SPG: Alert!
Nandito kami ngayon sa Tagaytay, 24 na ngayon at hihintayin nalang mag 12. Sa ilang araw na mag kasama namin nila Gab ay lalo ko syang nakilala.
Hindi lang sya clingy, sobra pa sa sobra ang pag kaclingy nya! Juice colored alam nyo ba nung gabing katawagan ko si Jersey. Natawa ako dahil may babaeng kumakatok sakanya at mukhang galit na galit.
Nang mababa ko yung tawag! Alam nyo yung itsura ni Gab?! Naka cross arms sya na parang bata! Yung batang sinabihan ng mama nya na walang pera pero meron naman HAHAHA!
Natawa ako nung irapan nya ako at hindi pinansin. Pero wala panamang 30 mins pinansin nya na ako. Tsk! Akala ko babae lang marupok, pati pala lalaki. Gosh!
"Yanie! Dito na kayo! Mag ca-count down na tayo!" Tuwang tuwa na saad ni Tita chie. Binuhat naman ni Gab si Gavyn at pumunta kami sa mahabang lamesa. Pinaikutan namin yung lamesa namay laman. May camera na naka tapat sa amin. Buti nalang may dala akong tripod kung hindi baka mag kulang kami!
"10..."
Napangiti ako nung hawakan ni Gab yung kamay ko.
"9..."
Yinakap ko yung mag ama ko.
"8..."
Hinawakan namin ang kamay ni Gavyn. Ang cute ng kamay nya ang liit.
"7..."
Nag tawanan kami nung sumabog yung confetting hawak ni Boboy.
"6...5...4...3...2...1"
"MERRY CHRISTMASSSSSS!!!!"
Sabay sabay naming pinaputok yung confetti namin. Humalik ako kay Gab, syempre sa pisnge lang no! May batang nasa harap namin, juice colored nakakahiya naman kung mag tukaan kami dito sa harap ng pamilya namin.
Humalik ako sa pisnge ni Gavyn. Nag batian din kami ng Happy Birthd---Este Happy Birthday. Nag kainan kami pag katapos ng batian.
Nakalimutan kung sabihin sainyo na nandito kami sa Tagaytay. Sa isang bahay na binili namin, dito daw sila matutulog pero babalik sila bukas. Napag pasyahan kung umuwi pag katapos nitong kainan. Naiwan ko kasing naka saksak yung aircon ng kwarto ko.
At ang bobong kapatid ko hindi sinara yung pintuan ng kusina namin kaya kailangan naming bumalik. Kasama namin si Gab. Kaming tatlo ni Gab at Gavyn ang uuwi.
"ARAT INUMAN!" Tuwang tuwa na saad ni Margaux napangiwi ako sakanya. "Pass kami ni Gab, may byahe pa kami, eh" Nakangiwing saad ko. Nilakihan nya naman ako ng mata, kaya napataas ang kilay ko.
Aba aba mukhang may binabalak ang lukang ito, ha!
"Makisama kana bakla huwag kang KJ!" Gigil na bulong nya sabay hatak ng buhok ko. Sinamaan ko sya ng tingin pero ngumisi lang ito. "ARAT NA MARIAN UPO KANA DITO, Gab!" Tinapik nya pa yung upuan sa tabi nya, tinawag pa nga si Gab.
Sinamaan ko sya ng tingin, at binigyan ng 'Papatayin kita kapag nalasing kami look' ngumisi lang sya sabay salin sa baso ko. Nakita kung may sinabi si Gab kay Gavyn bago nya ito ibaba. Nakita kung nakipag laro si Gavyn doon sa mga kapatid kung walang inatupag kung hindi ang ML.
Nang mag tama ang tingin namin ni Gab ay ngumiti ito sa akin ng tipid bago umupo sa tabi ko. "MARIAN! INUMIN MO NA!" Natatawang saad ni Margaux pinakyuhan ko sya sabay tungga ng inumin. Tsk! Walang lasa!
Nag paikot ikot ang baso hanggang sa mag kwentuhan na kami. Anim lang kaming na inom. Ako, Gab, Margaux, Claire, si boboy na nag Ml sa gilid pati si Lynlyn na may kachat din habang nag ML. At yung isa naman ay si Daddy na nakiki shot din. Habang nag E-Ml.
YOU ARE READING
The Pain In 12:51 (12:51 Series #1)
Romance"The 12:51 time had a curse, curse that give you a fucking worst life, worst life that you will not forget, but every pain had a happiness and I called it THE PAIN IN 12:51" ---Marian Yara Mendoza Date written: December 10, 2020 Date Finished: Decem...