"Marian, Ilang lingo kanang hindi nakain, eat your meal na baka makasama yan sayo." Pag pupumilit ni Margaux nandito ako ngayon sa bahay namin sa Cavite.
Kasama ko si Gavyn na 10 years old na, habang lumalaki sya ay gumagwapo, kasama ko din si Margaux at Claire na pinipilit akong kumain. Kahit anong pilit ko ay wala talaga, wala parin akong gana.
"Marian akala ko ba hindi ka iiyak? Bakit ngayon halos mag pakamatay kana? Parang lalaki lang, eh! Saka Marian hindi panaman kayo hiwalay diba? Mag uusap pa kayo kaya sana all! Cheer up sayo! Baka kung anong mangyari sayo nyan, eh!" Pag papalakas na loob ni Claire, parang hindi umiyak itong babaeng toh ha!
Makalalaki lang akala mo hindi sya nag kaganto, ha! Pero tama sya dati sinabi ko sa sarili ko sakanila na hinding hindi ako iiyak sa isang lalaki pero ngayon? Kinain ko lahat! Napaka tanga ko kasi!
"Mom eat your meal na po." Yumakap si Gavyn sa akin, napangiti ako dahil napaka gwapo talaga ng anak ko. "Oh, kainin mo na daw yan! Juice colored magugulat nalang ako kung mag sasalita si Gavyn na mahirap mag palaki ng nanay na hindi na lalaki!" Sarkastikang saad ni Margaux.
Napairap nalang ako, pinahid ko yung luha sa mata ko. Nakangiti kung kinuha kay Gavyn yung pag kaing hawak nya. "Sweet ng baby ko, do you eat your breakfast?" Nakangiting saad ko. Tumango sya.
"Mom I go outside lang po, ha? I want to read some books." Ngumiti lang ako sakanya. Nang iangat ko ang tingin ko ay nakita kung nakangiwi sila Margaux. "Oh ano nanaman?" Inis na saad ko.
Napa roll eyes si Margaux. "Kapag sa anak nya ingles pero sa amin tagalog, that's unfair yow!" Napangiwi ako sakanya. Gusto ko kasing maging magaling mag ingles si Gavyn, sabi ng matatanda kapag daw bata palang sinasanay mo nang mag ingles lalaki daw syang magaling mag ingles HAHAHA
"So ano plano mo, Yan? Mamaya na kayo mag kikita ni Gab diba? Tsk! Tatadyakan ko yung lalaking yun kapag pinaiyak kapa!" Matapang na saad ni Claire. Natawa naman kami ni Margaux.
"Ang tapang ha? Pero hindi pinag laban." Nakangising saad ni Margaux, umirap si Claire. "Ikaw nga matapang pero hindi pinag laban!" Napangiwi ako nung sabunutan nya si Claire.
"Doon nga kayo sa labas baka mapano ako sainyo, eh!" Inis na saad ko napangiwi lang sila sabay ayos ng upo.
"Samahan kaba namin mamaya? Wala akong date, libre ako" tinaas pa ni Margaux ang dalawang kilay nya habang nakangiti. Umiling ako sakanila. "Huwag na gusto kung ako nalang ang pumunta." Ngumiti ako ng mapait.
Tinapik ni Claire ang balikat ko. "Basta kapag inaway ka o sinabihan ng masasakit na salita ewanan mo, ha? Maraming lalaki sa mundo hindi sya kawalan." Nakangiting saad ni Claire parang gusto ko nang umiyak. Huhu.
Nakangiti ding tinapik ni Margaux ang balikat ko. "Teh, kahit palagi kanaming inaasar, lagi mong iisipin na hindi ka nag iisa, nandito kami ni Claire at nila berry, ang team ice cream at ang pamilya natin, basta kung gusto mong mag labas ng sama ng loob huwag kang mahiyang mag kwento, ha? Ilabas mo lang yan, nandito kami handang makinig sayo, saka kung iwan kaman ni Gab hayaan mo syang manghinayang, ha? Hindi sya kawalan okey ba?" Bigla akong humagulgol ng iyak sa sinabi ni Margaux.
"Thank you sainyo!" Agad ko silang niyakap ng sobrang higpit nag iyakan narin sila kagaya ko kaya mukha kaming tanga dito na nag yayakapan. Masaya ako dahil meron akong kaibigan na kagaya nila, salamat dahil andyan sila handang suportahan ako.
"YAN, SURE KABANG mag isa kang mag babyahe?" Nag aalalang saad ni Margaux ngumiti ako sakanila ng pilit. Niyakap ako ni Mommy at ni Daddy. "Kapag iniwan ka huwag mo nang habulin, ha? Maraming lalaki sa mundo?" Nakangiting saad ni Mommy tumango ako sakanya.
YOU ARE READING
The Pain In 12:51 (12:51 Series #1)
Romance"The 12:51 time had a curse, curse that give you a fucking worst life, worst life that you will not forget, but every pain had a happiness and I called it THE PAIN IN 12:51" ---Marian Yara Mendoza Date written: December 10, 2020 Date Finished: Decem...