PART THIRTY-FIVE: HIS DEATH WISH

152K 9.9K 27.2K
                                    

"OKAY KA LANG?"

Kung maka-ilang beses na ba akong bumuntong-hininga ay hindi ko na rin alam. Kahit na namumugto ang mga mata at nanlalabo ang paningin dahil sa patuloy na pag-iyak, tiningnan ko pa rin ang nagsalita at lalo lang nangilid ang luha sa mga mata ko nang malaman kung sino iyon.

"Casper..." I murmured.

He was standing right in front of me and gave me a weak smile soon as our eyes met.

Nasa loob ako ng police station ngayon para magbigay ng detalye kung ano ang nangyari kay papa.

Ni-hindi nga ako makapagsalita nang una dahil hindi ko rin alam ang sasabihin. Sa huli ay sinunod ko ang sabi ni Tyler; na magsinungaling at palabasin na aksidente ang nangyari.

Sa totoo lang, hindi ko malaman kung ano ba talaga itong nararamdaman ko. Gusto kong umiyak dahil sa nangyari kay papa pero dahil sa mga nalaman ko, pakiramdam ko ay namamanhid ako.

Umupo si Casper sa tabi ko at rinig ko rin ang malalim niyang buntong-hininga.

"Why... are you here?" I asked.

"What do you think?" he asked.

"Y-You were with Andrius and Aub—"

"I ditched them because you are alone and I don't want you to face this battle alone," he said and he closed his eyes. Sumandal siya sa dingding at hindi na nagsalita.

Maya-maya'y dumilat siya at nang makitang pinagmamasdan ko siya ay tiningnan niya 'ko sa mga mata.

"Besides, I wanna see you."

I opened my mouth but nothing came out.

Umayos siya ng upo at ini-ayos ang suot na damit.

"Kasama ni Traise at Courtney sina Avery, Tyler," panimula niya. "Kasama nila si Mayor at ang Prosecutor. Inaayos nila ang gulo dahil may media pala sa lugar at nakunan si Heinz. Nagkakagulo ngayon ang bansa dahil buhay pala siya. Bukas-makalawa, asahan na natin ang kaliwa't kanang gulo."

He smiled bitterly.

"Imagine, the murderer is alive all this time..."

I bit my lower lip.

"But dad has a fair share of the crime," I said and looked away. "He's...a murderer too..."

Casper immediately looked around, making sure that no one heard us.

"Neska..." he uttered. "What did you say to the police?"

I gulped and felt another wave of tears building up in my eyes.

"I lied, Casper," I said. "Like what Tyler wants me to do."

Casper closed his eyes hardly.

"Do you think it's the right thing to do?" I asked and my voice cracked. "Casper, we're depriving the victims the justice they deserve..."

"There are things that won't make sense at first but someday, they will," Casper said. "We're not lying just to cover up. Gaya nga ng sabi ni Tyler, we are doing this for you. For Aubrielle. For Reign."

"But what about the victims, Casper?" I asked and my voice was more like a whisper since I was afraid someone might hear me. "Hindi kaya ng konsensya ko..."

"Do you think kinakaya rin ng konsensya ko?" he asked and I saw how his hands were trembling. "Neska, hindi pa rin nag si-sink-in sa 'kin na si tito ang puno't dulo ng lahat. Na isa siya sa pumatay sa papa ko, na siya ang halos kumuha sa 'yo, na siya ang lumason kay Aubrielle, dahilan ng posibleng pagkalumpo ni Andrius, at..."

"Kill Me, Attorney." (Law Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon