Chapter 37

538 13 0
                                    

Kanina pa ako natawag kay Gab pero wala pading nasagot. Tiningnan ko yung oras mag aalas nuebe na ng gabi napa buntong hininga nalang akong umopo.

Kasama ko si Thyme ngayon, kakatapos lang naming ma interview kanina, nang maka upo ako ay ngumisi sya.

"Nag sisi ka sa sinabi mo, no? At dinamay mo pa ako." Sarkastika nyang saad napairap naman ako. "Aish! Sinunod ko lang naman kasi ang utos ni Manager Kla!" Inis na inis na saad ko. Umirap lang sya.

"Pero ang puso mo hindi mo sinunod?" Nakangisi na nyang saad. Bumontong hininga ako at tiningnan ang picture namin ni Gab. Ito yung araw na sinagot ko sya, kikay pa ako dito samantalang si Gab ay napaka gwapo tsk! Wala syang pinag bago.

Ngumiti ako ng mapait. Siguro kung mababalik ko lang ang mga araw na libre pa kaming dalawa yung tipong palagi lang kaming masaya, palaging nag aaway pero nag kakabati naman. Kung mababalik ko lang ang araw nayon siguro mas gugustuhin ko pang mag stay nalang doon.

Pero ang hinihiling ko ay mahirap, kahit sumuka o lumuha pa ako ng dugo dito ay hindi ko na mababalik ang araw kung gaano kami kasaya.

"Oh natahimik ka? Natamaan ka no? Tsk! Ayusin mo yan baka umiyak kapadyan ang panget mo panaman." Nakangiwi nyang saad. Inirapan ko sya, pero may point din sya. Ako ang nag sira kaya kailangan ko syang kaupasin.

Siguro nasa condo na sya ngayon, bumontong hininga nanaman ako sabay kuha ng susi ng kotse ni Thyme, nanlaki naman ang mata ni Thyme. "Hoy susi ng kotse ko yan, ha! Anong gagawin mo?!" Gulat na gulat na saad nya. Ngumiti ako sakanya.

"Bahala kadyan! Pahiram muna bye!" Mabilis akong lumabas. Narinig ko ang pag tawag nya pero hindi ko yun pinansin, pinaharurot ko yung sasakyan nya. Tumama pa yon sa gate nya kaya natawa ako. Kawawang sport car ni Thyme. May gasgas na.

Halos liparin ko na ang kalsada sa sobrang bilis ng pag papatakbo ko. Mabilis rin naman akong naka punta sa parking lot ng condo ni Gab. Halos takbuhin ko na ang hagdan para mabilis na maka punta sa Condo nya.

Habol hininga akong tumigil ng nasa harap na ako ng Condo ni Gab. Parang gusto ko nang umuwi at huwag ng mag pakita sakanya dahil sa hiya ko. Bumontong hininga ako at dahan dahang binuksan ang condo ni Gab.

Nang makapasok ako ay sinara ko yun ng marahan, madilim ang condo ni Gab. Kinapa ko pa yung pindutan ng ilaw ng buksan ko yun ay nagulat ako nung makita ang napaka raming alak sa baba.

Hinanap ko agad si Gab. Pumasok ako sa kwarto nya, nanlaki ang mata ko nung makita ko si Gab na naka upo sa dulo ng kama nya habang nakatingin sa labas. May hawak syang alak sa kabilang kamay nya.

Parang may kung anong pumiga sa puso ko nung makita si Gab na naiyak, nag tama ang paningin namin. Napakurap pa sya ng ilang beses bago ako inirapan, pinahid nya yung luha nya sabay inom sa alak na hawak nya.

"G-gab..." nanginginig na saad ko. Parang gusto kung maiyak nung makita ko si Gab na umiiyak ng dahil sa akin. Sheet anong ginawa mo, Marian? Si gab yan! Si Gab na mahal na mahal ka, sya ang nag papasaya sayo at nag bigay ng lahat pero bakit? Bakit mo sya ginanto? Bakit mo sya pinaiyak.

Nang mag tama ang tingin namin ulit ay nakita ko ang walang expresyong mata nya. "Makikipag hiwalay kaba kaya kanandito?" Malamig na saad nya. Nagulat naman ako sa sinabi nya.

Ayon ba yung iniisip nya? Yun bayon? Akala nya makikipag hiwalay ako? No! No way hindi ako makikipag hiwalay sakanya! Hindi ko kayang wala sya, kahit hindi kami madalas na nag sasama mahal na mahal ko sya no!

Sya ang nag paranas sa akin ng lahat, sakanya ako unang naging masama, at pangakong sakanya rin ako magiging masaya hanggang sa dulo!

"Hindi ka makasagot kasi tama ako diba? Your breaking up with me?" Sarkastika nyang saad. Bumalik ako sa realidad kung saan nakikita ko si Gab. Yung Gab na umiiyak dahil sa akin. Yung gab na nasasaktan dahil ulit sa akin. Sheet Marian! Bakit ba napaka bobo mo? Si Gab yan! Si Gab na never kang pinaiyak pero ikaw pinaiyak mo! Napaka gaga mo talaga marian! Ang gaga mo!

The Pain In 12:51 (12:51 Series #1)Where stories live. Discover now