Chapter 32

612 10 0
                                    

"Naks naman, blooming si inday, na diligan yata!" Sinamaan ko ng tingin si Margaux, nandito kami sa isang cafeteria. May pasok na kaya ito mag kakasama nanaman kami nila Margaux. Tsk! Mas gusto ko pang kasama si Gab, eh! Lalo na kapag nasa isang kwarto kami.

Char HAHAHAHA! Wala nang sunod na nangyari sa amin no! Naging mas sweet lang sya sa akin, sana mag tagal ang kasweetan nya! May tiwala ako sakanya hehe!

"Namumula si Inday!" Bumalik ako sa realidad nung mag 'Ayieee' sila. Tiningnan ko sila ng nag tataka. Anyare? Bakit sila nag aayieee? Anong meron?

"Ay lutang si inday!" Hinampas pa ako ni Claire sa braso, mahina lang ang pag hampas nya hindi kagaya ng kay Bebang, mahuhulog ka talaga sa upuan. Teka sino ba si inday? Kanina ko pa sya naririnig!

Tiningnan ko ang kaliwa't kanan ko, wala namang tao, tumingin pa ako sa ilalim ng lamesa pero wala din, nakikita ko lang ay ang iba't ibang klase nilang panty. Sana all avon panty ako kasi ibon yung may pakpak ba.

"Gaga anong tinitingnan mo dyan?" Natatawang saad ni Berry gusto ko sanang itanong kung bakit hindi sila nag sho-short or cycling man lang pero huwag na nakakatamad. "Wala hinahanap ko lang si Inday, kanina nyo pa kasing menemention, eh." Inosente kung saad sabay sipsip sa milktea ko.

Nag tinginan silang tatlo at sabay sabay na umiling. "Tsk! Loka ka talaga, ayon yung jowa mo, day oh! Satingin ko hindi kapa nya nakikita, tawagin mo para malibre ako ni Gerald." Saad ni Margaux. Satingin ko kahit hindi ko na sya tawagin ay lilingon si Gab sa amin

Alam nyo kung bakit? Ang ingay ng bibig nya, eh! Sarap tampalin, tsk! Nang lumingon si Gab sa likod nya ay parang may hinahanap sya siguro yung bibig ni Margaux yun, nang mag tama ang tingin namin ay ngumiti sya ng tipid sabay sign ng wait.

"Ayieeeee! Palapit na yung jowa nya, sana all no?!" Tiningnan ko ng masama si Margaux ang ingay kasi ng bibig nya eh! "Sana all talaga marga!" Nag apir pa ang tatlong walang jowa, tsk! Tsk! Parehas silang walang jowa pero napaka rami ang katawagan.

Nang lumingon ako sa counter ay nakita ko si Gab na inaasar nung dalawa nyang kaibigan. Nang makalapit sila sa amin ay umalis sa tabi ko si Berry. Umopo si Gab sa tabi ko hawak nya yung libro na regalo ko, ngumiti sya ng tipid at ganon din ang ginawa ko.

"Ay nag kakahiyaan ang dalawa HAHAHAHA!" Sabay naming inirapan si Gerald nag usap ang limang walang jowa. Nang tumingin ako kay Gab ay nakita kung busy na sya sa pag babasa. Kinuha ko yung panyo ko at pinunasan ang pawis nya

"Wala kabang dalawang payong, Ebs? Pawi----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung may limang demonyong sumingit

"Sana all, may jowa." Saad nilang lima, nag apiran pa sila na mukhang timang, inirapan ko lang sila at tumingin kay Gab. "Musta pag i-intern mo? Hassle ba?" Nakangiwi kung saad, ngumiti sya sa akin ng tipid mukhang wala syang tulog.

"It's okey, maayos naman, I need rest yun lang ang kailangan." Nakangiwi nyang saad, humigab pa sya na antok na antok. "Tara, Ebs samahan kita matulog." Nakangiting saad ko. Tinaasan nya ako ng kilay, pati ang limang timang na nag uusap ay napatingin din sa amin habang nakangisi.

"Sana all baby boy, may kagaya ni Yan na jowa!"

"Tama! Tama! Hindi lang sweet magaling pa sa ka---Sa pag asikaso!" Napatingin ako kay Gab nung samaan nya ito ng tingin. Natawa nalang ako. "Hoy huwag kayo! Sasamahan ko lang sya matulog sa condo nya saka ipag luluto narin!" Nanlaki ang mata ni Claire at Margaux. Tiningnan nila ako habang nakangisi.

"Talaga marunong kang mag luto Marian? Ano kakainin nyo? Isa't isa?" Nag tawanan silang lima, napailing nalang kaming lumabas ni Gab sa cafeteria. Dumiretso kami sa parking lot.

The Pain In 12:51 (12:51 Series #1)Where stories live. Discover now