liwanag ang flask bomb at usok naman sa smoke bomb
May mga likido din akong pampatulog kumbaga at ang mga pulbura naman na pampatulog ay dito ko na binili sa mga hathor
Suot ko pa din ang isang walang emosyong mukha at gamit pa din ang malamig na boses hanggang ngayon dahil nasanay na akong ganito
"Pupunta tayo sa Lireo, Amihan natapos na ang iyong pag-sasanay at ina-asahan ko na mapapangalagaan mo na ang aking anak dahil alam kong nanganganib ang kaniyang buhay dahil sa siya ang susunod na taga-pagmana ng Sapiro" Bulong sa akin ng Haring Armeo tumango lamang ako
Bago pa man ako maka-punta sa aking silid upang mag-handa sa pag-tungo sa Lireo ay may isang kamay na humila sa akin patungo sa dilim
Sinandal niya ako sa pader at kinulong sa kaniyang mga bisig
Nagulat man ako sa ginawa niya ngunit pinanatili ko ang walang emosyong mukha ko
Ngayon kitang-kita ko na ang mukha ng Rehav Ybrahim na sobrang lapit lang sa akin dahil siya ang taong kumulong sa akin sa kaniyang mga bisig
"Amihan kinagagalak kitang makita" Sabi niya at ngumiti ng pag-kalaki laki
"Ako din" Malamig na sabi ko sa kaniya dahil di ko pa rin makalimutan ang nangyari noon..
Ang makitang magkadikit ang labi nila ng Alenang iyon pakiramdam ko'y dinurog ang aking puso ng makita iyon
Flashback
Nag-sasanay kaming mag-kasama ni Ybrahim sa pangunguna ni Rehav Raquim ngunit may bumisita sa amin na diwani ng Lireo ang Diwani AlenaHiniling niyang maka-sama si Ybrahim di man ako payag ay wala na akong magagawa sa anim na buwang lumipas ay naging magka-sintahan kami ni Ybrahim sa aking isip dahil labing anim na taong gulang naman na ako ay ayos lamang ito at alam ko naman sa aking sarili na may nararamdaman din ako sa kaniya
Naka-tulala lamang ako habang iniisip kung anong ginagawa nila may tiwala naman ako kay Ybrahim ngunit wala akong tiwala sa Alena na yun dahil kitang-kita naman sa mata niya na may pag-nanais siya kay Ybrahim
Lumipas ang ilang oras ay di pa sila bumabalik gusto ko ng umalis at hanapin sila ngunit di ko magawa kaya nanatili lamang ako dito
"Amihan hanapin muna sila parating na ang dilim kailangan na nating umuwi" Sabi ng Rehav Raquim kaya sinunod ko siya at agad na hinanap ang dalawa hanggang makarating ulit ako malapit sa talon
May narinig akong nag-tatawanan at nakita ko naman di kalayuan ang pigura ng dalawang tao kaya agad akong lumapit duon
Ngunit ng makita ko sila sa malapitan ay para bang gumuho ang aking mundo..
Mag-kayakap sila habang nag-hahalikan di ko alam kung anong gagawin ko dahil tila tinakasan na ako ng lakas dahilan upang mabitawan ko ang aking sandata at mapa-upo
Malakas ang naging tunog ng pag-bagsak ng aking sandata ngunit wala akong pakielam
Patuloy pa rin ako sa pag-hagulgol dahil sa sakit na nararamdaman ko
Paano..
Paano nagawa sa akin ito ni Ybrahim..
Bakit..
Iyak lamang ako ng iyak na di ko namalayan na nakalapit na pala si Ybrahim sa akin
"Amihan, Amihan mag-papaliwanag ako" Sabi niya at hinawakan ang magkabila kong braso agad naman akong natauhan dahil don dahilan para umiling iling ako at tanggalin ang kamay niyang naka-hawak sa akin
"Amihan" Sabi niya pa at nag-tangkang hawakan ako ulit ngunit tinulak ko agad siya at kinuha ang aking sandata at umalis na sa lugar na iyon
Simula din non ay di na ako sumama sa pag-sasanay sa kanilang dalawa ng Rehav at piniling mag-isa na lamang mag ensayo
End of flashback
Nakatitig pa din sa mukha ko si Ybrahim ngunit pinanatili kong walang emosyon ang mukha ko kahit na gustong gusto ko na ulit umiyak dahil naalala ko na naman ang pangyayaring yon
Mukha nga di pa din ako nakaka-move on yan ang tawag nuon ni Izzy eh
"Amihan labis akong nangulila sayo kung alam mo lang" Pag-basag ni Ybrahim sa katahimikan nanatili lamang akong tahimik at wala pa ring ekspreayon sa mukha
Ayoko ipakita sa kaniya na mahina ako. Ayoko ipakita sa kaniya na hanggang ngayon mahal ko pa din siya.
"Ybrahim kailangan ko ng umalis kung maari lang ay pakawalan mo na ko" Malamig na sabi ko sa kaniya at sinubukan tanggalin ang bisig niyang nakaharang sa akin
Di naman ako nabigo dahil natanggal ko ito kaya naglakad na ako paalis dun ngunit di pa man ako nakakahakbang ay naramdaman ko ang isang bisig na yumakap sa akin
"Ayoko Amihan ayoko na uling mawala ka sa tabi ko mahal na mahal kita" Sabi niya at nababakas ko na din ang pag-iyak niya sa kaniyang boses
Niyakap niya ako pa talikod at mas lalo pang hinigpitan ito na tila ba ayaw niya na akong pakawalan
"Di ako ang may kasalanan kung bakit ako nawala sayo kaya puwede ba bitawan mo na ako wala ng namamagitan sa ating dalawa ituring mo akong isang bantay mo lamang at ituturing kitang isang prinsipe na aking pangangalagaan" Malamig at matigas na sabi ko sa kaniya ngunit di pa din niya ako binibitawan
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.End of Chapter 18
BINABASA MO ANG
Isa Pang Pagkakataon
FanfictionYbramihan fanfic Different story Author's what if's please support.