Chapter 7

906 31 9
                                    

"Pabili nga po ng halo halo." Nakangiting saad ko kahit inis na inis na ako. Paano ba naman ang init init ng panahon ako ang inutusan! May ginagawa paman din ako!

Wala namang ginagawa yung dalawang bruha! Ako pa ang inutusan! Kaya yun nakangiti ang dalawa! "Ilang halo halo beh?" Nakangiting saad ni Aleng Alpha. "Sampo pong tag 20." Inabot ko sakanya yung bayad.

"Pwede pahatid nalang po?" Nakangiting saad ko tumango tango si Ate Alpha kaya nakangiti akong bumalik sa bahay. Napahinto ako sa pag lalakad nung makita ko yung Vendor namay tindang mangga. Agad akong lumapit doon at bumili ng limang manggang nasa stick.

"Sainyo nalang po yung sukli." Nakangiting tumango si Manong, matanda na sya, pero nag titinda parin? Ang astig nya naman! Siguro mag isa lang sya sa buhay kaya sya nag titinda.

Muli akong nag lakad habang kinakain yung dala kung mangga. Bawat kagat ko ay malalaki, baka kapag dinala ko ito sa bahay hindi ako makakain. Napaka patay gutom panaman nung dalawang yun.

Ninanamnam ko bawat kagat ko, napaka sarap ng baguong matamis tamis gagie! Namiss ko na tuloy mam bato ng mangga sa kapit bahay tapos kapag na huli kami kakaripas kami ng takbo.

Napasinghap ako sa hangin nung biglang may umakbay sa akin. Shit muntik ko nang mahulog yung kinakain ko! "Anak ka ng nanay mo jersey!" Sinamaan ko ng tingin si Jersey tumawa lang sya at hindi inaalis ang pag ka akbay sa akin.

"Sarap naman nyan, pinge." Nakangiting saad nya agad kong nilayo yung kinakain ko, dahil nga naka akbay sya sa akin yun, nakuha nya yung isang stick ng mangga ko. Anak ng! Akala ko panaman walang buraot sa daan yun pala meron!

"Ano bang ginagawa mo dito sa Maynila?" Kunot nuo kung tanong ngumiti naman sya. "Sinundan kita." Napangiwi ako sakanya. "Ito naman hindi mabiro! Dito kasi ako mag aaral ng college!" Nag ningning ang mata ko dahil sa sinabi nya.

Malapit nanaman ang pasukan first year college na kami yey!

"Weh? Saan ka mag aaral?" Nakangiting saad ko. "UST, ikaw? Siguro Brent kano? Diba gusto mo maraming foreigner? Kaya doon ka mag aaral?" Agad ko syang binatukan, ang sama nya naman. Pero ayon naman talaga ang sinabi ko sakanya kaya tumpak sya.

"Gago hindi! UST ako! Doon pangarap ko diba?" Natawa nalang sya napatigil ako sa pag lalakad nung maamoy ko yung pamilyar na pabago. "Oy bakit?" Nag tatakang saad ni Jersey.

Tinanggal ko yung pag kaakbay nya sa akin nung makitang nakatingin sa akin si Gab! Oo si Gab! Lumingon sya sa akin sunod ay kay Jersey bago sya dumiretso mag lakad! Anak ng! Hindi nya ba ako babatiin?

"Crush mo?" Natatawang saad ni Jersey, napataas ang kilay ko. Ganon ba ako kaobuse? "Bakit mo na sabi?" Inosenteng saad ko umiling sya, nag simula na kaming mag lakad. Hindi na sya naka akbay sa akin.

"Na starstruck ka kasi eh, buti nalang hindi mo yun crush kung hindi mag seselos ako."

"MAG IISANG TAON kanang nililigawan ni Jersey, bakit hindi mo pa sya sagutin?" Napangiwi ako sa sinabi ni Margaux, nandito kami samay dapitan nakain ng Isaw. Malapit na kaming mag Second Year College pero ito wala paring lablife.

"Oo nga Yan! Malay mo kayo talaga, saka bagay naman kayo, eh" napataas ang kilay ko sa sinabi ni Claire. "Oo bagay kayo! Parehas na maingay!" Sabay silang tumawa ni Margaux, napairap naman ako.

"Ano kayang magiging anak nila?" Nag isip pa si Claire at Margaux. Nakangiwi lang ako habang nakain ng Isaw. "Alam ko na! Chismoso at Putakera! BWHAHAHAHAHA!" Napairap nalang ako sa kagaguhan nila.

Tawa pa ng tawa yung dalawa. Napatigil sila sa pag tawa nung dumating si Berry. Naging friends na namin sya dahil mag classmate naman kami. Napataas ang kilay namin nung makita syang naiyak. "Gago! Anong nangyari sayo berry?!" Gulat na saad ni Margaux agad naman namin syang nilapitan at inakay pa upo.



The Pain In 12:51 (12:51 Series #1)Where stories live. Discover now