Chapter 5

1.1K 48 0
                                    

"MARIAN MENDOZA! ANO YANG NGININGITI NGITI MO RIYAN?! TATAWAG NA BA AKO NG PINAKA MATAPANG NA GUARDYA!"

Bumalik ako sa realidad nung biglang sumigaw si Prof Matapang. Lunes na pero hindi parin mawala sa isip ko si Gab, hindi mawala sa isip ko kung paano nya hinatid. Nakangiti akong umiling kay Prof, tinaasan nya ako ng kilay.

"ISA PANG NGISI MENDOZA! MAG PAPATAWAG NA AKO NG PINAKA MATAPANG NA GUARDYA!"

Nakanguso nalang akong kumamot sa ulo. Aish. Kasalanan ko bang iniisip ko crush ko? Saka huwag kayo, ako palang ang babaeng hinatid ng crush ko sa bahay. Buti nalang talaga abala sila Mommy sa panood sa TV kung hindi bistado ako.

Baka ang isipin nila nag sisinungaling ako sakanila, baka isipin nila na nakikipag harutan ako sa dis oras ng gabi.

"Nakita kita kagabi, hinatid ka ni Gab. Kilala mo pala sya? Sanaol. Diba crush mo yun? Wow, sanaol close yung crush!"

Napasinghap ako sa hangin nung biglang bumolong si Claire sa tenga ko. Napahawak ako sa puso ko sa gulat, tiningnan ko sya ng masama ngumisi naman sya. Napatingin ako kay Margaux, busy sya sa pag susulat hindi nya yata alam namay pinag uusapan kami.

Buti nalang kung hindi, baka mag tawag na talaga si Prof Matapang ng pinaka matapang na guard dahil may mag bubulung bulong nanaman na bubuyog na tao.

"Tumahimik ka, hindi ako yun." Seryoso kung saad. Ngumisi naman sya ng nakaka asar at pasimpleng sinundot ang tagiliran ko, lalo ko naman syang sinamaan ng tingin. "Ikaw Marian, ha! Masyado kanang ma sikreto sa akin, ha! Hayaan mo hindi ko sasabihin kay Marga---" hindi nya na natapos ang sasabihin nya nung may mag salita.


"Anong sikreto? Ano ang hindi nyo sasabihin sa akin?" Napanguso pa si Margaux na akala mo ay bata na hindi binilhan ng chocolate ng magulong. Pinanlakihan ko ng mata si Claire ngumiti naman sya ng peke kay Margaux.

"Ay wala! Saka sinabi ko ba pangalan mo? Hindi diba?" Maang maangan na saad ni Claire nag kibit balikat pa ang luka kaya lalong napa singkit ang mata ni Margaux. Nang tumungin ito sa akin ay nag kibit balikat rin ako.

"Wala akong alam dyan, baka crush mo pinag kakalat." Pag papalusot ko napataas naman ang kilay ni Margaux sabay tingin ng napaka sama kay Claire. "Yang bunganga mo Claire, kapag kay kumalat na chismis! Humanda ka sa akin!" Napaka sama ng tingin ni Margaux kay Claire kaya nanlaki ang mata ni Claire.

"Gagie! Wala akong pinag kakalat! Ang pinag uusapan namin ni Marian si Ga---" hindi na nya natapos ang sasabihin nya nung biglang may sumungit na Leon este Dwente este tao palang unano, pero matapang.

"KAYONG TATLO! TATAWAG NA BA AKO NG PINAKA MATAPANG NA GUARDIYA?!"

Umiling kaming tatlo kay Prof Matapang, pati iling namin ay sabay na akala mo ay pinag practisan. "Tumahimik kayong tatlo." Pag babanta ni Prof tumango lang kami rito.

Natawa ako sa loob ko dahil mukhang ewan si Claire. Hindi nya kasi natuloy ang chismis nya, kaya text Prof Matapang.


Napaka rami naming nilesson ngayon, napaka tambak na gawain at quiz ang binibigay sa amin. Malapit na kasi ang final namin, malapit na kaming mag bakasyon! At ang aking pinaka hihintay. Malapit na kaming mag tapos.


"Class Dismiss!" Sabay sabay kaming tumayo ng mga kaklase ko. Halos lahat ay pagod dahil sa gawain at mga pinagawa ng mga Prof namin. "Diretso uwi kana, Yan?" Tanong nung isang kaklase ko tumango ako sakanila.

"Oo uuwi na kami. Bakit? Ang dami nating gawain diba?"

Kumamot sa ulo si Berry. "Birthday kasi ng kapatid kung si straw, gusto kanyang i-invite pero na hihiya sya, kung pwede sana pumunta kayong tatlo sa birthday namin ng kakambal ko, oh?" Mahabang paliwanag nya. Nag katinginan naman kami.


The Pain In 12:51 (12:51 Series #1)Where stories live. Discover now