"Yan sasama kaba?" Nagising ako nung yugyugin ako ni Claire. Nakabihis na sya ng black sleeve less fitted dress. Tumango ako sakanya, gusto kung uminom ngayon, eh. Pumasok ako sa Cr at naligo. Nag suot ako ng sexy crop top slim long sleeve off shoulder shirt short tops and pair of ripped jeans and black stiletto.
Iba yun ha, napapa ingles ako.
Nang makalabas ako ay naka ayos na sila, mag aayos pa sila magugulo rin naman yan. Napailing nalang akong nag suklay sa salamin. Hindi ako nag tali at hinayaan ko lang na naka laglag ang buhok ko.
Nag liptint lang ako, Bb cream, Concealer, Maskara, Eyeliner, at foundation. Pag katapos ay kinuha ko yung itim na pouch sa gilid. "Arat na?" Saad ko tumango sila. Sabay sabay kaming lumabas ng bahay at exsaktong exsaktong pag labas namin ay saka pag dating ng sundo namin.
Kasama namin si Calvin at Jersey. Nakangiti kaming kumaway sakanila. Nang makapasok kami ay nag tawanan kami. "Calvin saan mo ninakaw itong sasakyan?" Tanong ko sa Ferrari ni Dinadrive ni Calvin nanlaki naman ang mata nya
"Marian ano ano bayang lumalabas sa bibig mo! Ako mag nanakaw? Wow! Rich kid to men! Kaya nga kitang bilhin, eh!" Pinakyuhan ko si Calvin kaya nag tawanan kami.
"Naks naman gwapo mo yata ngayon Jersey, ha! Iba talaga kapag broken nag lelevel up!" Pag pupuna ni Margaux kay Jersey. Natawa kami nung makita ang mukhang nag mamalaki ni Jersey. Paayos ayos pa sya ng polo nya na akala mo timang.
"Thank you Marian, simula ng i-break este i-friend zone mo ako ay nag liwanag ang mundo ko." Sabay sabay kaming nag tawanan. Dahil yung itsura ni Gab ay parang ewan. Mukha syang adik na nag papagwapo. Laptrip din talaga kapag kasama mo tropa mo! Ngayon nalang ulit kami na buo, ha?
"Ulol mo Jersey!" Napailing nalang kami nung ipag malaki nya ang mamahalin nyang Rolex. Sana all.
Nang makababa kami sa mamahaling Ferrari ni Calvin. Ay humawak sa bewang ko si Jersey humawak naman kay Jersey si Claire, humawak si Calvin kay Claire at si margaux naman ay humawak kay akin.
Sabay sabay kaming natawa nung hindi kami nag kasya sa entrance ng bar. "Hawak kamay lang mga teh?" Bungad sa amin ni Berry napailing lang sya at humawak kay margaux. Hinila nya patagilid si Margaux kaya nag kasya kaming lahat
May naka reserve ng table sa amin kaya doon kami umopo. "Naks naman may free drinks!" Saad ni Margaux at tinungga yung tequila. Napangiwi ako dahil hindi man lang sya nag lemon or nag asin. Juice colored! Tao ba sya? O hayop sya? Char.
"Pupunta daw ba si GAB?" Nung banggitin ni Margaux yung pangalan ni Gab ay tumingin ito sa akin habang nakangisi. Inirapan ko naman sya. Halatang halatang nag paparinig, eh! Ano namang pakialam ko doon sa lalaking yun?!
Nag salin ako ng vodka at tinungga yun ng sunod sunod. Bwiset! Parang gusto kung makipag sa bunutan, amp! Naiinis ako sa lalaking yun! Gusto nya daw ako tapos may kalingkisang babae!
Bwiset talaga kapag nakita ko talaga sya papatayin ko sya! Papatayin ko sya sa pag mamahal, bwiset sya! CHAR!
"Ewan ko don may duty yata sya, alam nyo na? Doctor thingy slash business man!" Natatawang saad ni Berry. "Oh, ayan na pala sila Jiro, oh..." napatingin ako sa entrance napangiwi ako nung hindi ko sya nakita. "Wala nga lang ang bebe ni Marian." Sinamaan ko ng tingin si Claire. Nginisihan nya lang ako.
Lumapit sa table namin sila Jiro at Gerald. Napataas ang kilay ko nung mag shake hands sila nila Jersey. Oh? Makakilala sila? Bat hindi ko alam?
"Where's Gab?" Tanong ni Straw. Nakaka dating lang, naka kulay pula syang fitted dress, naka lugay din ang buhok nya kaya lalo syang gumanda. "Busy daw sya." Nag kibit palikat pa si Gerald. Napairap nalang ako saka tinugga yung tequila. Bwiset!
Baka busy sa babae nya, teka nga? Bakit ako nag kakaganto?
Napairap nalang ako. "Hoy Marian, huwag kang mag papalasing baka sakalin kami ni Baby boy!" Natatawang saad ni Gerald nag tawanan din sila. Tinaasan ko lang sya ng kilay sabay irap. "Wala akong pake." Nag salin ako ng Jack Daniels, saka ako tumayo kasama yung basong sinalinan ko.
Habang nag lalakad lakad ako sa loob ng bar ay saka naman pag tawag ng mga kaibigan ko. Kaya bawa't lamesa ay nakaka tungga ako, paano ba naman hindi ako makaka hindi close ko silang lahat.
Napanguso ako nung makitang nag dadala na ang paligid. Nakita ko sila Margaux na nag sasayaw sa stage nitong bar. "Hey!" Nakangiti akong kumaway sakanila ngumiti rin sila at pinapapunta sakanila.
Nang makalapit ako sakanila ay agad na ngumiti si Margaux. "Hoy, saan ka nag punta? Nag padilig kano? Sumbong kita kay Manager Kla saka kay Tita Gra----" agad ko syang binatukan. Tumawa lang sya na akala mo ay demonyo. Ay mali demonyo pala sya.
"Gaga hindi, nakipag usap lang ako sa mga friends ko." Tumango si Margaux. Napataas ang kilay ko nung makitang naka ngiwi si Jersey. "Anyare dyan?" Turo ko kay Jersey nag tawanan naman sila.
"Wala daw syang mahanap na chix, eh! Isayaw mo nga Yan!" Natatawang saad ni Calvin tinulak naman ako ni Margaux kaya nilagay ko yung kamay ko sa balikat nya habang nakangisi. "Musta? Hina mo yata ngayon?" Natatawang saad ko. Umiling sya sabay kamot sa ulo.
"Wala, walang magaganda." Napairap ako. "Anong wala maganda kaya ako!" Nakangusong saad ko ngumiti sya. "Kailan kaba naging maganda?" Sinamaan ko sya ng tingin. Tumawa lang sya.
"Ayieeeeee! Sana all, nag tatawanan! Anong meron?" Napatingin kami kay Calvin na pulang pula na ang mukha. Napailing nalang kami. "Ginaganyan mo na ako, ha? Hindi mo na ako crush?" Nakangusong saad ko tumawa naman sya ng nakaka asar.
"Hindi na." Napanguso naman ako. Bigla akong napangisi sa na isip ko. "Talaga?" Nilapit ko yung mukha ko sakanya. Nakangisi syang umiling. Kaya mas nilapit ko pa ang mukha ko. "Talaga? Talagang talaga?" Nakangising saad ko, mas lalo ko pang nilapit ang mukha ko.
Nakita ko ang pag mumula ng mukha nya nung 1 inch nalang ang layo ng mukha ko sa mukha nya. Mag kadikit na nga yung ilong namin, eh. Narinig ko ang hiyawan nila Margaux. "Bibigay nayan! Si Jersey namumula, ayieeee! Kay Marian lang marupok!" Natawa ako sa sinabi ni Calvin. Pulang pula na ang mukha ni Jersey, iniiwas nya rin ang tingin nya sa akin pero hindi nya magawang umiwas dahil kung saan punta ng mukha nya nandoon din ang mukha ko.
"Baby Boy! Sandali lang, kakarating mo palang aalis kana!" Agad akong napa bitaw kay Jersey nung marinig ko ang sigaw ni Gerald. Napatingin ako sa entrance nakita ko si Gab na palabas. "Alis na muna ako, ha?" Pagewang gewang na saad ko.
Kumaway rin sila habang inaasar si Jersey. Kahit na hihilo ay mabilis akong tumakbo palabas. Naabutan ko pa sila Jiro samay entrance. "Asan sya?" Tinuro nila ang parking lot kaya mabilis akong pumunta roon.
Nang makapunta ako sa parking lot nitong Bar. Ay walang tao dito at puro kuliglig lang ang naririnig. Inikot ko ang paningin ko sa kaliwa't kanan. Pero wala akong nakikitang kahit anong anino nya.
Napahawak ako sa ulo ko nung makaramdam ako ng hilo mapapahiga na sana ako sa lupa pero may sumalo sa akin na ikinangiti ko. Bago pa ako mawalan ng malay ay narinig ko ang boses nya.
"Damn, your making me damn jealous Yara."
****
4:15 pm na po ng December 17, 2020! It's Thursday! Thursday na makulimlim, skl ito mga babies ko, ha? Naka sampong sticko ako saka 30 na chocolate, HAHAHA! Wala pang 5 minutes yun grabe HAHAHA! Sorry matakaw lang. Skl ulit lol!
YOU ARE READING
The Pain In 12:51 (12:51 Series #1)
Romance"The 12:51 time had a curse, curse that give you a fucking worst life, worst life that you will not forget, but every pain had a happiness and I called it THE PAIN IN 12:51" ---Marian Yara Mendoza Date written: December 10, 2020 Date Finished: Decem...