"Hoy! Tulala kadyan! Anong iniisip mo?!"
"Yieeee! Iniisip nya yung taga UST! Awit sanaol may isip!" Napatakip ako sa tenga ko, kanina pa ako natutulili sa bunganga nitong dalawang ito. Nasa gitna kasi ako ni Claire at Margaux. Nakakairita ang bunganga nitong dalawa I swear!
Bakit ba hindi nalang sila tumahimik? Nag lelesson yung proof namin, oh! Hindi ba nila nakikita sa harap? Sabagay hindi nila makikita si Sir ang liit kasi. Char. Sorry Sir kailangan lang.
"Pwede ba makinig nalang kayong dalawa?" Iritang saad ko ngumisi naman sila sabay tingin sa board, may pinag susulat kasi ng kung ano ano si Sir. Hindi ko rin maintindihan kung ano yun! Basta mga formula para makuha puso ko, char lang.
"Libre mo kami mamaya? Isaw lang mga apat ayos na." Nakangising saad ni Claire nanlaki naman ang mata ko. Apat lang, ha? Gaga ba sya! 20 pesos rin yun no! Sayang ng 40 ko kung sa bunganga lang ng dalawa mapupunta. "Oo nga Yan, 4 na isaw lang sa labas, oh!" Pag sang ayon ni Margaux.
Sinamaan ko sila ng tingin. "May pera kayo diba? Bakit hindi kayo bumili?" Iritang saad ko kumamot yung dalawa sa ulo. "Gusto namin libre mo, eh! Saka masarap yung libre walang barado sa lalamunan!" Nakangising saad ni Claire mahina parin ang boses namin dahil baka marinig ni Prof Matapang.
"Oo nga Yan! Masarap ang libre lalo na kung may palamig!" Pag sang ayon ulit ni Margaux. Pinakyuhan ko sya sa baba ng upuan nasa dulo kasi kami kaya walang makakakita sa pag pakyu ko. Tsk! Baka macouncil ako kapag nakita ako ni Prof Matapang.
"Ang damot naman,eh. Parang hindi tayo mag kaibigan, kapag ikaw nag palibre hmp! Bahala ka!" Sabay na bulong nung dalawa. Bulong sila ng bulong ng kung ano ano, hindi ko maintindihan kung ano ba ang pinag bubulungan nila basta ang alam ko lang mukha silang bubuyog. Napaka ingay nila siguro hindi na ako mag tataka kung bigla silang tawagin ni Prof Matapa--- "Vigo! Macapulay! Ano ang pinag bubulong bulong nyo dyan?! Kanina pa ako hanap ng hanap ng buboyug yun pala tao! Ano ba ang pinag bubulong nyo dyan?! Sinusumpa nyo ba ang subject ko?!" Halos masira na ang eardrums ko dahil sa lakas ng bibig ni Prof Matapang.
Grabe iba talaga ang apelyedong matapang, napaka tapang kagaya ng ugali ni Prof
"Prof wala kaming ginagawa dito! Promise prof! Saka hindi kami mang kukulam para isumpa ang sub---!"
"Hindi kayo titigil?" Pag babanta ni Prof ang sama na ng tingin nya sa dalawa. Halos lahat ay tahimik samantalang yung dalawa ay sunod sunod ang pag iiling at pag tatanggi na hindi sila mang kukulam para isumpa si Prof. "Promise Prof! Kahit pumunta kaman sa langit ni Satana--" hindi na natapos ni Margaux ang sasabihin nya nung sumigaw ng napaka lakas si Prof.
"MENDOZAAAAA! TUMAWAG KA NG NAPAKA TAPANG NA GUARD!! SABIHIN MO PATAHIMIKIN ANG DALAWANG KATABI MOOO! KUNG WALA KANG MAHANAP NA PINAKA MATAPANG NA GUARD MAG HANAP KANALANG NG PINAKA MATAPANG NA GUROO!"
Napatakip kaming lahat ng tenga. Gusto kung matawa dahil sinabi nya nanaman ang linya nyang 'Mag hanap ng pinaka matapang na guard' grabe talaga si Prof ano? Matapang na nga ang apelyedo mag hahanap pa ng pinaka matapang na guard.
Kinagat ko ang dila ko para mapigil ang pag tawa nakikita ko yung mga kaklase ko na nag pipigil din sa tawa. "Tatahimik na ba kayo? Kayong dalawa Vigo at Margaux?" Sunod sunod na tumango si Claire at Margaux.
"Sagot! Kapag hindi kayo sumagot tatawag ako ng pinaka matapang na----"
"Yes Prof Matapang! Tatahimik na po!" Taas nuong bumalik sa pag tuturo si Prof. Nginisihan ko yung dalawa inirapan lang nila ako kaya lalo akong natawa sa loob ko. Mahirap na kapag tumawa sa labas baka mag tawag nanaman si Prof ng pinaka matapang na guardya.
YOU ARE READING
The Pain In 12:51 (12:51 Series #1)
Storie d'amore"The 12:51 time had a curse, curse that give you a fucking worst life, worst life that you will not forget, but every pain had a happiness and I called it THE PAIN IN 12:51" ---Marian Yara Mendoza Date written: December 10, 2020 Date Finished: Decem...