Chapter 6

984 36 2
                                    

"A-ako na, salamat pala." Pinilit kung hindi mautal pero hindi ako nag tagumpay. Kinuha ko kay Gab ang panyo ngumiti ako ng pilit at ako ang nag punas ng bibig ko, napanguso ako dahil naging itim na ang puti nyang panyo.

Grabe ang hiya ko sakanya! Bakit ba ang dungis dungis ko!

Akala ko ay aalis na sya pero hindi papala naka tayo lang sya sa harap ko habang naka pamulsa. Seryosong nakatingin sa akin si Gab kaya napapayuko nalang ako.

Marian, kailangan mong gumawa ng topic! Nandito ang crush mo! Hindi kapala nag pasalamat nung ihatid kanya sa bahay nyo! Ang bobo mo kasi bakit naman kasi ang bilis mong tumakbo?! Mukha kalang tanga yan!

"S-salamat pala, salamat din dahil hinatid mo ako nung nakaraang buwan, bakit kapala nandito? Kaano ano mo sila Straw at Berry?" Nahihiyang saad ko. Nag kibit balikat naman sya. "Cousin of mine." Parang walang pakialam nyang saad tumango ako sabay 'Ah'.

Ngumiti naman sya ng pilit. "How about you? Kaano ano mo pinsan ko." Ngumiti ako sakanya ng pilit. Ano bang sasabihin ko? Hindi naman kami pasyadong close kaya anong sasabihin ko? Ay bahala na.

"Friends of mine." Tumango sya at umalis napanguso nalang ako. Akala ko panaman mag kakaroon kami ng long conversation, hindi pala. Binaba ko na yung plato na pinag lagyan ko ng marsmallow at lumapit sa dalawang lamon ng lamon.

Tira nga ang letchon.

Sarap na sarap yung dalawa sa balat ng letchon, napatigil sila sa pag lamon nung umopo ako sa lamesa nila. "Kasama kapala yan? Akala ko umuwi kana." Inosenteng saad ni Claire inirapan ko sila.

"Nakita ko crush mo Yan, eh! Si Ga---" hindi nya na natapos ang sasabihin nya dahil kinuha ko yung malaking mamon sa plato nya at isinalpak sa bibig nya nginisihan ko sya sabay tayo. "Tatawagan ko muna si Mommy baka mag alala yun sa atin." Tumango nalang sila at pinag patuloy ang pag lamon.

Pumunta ako sa labas at dinial ang number ni Mommy. Mabilis nya namang sinagot yun. [Yan ikaw ba ito? Wala kami nila Ate Cel mo nandito kami sa Maynila, may ginagawa kasi kaming papeles, kailangan ni Manager Kla ito] may narinig pa akong nag tatawanan sa kabilang linya!

May pinag manahan talaga si Claire at Margaux! Parehas na maingay ang mama nila! Buti si mommy tahimik lang at hindi nag iingay, char.

"Kasama nyo po ba sila Boboy at Lynlyn?" Tanong ko sa kapatid ko. [Oo kasama sila, ayaw naman mag paiwan nung dalawa]

"Meh, nandito pala kami sa party ng kaibigan namin, gagabihin kami ng uwi, eh, hindi yata ako makakapunta dyan." Kumamot pa ako sa ulo at tumingin sa langit. Walang masyadong bitwin wala ring buwan, kakatapos lang kasi ng kabilugan ng buwan, eh.

[Ayos lang! Huwag na kayong pumunta dito! O sya huwag masyadong uminom, baka madisgraya ka! Ang dami kung pangarap sayo!] Natawa ako kay mommy, napaka swerte ko talaga sakanya

Hindi lang mapaalala kung hindi maratatat pa. 2 in 1 san kapa?

"Opo meh." Natatawang saad ko. [Kapag nalasing ka! Huwag kanang umuwi maki tulog kanalang baka mapano kapa, napaka haror mo panaman kapag lasing ka!] Ang daming paalala ni Mommy kaya lalo akong natatawa

Nang ibaba ni Mommy ang tawag ay tumingin ako sa GC naming lima. Hindi online yung dalawa kasi nalamon, si Jersey at Calvin lang ang online.

marianmendoza: Wazzup mga hangal! Nandito kami sa party!

jerseycake: Sanaol pre! Balot mo kami ulam! Baka naman!

calvinklein: Gago talaga tong si Jersey! Ang kapal ng mukha hindi na mahiya! Nakakahiya naman kung ipasok ng ipasok ni Marian yung handa! Marian cake lang oh! Baka naman!

The Pain In 12:51 (12:51 Series #1)Where stories live. Discover now