PART EIGHT: HE WHO FILLS THE VOID

146K 11.7K 19.2K
                                    

"MA'AM, BAWAL NGA HO ANG GANYAN KA-IKLI."

Napakuyom lalo ang kamay ko.

"Ano naman pong problema sa suot ko?!" I asked.

"Ma'am, sobrang ikli po kasi. Hindi po talaga pwede. Airport po ito, ma'am."

Alam ko, manong. Mukha ba 'kong naliligaw?

"Eh, kuya, twenty minutes nalang po flight ko na."

"Pasensya na, ma'am. Bawal po talaga."

Alam n'yo 'yung nakakainis? 'Yun 'yung alam mo namang tama sila at ginagawa lang nila trabaho nila pero nakakainis pa rin.

I looked at my skirt.

Ano bang problema rito?

I looked at my wrist watch.

Damn, maiiwanan talaga ako!

Yes. I decided to take the job. Aarte pa ba ako eh bukas makalawa wala na akong pangkain?

I decided na mag eroplano nalang dahil baka abutin ako ng pasko sa bus o barko. Tsaka, napakalayo kasi talaga ng lugar na 'yun.

Oh, 'di ba? Wala na ngang makain gastador pa.

Tiningnan ko uli si manong.

"Kuya, please?" I asked.

"Hindi talaga pwede, ma'am, pasensya na."

I bit my lip.

"Sige ho, magpapalit nalang ako," I said. "Saan po ba may malapit na CR dito?"

"Sa parking banda, ma'am. Makisuyo nalang po kayo sa guard."

"Sige po," I said and turned my back.

"Ang ikli,-ikli manamit, puro pakita ng balat, tapos kapag na-bastos magagalit."

My eyes widened when I heard the guard murmured that to himself.

I looked back.

"Ano?" I asked.

"Po?" he asked, shocked.

Binitawan ko ang maleta ko.

"Ano pong sabi ninyo?"

"W-Wala po," he said.

"Kuya aminado akong boplaks ako pero 'di po ako bingi," I said. "Lahat ng chismis alam ko."

"N-Naku, wala po akong sinasabi."

"Narinig ko po," I said. "Nananamit ho ako para sa sarili ko, hindi para sa mata ninyo."

He was shocked.

"Naku, ma'am⁠—"

"At responsable po ako sa pananamit ko. Nagkataon lang na ito babagay sa damit ko."

The guard scoffed.

"Halos buong balat na nga ho ipakita ninyo. Paanong hindi makakatawag ng atensyon at bibigyan ng tao ng malisya?"

"MALISYA?!" I exclaimed. "Kuya, wala po sa damit ang malisya. Nasa pag-iisip po ninyo."

People were looking at us now.

"Problema po ba na masyadong balat ang ipinakikita ko?" I asked. "Mag hintay ka kuya!"

Dali-dali akong umalis.

The next thing I knew, pinagtitinginan na 'ko ng mga tao at nanlalaki ang mga matang tinitingnan ni manong.

Halos lumipad nalang s'ya sa sobrang kahihiyan nang makitang pabalik ako at may suot-suot na bagong damit na tawag-pansin.

"Kill Me, Attorney." (Law Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon