Kabanata VIIII

122 6 2
                                    

" Mata.. Bumangon ka mata" sabi ng isang tinig kaya naman nagising ako sa aking pag-kakatulog

lumakad ako ng adiretso habang sinusundan ang tunag na tumawag sa akin

"Panahon na Mata nagkita na ang dalawang itinakda ang magtatapos ng kasamaan sa Encantadia kailangan mong mapapayag ang ina ng isa sa kanila dahil ang paglalapit nila ay ang magiging paraan upang hindi maulit ang nakaraan" sabi ng isang usok

"Ngunit paano ko malalaman kung sino ang dalawang itinakda" tanong ko sa kanila

"'Ngayon ipakikita ko sayo ang tatlo mo pang bersyon sa iba't ibang dimensyon" sabi muli ng usok pagkatapos nuon ay may tatlong usok na nabuo

Ang unang usok ay bumuo ng isa'ng tao at kamukhang kamukha ko siya pati na rin ang kanyang kasuotan ay tulad ko lamang ngunit ang kaibahan ay ang kanyang mga mata sapagkat ito ay kakulay ng lupa

Sumunod naman ang isang babae na akin ding kawangis ngunit kakaiba ang kaniyang kasuotan at natitiyak ko na nanggaling siya sa mundo ng mga tao mayroon naman siyang berdeng mga mata

Ang pangatlong usok ay bumuo naman ng isa pang babae na kamukha ko rin at ang kaniya namang kasuotan ay parang katulad din sa mundo ng mga tao ngunit ang kaibahan ay gusto gusot ito at marumi

"Ako si Cassiopeia" sabi ng unang usok

"Ako naman si Cassy" masungit ang pagkakasabi niya sa mga katagang iyon

"Ako nga pala si Cass" sabi ng ikatlong babae at iginawad nya sa akin ang isang matamis na ngiti at inabot ang kaniyang kamay

kumunot naman ang noo ko dahil sa kamay niyang nakalahad sa unahan ko ngayon

"Ay halah sorry di mo ng pala alam yung shake hands ganito na lang tuturuan kita" sabi nya habang nangangamot sa kaniyang batok

"Una aabutin mo yung kamay ko"sabi niya saka kinuha ang aking mga kamay

"Tapos ganito" at dahang dahan niyang itinaas baba ito

nginitian niya ako muli pagkatapos non kaya sinuklian ko na lamang siya ng ngiti

"Ako si Mata ang mata ng encantadia ang anak ni Memen at Ornia" sabi ko sa kanila

"Ako rin sila ang aking Ama't ina ako din ang mata ng Encantadia si Unang dimensyon at isa akong Hara durie" nagulat ako sa isinaad niyang iyon

"yeah whatever my mom and dad is Memen and Ornia too but my guardian is Lola Esmeralda s i don't really know my parents. I'm an actress obviously i'm so maganda kaya at kahit magkakamukha tayo mas maganda pa din ako sa inyo and isa pa i'm a psychic." sabi ni Cassy di ko maintindihan ang kaniyang mga itinuran

"Pagpasensyahan niyo na ito si Cassy ganyan talaga yan ako din yan ang pangalan ng aking mga magulang ngunit sa kasamaang palad ay maaga silang binawi sa akin. Isa lamang akong manghuhula at albularyo sa aming barrio." sabi naman ni Cass atsaka ngumiti

"At ngayong kilala niyo na ang isa't isa ay nararapat mo ng itanong sa kanila Mata ang nais at dapatmong malaman"sabi muli ng usok

"Sino ang dalawang itinakda?"sabi ko sa kanila at hindi na nag-paligoy ligoy pa

"Si Amihan ang Hara Durie ng Lireo at si Ybrahim ang Rama ng Sapiro" sabi ni Cassiopeia

"Si Amie at si Ybry" sagot naman ni Cassy

"Si Ami at si Ybarro" sabi naman ni Cass

"maari niyo bang ikuwento kung ano ang kanilang mga naging bugna?" tanong ko sa kanila

Isa Pang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon